🍒 - O5O

328 14 7
                                    

J I H Y E
[ narration ; lowercase ]

“jihye, iwanan muna kita diyan ha? maliligo lang ako.” sabi ni taeyong atsaka ako iniwan dito sa sala at pumasok sa kwarto niya. lahat ng members, maliban sa kaniya, ay iniwan akong mag-isa dito sa sala dahil may kanya-kanya daw silang gagawin sa mga kwarto nila. okay lang din naman kasi makakapag-usap kami ng kaming dalawa lang.

nakita ko na siyang tumayo sa pwesto niya at iniligpit yung pinagkainan niya. pagkatapos non ay ininom niya yung gamot na nilagay ko sa tabi nung baso. pinanood ko siyang uminom at hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon.

pagkatapos niyang uminom ng tubig ay napa-'aaahhh!' pa siya na akala mo nasa isang commercial siya atsaka ito biglang nagsalita, “done checking me out?”

ay anak ka ng nanay at tatay mo!

bakit mo ba kasi tinitigan jihye? pahiya ka tuloy aish!

napaiwas ako ng tingin dahil namula ako bigla nang dahil sa hiya. stupid jihye!

“d-dalian mo diyan. mag-uusap pa tayo.” sabi ko na lang atsaka tuluyang tumalikod sa kaniya at pinagkrus ang aking mga kamay. kailangan talaga naming mag-usap. nababaliw na ko sa mga nangyare kagabi. i need closure.

narinig kong ibinaba niya yung basong hawak niya sa mesa atsaka pumunta sa pwesto ko at umupo paharap sa kin.

“ano ba pag-uusapan natin?” pagsisimula niya. hindi ko alam pero bigla na lang ako kinabahan dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. kinakabahan ba ko sa magiging reaksiyon niya?

bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita, “hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, kailangan nating mag-usap dahil litong-lito na ko jae. ang daming tanong na gumugulo sa utak ko na hindi pa nasasagot. i need—no, i want closure jae.” tuloy-tuloy kong sabi sa kaniya. hindi ko naman mawari kung ano yung reaksiyong pinapakita niya. nagulat na lang ako nung bigla siyang tumawa ng mahina at mapakla.

“sinabi ko na sayo kagabi diba? i still love you.” sabi niya sabay hawak sa kamay ko pero kaagad kong iniwas yon. hindi ko alam. ayokong maniwala.

“p-pero...” hindi ko matuloy yung sasabihin ko. wala akong mabuo ni-isang sentence man lang.

“you know what jihye? if you want that closure then i won't give it to you. selfish na kung selfish pero hindi ko ibibigay sayo yung closure na hinihingi mo.” sabi niya atsaka tumayo at naglakad papunta sa kwarto nila jungwoo. what?! gusto ko lang naman ng closure para pumayapa na yung buhay ko pero bakit ayaw niyang ibigay?

hinabol ko siya atsaka iniharap sa kin at muling nagsalita, “bakit? bakit ayaw mong ibigay? gulong-gulo na ko jae! kahit yun lang, wag mo naman sanang ipagkait.” sabi ko habang hawak-hawak yung kamay niya at naluluha. bwiset na luha yan! di na ko tinantanan!

“no! and that's final jihye.” sabi niya atsaka ako tinalikuran at tuluyang pumasok sa kwarto nila. napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang inis.

ano bang tumatakbo sa isip mo at ayaw mong ibigay sa kin yon jae?

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Where stories live. Discover now