Sinalubong ni Nazareth ang bata. Binuhat ito at kinandong, which hurt my heart a bit for my son. Now that they were together, I could see the similarities of both; the child inherited his nose and lips.

"Baby, what do you want to eat?" he asked to his daughter. He seemed so happy. "Do you want this?"

May tinuro si Nazareth at tumango lamang ang bata, which made Eunice laughed. "She doesn't eat that!"

"Oh, right!" he plastered a boyish smile. "Sorry. Go to your mommy, baby."

Iginiya ni Nazareth ang bata para makalapit kay Eunice. Hindi ko na nasaksihan pa ang tanghalian ng kanilang masayang pamilya dahil tumalikod na ako para tumungo sa headquarters.

Pinunasan ko ang luhang lumandas na pala sa aking pisngi. Nasasaktan pa rin ako. Ngayong nasa harapan ko na at sinasampal sa aking ang katotoohan, parang binibiyak ang puso ko.

When I see Nazareth and Kye together, part of me told me that I should reveal the truth already. My heart was hopeful. I thought if when I ultimately revealed the truth, he might be glad and accept the both of us to his life once again.

Pero sino ba ang niloloko ko?

Tila suntok sa buwan na tatanggapin niya pa kaming dalawa. Masaya na siya sa binuo niyang pamilya at wala akong karapatang hadlangan iyon.

Anim na taon.

Anim na taon ko siyang hindi nakasama at nakita. Ang tanga ko na kung iisipin kong hanggang ngayon ako pa rin ang gusto niya. Indeed, it was impossible. And it only hurts me more thinking that things could have been different.

Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero mas natatakot ako sa sarili ko. I might make an impulsive move again, and in the end, it would only end me.

Naabutan ko ang anak kong pupungas pungas na. Mabilis kong kinuha ang bag at dumiretso sa kabinet. Kinuha ko agad ang mga damit ni Kye at pinasok sa loob. Nang matapos na ay tumayo na ako.

Pinapanood lamang ako ni Kye. Nagtataka kung anong ginagawa ko.

"Are we leaving, ate?" he asked.

Umiling ako at binuhat siya. I kissed his forehead. "Dadalhin kita kay Manang Rosa. Doon ka muna."

His eyes twinkled. He might already miss his Manang Rosa. My son was fond of her and her husband. Kaya gano'n na lamang ang tuwa ni Kye nang sabihin kong doon na siya kay Manang Rosa.

Pinaliguan ko si Kye pagkatapos ay binihisan. Nagbihis din ako ng simpleng white off-shoulder at itim na skinny jeans. Binitbit ko na ang bag na naglalaman ng damit ni Kye at sa kaniya ko naman pinadala ang bag niyang batman.

Nadatnan ko si Angelita sa sala. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na sila Nazareth. They might already go upstairs.

"Oh, saan kayo punta?"

"Iuuwi ko lang si Kye sa Lola Rosa niya. Mas maganda siguro na roon siya," sagot ko.

Tama. Mas magandang hindi na muling mag-krus pa ang landas nilang dalawa ni Nazareth. Tama na 'yong nagkita sila noong una. Hindi na maganda kapag nagpatuloy pa.

"Hala, bakit!?" sambit ni Angelita. "Nako ang baby boy ko." Lumuhod si Angelita upang ma-level ang mukha ng anak ko.

"Kye, say ba-bye na to ate Angelita mo."

"Bye, Ate Anghit..."

Nanlaki ang mata ko. Kununot ang noo ni Angelita.

"Kye! It's Angelita!" pangaral ko. Lumuhod din ako. "Say ah-ngel-lita."

Under His HoodieWhere stories live. Discover now