"What? Eh yun yung gusto ko eh." hayst. Pinapahirapan nya talaga ako oh. Parang nagsisisi na tuloy ako kung bakit ako pumayag.



Iniayos ko muna ang aking sarili bago gumayak. Isang payong at jacket ang suot ko. Pwede na siguro to. Jan lang naman ako sa pinaka malapit na 7/11 bibili eh. Wag na mag inarte.



"Close the door when I leave okay." paalala ko sa kanya. She just hummed as a response. I kissed her forehead before I leave.




I used an elevator upang makarating sa parking lot. Once I'm in there, I quickly searched for my car at pumasok na roon. Hmm... sa pag kakatanda ko ay may nadaanan kaming 7/11 kahapon. I guess don na lang ako pupunta.




Hindi naman masyadong traffic kaya naging mabilis lang ang lahat. Hindi na masyadong hussle. Hooo! Buti naman. Kakaasar kayang mag intay. Diba guys? Tama ako? Sagot naman kayo dyan.



Nakita kong lilima lang kaming tao sa loob ng store. 2 cashier at kaming 3 na cashier. Agad akong dumiretso sa kinalalagyan ng ice cream. Hmm. Hindi ko pala natanong kung anong size ang gusto nya tsk. Ano kaya? Gano ba kalaki?



I think I'll go for the biggest one. Okay na yan. Magsawa syang kainin nang kainin hanggang sa mangilo ang kanyang ngipin. Jok lang. Parang ang sama ko naman ata pag ganon.



I decided na kumuha ng tatlong ganon. Madami ba? Kayang kaya naman nyang ubusin yon eh. Edi kung may natira edi iref muna. Para hindi na rin ako pabalik balik pa. May pasobra dahil special sya.



Naramdaman ko ang kakaibang tingin ng cashier sa akin matapos ko itong ilapag. I know, I know. Marahil ay nagtataka sya kung bakit ang dami ko atang biniling ice cream eh napaka lamig na ng panahon. But hindi na sya nagsalita pa. I wonder kung hindi ba sila nabobored or inaantok man lang kung ganito ang weather.


Kase kapag ganito ang panahon ay lagi lang akong tulog sa bahay. Sarap sarap kaya. Tsaka kakatamad kumilos grr. Parang gusto mo na lang humilata buong araw eh.



I'm on my way now on my condo unit ng may marinig akong tumatawag sa aking cellphone. Since kabisado ko na ang aking cp so I pressed the answer button habang ang mga mata ay nasa daan pa rin. Mahirap na. Baka mamaya pag lingat ko ay may paparating. Edi na dedz na ako non.



'Oa naman dedz kaagad hindi ba pwedeng nawalan lang muna ng malay?'




Che manahimik ka nga dyan brain. Umi extra ka  na naman ng walang pasabi. Chupi ka nga. Hmp. Shut up na lang u.



"Hello?" I asked.



"Bakit ang tagal mo?" ang bungad sa akin ng kung sino na naging dahilan kung bakit napakunot noo ako. Sino naman kaya ito? Baka naman namali lang nang pindot.


"Uhm... who's this?" I heard a tss sa kabilang linya.



"Duh it's me Stac-- err I mean Desire" Ow shoot. Oo nga pala. Hindi ko man lang sya nabosesan. I wonder kung paano nya nalaman yung number ko.



'Tangek ka ba demi? Binigay mo sa kanya bago ka umalis remember? Nakalimutan mo na ba?'



Ay shems oo nga pala. Nawala sa isip ko hehehe. Sori na.



"Oh ikaw pala yan. Don't worry, andito na ako sa parking lot. Baket miss mo na ba ako?" pag bibiro ko sa kanya habang kinukuha ang aking pinamili sa aking kotse. Isinarado ko rin naman ito matapos makuha ang lahat ng aking kailangan.




"No I'm not. I didn't know na may pagka assuming ka din pala talaga. I thought meron na namang bitch na lumandi sayo on your way kaya ka natagalan."  she said but hindi ko masyadong naintindihan. May ibinulong kasi sya sa bandang huli eh. Ang narinig ko lang ay yung assuming daw ako. Ang babaeng to talaga oh. Idol ko kasi sya kaya ganon.




"Hurry up na nga." sabi nito at pinatay na agad ang linya. Napailing na lang ako dahil hindi man lang nya ako pinagsalita. Hayst. Wala na rin naman akong nagawa pa kaya sumakay na rin ako ng elevator upang makapunta na sa aking unit.



Once I'm in there, I took my keys to open the door. Mayroon kasi akong spare key. Isang nanood na babae ang una kong nakita pag kapasok ko ng aking unit. I guess ito ang ginagawa nya noong wala pa ako. She's still watching and I think hindi nya pa rin napapansin na naririto na ako. It seems na she's so engrossed sa kanyang pinapanood.



I took off first my jacket at inilagay sa kung saan ang payong upang matuyo. Nang makitang okay na ang aking sarili ay tinawag ko na sya.




"Waahhh Finally you're here na buti naman!!!" energetic nitong bati sa akin. Hindi naman halatang excited sya noh.




"Wow ang dami mo namang binili tatlo." namamangha nitong saad. Tama lang yan hanggang sa magsawa ka kakakain hmp nang hindi mo na ako utusan pa.



"Kaya ba tatlo kase I love you?"


"I love you more este hindi noh ano ba. Mas maganda na pag madami. Kukunin mo ba o hindi?" masungit kong saad sa kanya upang mapagtakpan ang kahihiyang nasabi ko. Tsk. Bigla bigla na lang kasing lumalabas sa bibig ko ang ganong bagay.


"Sus bakit ang defensive mo?" nakakaloko nitong tanong sa akin at ngumisi pa talaga ang loka.


"Wala let's eat na nga." pag aya ko sa kanya upang mabago ang topic naming dalawa. Buti naman at hindi na nya ito inungkat pa.



"So para hindi boring maglalaro tayo." she said to me. Hmm. Ano naman kayang laro ang gagawin namin?



"Let's ask each other a question in that way makikilala natin ang isa't isa."



I just agreed to her because it seems fun. Mas okay nang gawin yon kesa sa iba pa hahaha. If you know what I mean.

University Series : Stacey Desire ZuluetaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu