"We'll go to Manila if we're needed," sabi niya. "And I promise you, we'll petition your license para makapagpractice ka. I swear on my life. You'll always be Atty. Laurel..."

Ngumiti lang ako.

I didn't want to think about that right now.

Sancho and I planned about what we'd do for the next days. Halos sigurado na kami na malapit nang lumabas ang resulta ng imbestigasyon ng IBP. Malapit na kaming mawalan ng lisensya. Kailangan ko na ring magpaalam kina Jax.

"What's with the feast?" Yago asked nang makita nila iyong mga pagkain sa lamesa.

Malungkot akong ngumiti. "Thank you lunch," sagot ko. Tumingin ako kay Jax. Hindi siya nagsalita. Naka-usap ko na siya nung isang araw. Nagpaalam na ako sa kanya. Naiintindihan naman niya. He didn't say anything but wished me luck sa kung anuman ang susunod na mangyayari sa buhay ko.

"For?"

"Basta. Kain na lang tayo."

"Lyana..." Yago said.

Pilit akong ngumiti. Ayokong umiyak sa harap nila. Naging masaya ako sa nilagi ko rito sa BGY... Masaya ako na kahit sa sandaling panahon, muli kong naranasang maging abogado...

Pero ganon siguro talaga.

Minsan, kahit gaano mo ka-gusto, may katapusan.

"Umorder ako ng mga paborito niyo. Bilisan niyo nang kumain at baka may bigla pang dumating na kliyente..."

Pero hindi sila gumalaw.

Naka-tingin lang sila sa akin.

"Kumain na kayo..." mahinang sabi ko habang may ngiti. "Please? Ayokong umiyak dito."

"Hey..." Iñigo said. "Whatever happens, we're still here for you, okay? Once a BGY member, always a BGY member."

Bahagya akong natawa.

"He's right," Jax said. "Don't hesitate to call us or anything."

Ngumiti ako.

Nagpapasalamat talaga ako na dito ako dinala ni Sancho.

Hindi na sila nagtanong pa sa dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito. Pero alam ko rin na alam na nila kung bakit. Maliit lang naman ang community ng mga abogado sa bansa lalo na sa Maynila. Alam ko na narinig na nila iyong tungkol sa disbarment case. They just didn't want to discuss it in front of me.

"Iniwan ko sa board iyong number ng nagdedeliver ng supply," bilin ko sa kanila. Puro pa naman sila lalaki. Sana ang papalit sa akin ay babae ulit para may mag-aasikaso sa kanilang tatlo. Kahit tubig minsan nalilimutan nilang palitan, e, ang lakas nilang uminom ng tubig.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilin sa kanila nang biglang bumukas ang pinto.

"Atty. Laurel?" pagtawag ng lalaki na naka-suot ng puting barong at may hawak na brief case. I stood up. "Do you have a minute? I'm here to discuss a few things with you."

Napa-tingin ako kina Jax na mukhang nagulat din sa nangyari.

"About?" tanong ko.

"Mr. Cuesta."

Parang nalaglag ang puso ko mula sa dibdib ko. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim.

"Okay," sagot ko habang tuma-tango.

Hawak ko ang nanginginig kong kamay habang naglalakad kami papunta sa isa sa mga meeting room. Halos hindi ako maka-hinga sa bawat hakbang ko. Puno ng tanong ang utak ko... Bakit wala si Sean? Bakit abogado niya ang nandito?

"I don't want to waste more of your time, so I'll get straight to the point," sabi ng abogado niya. "My client won't contest the annulment provided that you agree that the ground would be your psychological incapacity."

I pressed my lips together and breathed hard.

"He... won't contest?"

"Yes, Atty. Laurel. My client wishes to inform you that he no longer wishes to remain married to you, and that if you have anything to say to him, you can communicate with me on his behalf."

Tahimik na lang akong tumango.

He already heard.

I was sure.

"Okay."

"We will do our best to speed up the annulment proceeding, but if you give birth while you're still married to my client, it is to be known that he would not acknowledge that child and it is to be publicly known that the child is a product of your infidelity."

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ko.

Tumango akong muli.

"You also agree that since you did not have any prenuptial agreement, once the annulment is finalized, you will return whatever the court will grant you from my client's estate."

Tahimik akong tumango.

Wala akong pakielam sa pera ni Sean.

"Is that all?"

Nanatiling naka-tingin sa akin iyong abogado. Nagsimulang bumilis ang kabog ng dibdib ko. It felt like the calm before the storm... only the storm was already brewing right in front of me.

"My client also wishes to inform you that he'll file a case of adultery against you and Atty. Cantavieja, aside from the already pending case for disbarment."

Reclaim The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now