Para sa akin.

Para sa amin.

I was half awake nang ilipat ako sa isang hospital room. I heard the nurses talking about something. Hindi ko man masyadong maintindihan dahil hindi pa nanunumbalik ang buo kong lakas, ngunit may mga napagtanto ako.

"Kakawa naman. Ang bata niya pa. Mabuti't normal ang delivery pati ang bata..."

"Kaya nga. Pero nanay niya 'yong inatake sa puso kanina 'di ba habang nanganganak siya?"

"Oo, iyon nga."

Tears pooled in the corner of my eyes before I was slowly eaten by darkness. Nagising ako sa pagbukas ng pintuan ng kwarto. A nurse went inside. Buhat nito ang isang inosenteng sanggol.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Lalo na nang mabuhat ko ito sa mga bisig ko. My heart was fluttered when the baby started crying.

"H-hi, baby..." Tears streamed down from my eyes. "S-sayang...hindi ka nakita ni mommy..."

It was confirmed.

I was the only family that mommy has so they had to tell me.

Mommy died during the delivery because of a heart attack.

During my delivery.

Bolta-boltaheng sakit ang naramdaman ng puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin mapigilan ang pag-agos ng luha mula sa aking mata. I didn't know life could be this cruel. Bakit? Bakit hindi manlang hinayaan na masilayaan ng tumatayo kong ina ang anak ko?

Bakit?

Was it that hard? Bakit kailangan magmadali?

"Ano pong ipapangalan natin sa baby, Ma'am?"

"Gunner Kye Theoden H. Angeles."

I had decided that I would raise him as my brother. Hindi ko pa kayang maging ina niya. Hindi ko pa kayang tumayo bilang magulang niya. That would only trigger my heart to remember the painful past. Eh 'di kung sana hindi ako nabuntis, nagamit namin ang pera mula sa kinita sa mansion upang maipagamot si mommy.

Hindi sana nangyari ang lahat ng ito.

Then Manang Rosalinda came rushing at the hospital. Nanghina ako sa sobrang sakit.

"Hellary..." Agaw niya sa aking atensyon.

"Manang," agad niya akong dinaluhan at niyakap nang mahigpit. "Ssshh, tahan na. Ako na ang bahala sa inyo. Sa amin na kayo titira ng kapatid mo..."

"Manang...Si mommy..."

Hindi ko pa rin matanggap na wala na si mommy. It took me a year to at least healed from everything. Dinala kami ni Manang Rosalinda sa probinsya nila at kinupkop kaming dalawa ni Kye ng mag-asawa.

They were good to us. Tinulungan nila ako na palakihin ang kapatid ko. Ang anak ko.

"Ate! Look!"

Almost six years had passed, and Kye was already five years old. Parang sumayaw lang sa hangin ang panahon sa bilis nitong dumaan.

Nagkatinginan kami ni Manang Rosa. She knew everything beforehand. Pinaliwanag ko sa kaniya at alam kong naintindihan naman ng matanda iyon.

Nilapitan ko si Kye at lumuhod. Medyo madungis ang mukha niya, siguro'y kakalaro sa labas.

Pinakita niya sa 'kin ang saranggola na gawa sa plastic. He proudly put it on my face. "I made this po, ate!"

Ate.

Yes, Kye. I was your sister:

Mas nagliyab ang apoy sa puso ko na itago si Kye nang malaman na si Nazareth ang magiging amo ko. At mas naging desidido ako dahil may sarili na pala siyang pamilya.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon