🍒 - O59

327 14 14
                                    

J O H N N Y
[ narration ; lowercase ]

“pero siguro yung madali siyang mahulog sa isang bagay? marupok yun eh.”

marupok? sabagay, agad nga siyang nahulog kay areum ulit eh hays! paano ko na ngayon matetesting pagmamahal nito kay jihye?

“alis muna ako ah?” biglang pagpapaalam ni jaehyun sa min habang sinusuot niya yung sapatos niya. saan naman pupunta to?

“saan ka pupunta?” tanong ni taeyong na parang nabasa niya kung ano yung nasa isip ko.

“sa coffee shop malapit sa ent.” sagot naman niya atsaka inayos yung sarili sa salamin. mukhang may date ata to ah?

“samahan na kita!” sabi ko naman out of nowhere na ikinagulat nung iba lalo na si jaehyun at nakuha pa kong tignan. kinindatan ko lang sila atsaka pumasok sa kwarto para magbihis. now i know what to do.

---

nandito na kami ngayon sa coffee shop malapit sa ent. pagkapasok na pagkapasok pa lang namin, saktong dumating sina wendy at yeri sunbaenim. nagbow kami at ginreet sila and they did the same. mukhang uma-ayon yung tadhana sa plano ko ah?

“hi sunbaenims! buti nandito kayo?” masayang bati ko sa kanila. pansin ko namang nanahimik lang si jaehyun kaya siniko ko siya ng mahina. tinignan niya ko ng masama pero nanatili pa rin siyang tahimik.

“actually, nandito kami para magbreakfast. kayo?” sagot ni wendy sunbae sa min. ngumiti lang ako saka ulit siniko si jaehyun para sumagot.

“nandito din kami para magbreak—”

“gusto niyong sumabay na lang sa min?” pagpuputol ko sa sasabihin ni jaehyun. tumango naman sila kaya nag-order kami ng makakain saka naghanap ng pwedeng maupuan.

nagkwentuhan kami doon hanggang sa nagpaalam si wendy sunbae na mag-c-cr muna. nang makaalis na siya, nagkunwari akong busy magcellphone para makapag-usap sina yeri sunbae tsaka jaehyun. actually, ito na yung pagkakataon niya kasi matagal na niyang crush si yeri sunbaenim pero nakakapagtaka dahil wala siyang ginagawa kundi kumain ng kumain nung inorder niya.

yep! tinetest ko siya kung magiging marupok siya pero wala talaga siyang ginagawa hays! ni hindi nga siya nagsalita habang nagkwekwentuhan kaming tatlo. tahimik lang siyang nakikinig. minsan iinom ng kape tas lilinga-linga kung saan-saan na parang may hinahanap.

di kaya nakakahalata siya sa plano ko? aba! ngayon pa lang ako nagsisimula.

---

natapos yung araw na tahimik lang si jaehyun hanggang sa makauwi kami. hindi ko nga alam kung natuyuan siya ng laway sa sobrang tahimik niya.

di kaya nawalan ng boses to? impossible! parang ang ingay lang niya kaninang papunta kami eh.

or

nahihiya lang makipag-usap kasi nasa harapan niya yung crush niya kanina? tama! siguro nahiya lang nga!

pagkarating sa may pinto ng dorm, kaagad kong hinarang yung sarili ko sa daan kaya nagtataka naman niya akong tinignan.

“ba't di ka nagsasalita buong maghapon? nasa harapan na yung crush mo pero di ka man lang nagsalita.” pambibwiset ko sa kaniya. bumuntong-hininga siya at malumanay akong tinignan. iniwasan niya ko at papasok na sana sa loob nang bigla siyang magsalita habang nakatalikod sa kin.

“si jihye lang gusto kong makausap.” malumanay niyang sabi at tuluyan ng pumasok sa loob.

ooh! okay. di man nagtagumpay yung plano ko kanina pero atleast may napatunayan na ko.

hindi siya marupok. mapagmahal lang.

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang