Nagsimula akong kumain. Wala akong gana dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, pero alam ko na kailangan kong kumain para sa baby. I needed to be positive... I couldn't think about the bad stuff all the time. Hindi makaka-buti sa akin ang stress.

Ilang segundo na ang lumipas at wala akong narinig na kahit na ano mula kay Sancho. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naka-tingin lang siya sa akin.

"What?"

"Are you sure you're not mad?"

"I'm absolutely not delighted with everything that's happening... but we needed to be responsible," diretsong sagot ko sa kanya. "When I told you that I'd do something illegal..." Mabilis akong huminto at mapait na ngumiti. "Well, never do anything illegal unless you're prepared for the penalty."

It's that simple.

It needed to be that simple.

"We can always petition your license..."

"Siguro... Pero ayoko na munang isipin."

Hindi na muli akong nagsalita hanggang sa matapos akong kumain. I quietly washed the dishes. I was aware that Sancho was watching my every movement.

"Hindi ba magagalit ang pamilya mo kapag inuwi mo ako sa Isabela?" biglang tanong ko para mabasag ang katahimikan.

"They're begging me to get married already."

"Begging you to get married, not to bring home a married woman," I said to lighten the mood, pero nang makita ko ang reaksyon niya, madilim ang mukha ni Sancho. Ngumiti ako, pero nanatili siyang seryoso.

"Can you please stop being sarcastic with me? Sabihin mo kung ano iyong gusto mong sabihin."

Huminga ako nang malalim at saka pinunasan ang mga kamay ko. Isinandal ko ang mga kamay ko sa lababo. Tumingin sa kanya.

"I'm gonna get disbarred. I'll be left with nothing."

"Am I supposed to answer that?"

"Hindi ko alam. Sinasabi ko lang."

"Pareho lang naman tayo."

"Mayaman ka pa rin. Literal na wala ako."

"When we get married—"

"What?" tanong ko, pero bahagyang nanlaki ang mga mata niya na para siyang nagpanic. "You wanna marry me?"

"I mean... yeah, of course... Pero kung ayaw mo, e 'di 'wag."

Nanatiling naka-awang ang labi ko.

Everything was moving too fast.

I kissed him.

We got together.

I got pregnant.

Then... we're getting married.

We needed to slow down and breathe.

"If you don't wanna get married, then that's what we'll do. Just tell me what you want," he anxiously said. "Whatever you want."

"Okay," I said.

"Okay what?"

"I don't know. Let's just take things one day at a time."

"Okay," muling sagot niya. "So... we'll go to Isabela?"

"Yes. Pero nakaka-hiya sa bahay niyo..."

"Then we'll stay somewhere else. Kahit saan mo gusto."

Was he really like this? Literal na ako ang masusunod sa lahat? It felt completely opposite sa sinasabi nila na relasyon namin ni Sean... Na ako ang pumipilit sa sarili ko na gumawa ng bagay na hindi ko gusto para lang 'wag siyang umalis...

Reclaim The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now