🍒 - O49

332 14 7
                                    

J A E H Y U N[ narration ; lowercase ]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

J A E H Y U N
[ narration ; lowercase ]

“waaah! my virgin eyes!”

“oa mo haechan. natutulog lang sila magkatabi.”

“hehe! sorry naman.”

“pero infairness, natalo mo si taeil hyung sa high notes niya.”

“aray naman eh! kailangan mamatok?”

“ingay mo kasi! nagising mo ata si jaehyun.”

“hala weh?”

“gumalaw eh.”

“ano pa ginagawa natin dito? tara na! alis na tayo bago pa tayo mahuli!” dinig kong bulong-bulungan ng ibang members at biglaang pagbagsak ng pinto ng kwarto. bulong pa ba tawag don? dinig na dinig eh.

iminulat ko ang mga mata ko atsaka napatingin sa katabi kong mahimbing pa rin ang tulog. ang ganda niya pa rin.

inayos ko yung pagkakakumot sa kaniya atsaka tumayo at lumabas ng kwarto. pagkalabas ko ng kwarto, napansin kong agad nagsiayusan ng pwesto yung ibang members na akala mo walang nangyari kanina.

napangisi na lang ako atsaka dumiretso sa dining area na kung saan kumakain sina taeyong, johnny, at mark. tumabi ako kay mark atsaka kumain din.

“sarap ata ng gising mo ah?” biglaang sabi ni taeyong na may halong panunukso. napailing na lang ako sa kaniya habang nakangiti. sino ba naman hindi masarap yung gising kung katabi mo yung taong gusto mong makatabi?

“oh! gising ka na pala jihye! kumain ka na dito.” biglang sabi ni johnny. napatingin ako sa gawi niya at nakitang papalapit sa min. kaya lang, imbis na umupo siya sa tabi ko eh sa tabi ni johnny siya umupo. ngayon ko lang din napansin na ngayon ko lang narinig magsalita si johnny. kanina pa siya tahimik nung dumating ako.

anong meron sa inyong dalawa?

---

natapos ng kumain si taeyong, mark, at johnny kaya kami na lang dalawa yung naiwang kumakain.

habang kumakain pa ko, bigla siyang tumayo tsaka niligpit yung pinagkainan niya. pagkatapos non ay lumapit siya sa kin atsaka nagsalita, “mag-uusap tayo pagkatapos mo diyan.” sabi niya atsaka dumiretso sa sala kung nasaan yung ibang members na busy maglaro ng animal crossing. siyempre, pasimuno si taeyong.

pero ano naman pag-uusapan namin?

magpapatuloy na sana ulit ako sa pagkain nang mapansin kong may gamot pampatanggal ng hangover sa tabi ng basong may tubig na iniinom ko. napangiti naman ako pero biglang napawi nang maalala ko lahat ang nangyare kagabi.

damn! anong kalokohan ginawa mo jaehyun?!

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Where stories live. Discover now