🍒 - O29

373 17 11
                                    

J I H Y E
[ narration ; lowercase ]

“ano ba kayo?! wag nga kayong maingay!” dinig kong galit na bulong ng isang lalake. unti-unti ko naman dinilat ang mga mata ko at laking gulat ko na nandito ang neo. nagkunwari pa sila na naglalakad kung saan-saan at pinagmamasdan yung disenyo ng bahay.

napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko naman si jaehyun na nakapatong ang ulo sa mga braso niya habang nakaupo siya sa lapag. mukha yatang nakatulog siya.

bigla ako napangiti pero bigla rin napawi dahil may masakit na alaala akong naalala. wala nga palang kami.

bumangon ako sa pagkakahiga atsaka umupo. tinapik ko ng mahina yung braso ni jaehyun at nagising naman siya. inayos niya yung sarili niya atsaka ako gulat na tinignan.

“o-okay ka na ba? ano masakit sayo? sabihin mo lang.” sunod-sunod at parang natatarantang sabi ni jaehyun. pinigilan kong matawa pero deep inside gusto ng sumabog ng puso ko. nag-aalala pa rin siya.

“okay lang ako.” sabi ko sa kaniya atsaka ngumiti. kumalma naman siya atsaka biglang namula yung mga pisngi niya dahil siguro sa hiya kaya natawa ako ng mahina.

“hoy love birds—” tawag ni haechan kaso naputol nung tinampal siya ni mark. binalingan niya ito atsaka binigyan ng masamang tingin. bumalik yung tingin ni haechan sa min atsaka ngumiti at muling nagsalita, “kakain na.” tuloy niya sa sinabi niya.

tumayo na kaming pareho ni jaehyun at pumunta sa may dining area. tinignan ko naman lahat ng pagkaing binili nila. halos lahat ay paborito ko pero... ang dami naman ata?

wag ka na magtaka jihye. alam mo naman yang mga yan. mga matatakaw.

sabi ko nga eh.

nagsimula na kaming kumain lahat. konti lang yung kinuha ko dahil di pa talaga kaya ng katawan ko. medyo nanghihina pa.

mostly, yung cheese ramyeon yung laman ng bowl ko. mas needed daw kasi sabi ni haechan.

pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan lang. di nagtagal, napagdesisyunan na din nilang umalis dahil may schedule pa daw sila bukas.

huling lumabas si jaehyun pero bago pa siya makaalis ay binigyan niya ko ng halik sa noo. o...kay? what was that for?

ano ba talaga yung intensiyon mo jae?

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon