🍒 - O12

435 24 41
                                    

J I H Y E
[ narration ; lowercase ]

a-anong ginagawa ni jaehyun dito? ineexpect kong si taeyong o kaya ibang members yung magbibigay sa kin ng ticket.

choosy ka pa eh ayan na nga si jaehyun oh!

“uh... eto yung ticket mo papasok. kailangan ko na rin pumasok kasi magstastart na din eh.” sabi niya at bahagyang ngumiti. nagpaalam na siyang umalis bitbit yung mga pagkain na niluto ko. i waved back at pumasok na sa venue. hindi ito yung first time na nakapasok ako sa ganito but i can't help but to be amaze. ang laki ng venue so ibig sabihin ganun karami ang mga fans nila. sobrang sikat na nila. nakakaproud.

“bringing their newest comeback that will kick the hearts of many, let us all welcome! NCT 127!” pagpapakilala ng emcee sa kanila at isa-isa silang pumasok sa stage at inayos yung mga formations nila. pagkatapos nun ay nagsimula na silang magperform. isa-isa din nilang pinakita yung mga charms nila kapag part na nila. tili naman ng tili yung mga katabi ko pero ang cringe naman ng ginagawa nila.

part na ni jaehyun at masasabi kong nag-improved siya. di katulad kahapon na mukhang wala nga siya sa concentration. habang kinakanta niya yung part niya, bigla siyang nagwink sa may banda namin at nagfinger heart sign. tili ulit ng tili yung mga katabi ko dahil sa ginawa niya.

“did you see that? he winked at me!”

“duh! para sa kin yon! that finger heart sign and wink are for me!” pag-aaway ng dalawa kong katabi. away-away pa kayo eh para sa kin naman talaga yon duh!

natapos yung performance nila at nagsisisigaw ang mga tao dito. nagbow na sila atsaka naglakad paalis sa stage at dumiretso sa backstage. pumunta na rin ako sa may backstage pero bago pa ko makapasok ay hinarangan na ko nung guard. pinakita ko naman yung backstage ticket ko pero di pa din ako pinapasok. umalis na lang ako dun at pumunta sa labas. nagchat na rin ako kay johnny na di ako pinapasok kaya uuwi na lang ako.

nag-aantay ako ng taxing pwedeng masakyan nang biglang may humila ng kamay ko kaya nagsisisigaw ako, “kuya wag!” sigaw ko at nagpupumiglas pero bigla rin ako natauhan at nagulat nung si jaehyun pala ang may hawak ng kamay ko. bigla ako namula dahil sa hiya kaya umiwas ako ng tingin.

“uh...” sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. “pwede ka na pumasok. buti na lang nahabol kita.” dugtong niya. tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. sumunod naman ako sa may likod niya.

malapit na kami sa may pintuan nang haharangin ulit sana ako nung guard pero pinigilan siya ni jaehyun kaya nakapasok ako. nakita ko naman yung buong nct 127 na kumakain na nung hinanda ko.

“talagang di niyo kami titirhan ano?” tanong ni jaehyun at tumawa naman yung iba. kumuha ng plato at kutsara tinidor si jaehyun. inalok niya yung isa sa kin pero tinanggihan ko ito kasi busog pa naman ako. pinanood ko na lang sila kumain. nakuha pang magbiruan ng iba kaya medyo makalat na yung loob.

---

as usual, hinatid nanaman ako ng neo sa bahay and as usual, nasa likod ulit kami ng van ni jaehyun at hawak-hawak niya yung kamay ko. siyempre hindi ulit ako tumanggi.

pagkababa namin ng van ay pumunta na kami sa may gate ng bahay. pagkabukas ko ng gate ay papasok na sana ako pero laking gulat ko nang bigla niya ko hinila at niyakap.

“good night.” malambing na sabi niya. humiwalay siya pagkatapos non atsaka sumakay ulit sa van at tuluyan na silang umalis. nagwave na lang ako at nanatiling nagulantang sa nangyare.

ay ano ka ba jihye?! wala lang yon. ganun talaga si jaehyun okay? okay.

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Where stories live. Discover now