10

174 11 0
                                    


Dinner

PARANG puputok na ako sa sobrang galit nang ilang beses na marinig ang pangalan ko na tinatawag ng mga tambay na lalaki. They were catcalling me and sometimes telling me offending words.



Lumakad pa kasi ako patungong Jollibee at lumiko pa dahil ito yung pinuntahan ko para makahanap ng sasakyan since one-way sa Nemco at hindi sa direksiyon pa-Navarro ang punta ng mga tricycle.



"Hoy, pokpok! Lingon ka naman diyan. Napanood ko pa naman ang video mo. Lakas mong umungol!"



I halted from walking and angrily faced them.



"Anong sabi mo?" nagpipigil kong tanong.



"Ewan ko, nakalimutan ko. Pokpok ba 'yon, Miss?"



"Pokpok mukha mo! Ikaw nga, mukhang porn star na addict! Saka, at least maganda ako e kayo ba? Mukha kayong mga hapon na manyak! Palaging tigang!"



They threw me glares. Kahit matapang ako noh, marunong pa rin naman akong matakot. They're still boys and I'm just a girl who can't overthrow them all. Apat sila at nag-iisang babae lamang ako.



To keep my cool, I raised each of my middle finger. Sinabayan ko rin ng pagdila. Kahit nakaramdam na ako ng kaba dahil sa paraan ng pagtitig nila sa akin. Their mind were like talking to each other, planning to kill me.



Nakatanggap ako ng tawag galing kay Aizel.



"Girl, pwede pakibilhan ako ng siomai at siopao. Babayaran lang kita pag-uwi mo. Nagke-crave kasi ako sa mga 'yan e. Nakakatakam! Saka nakauwi agad ako ng maaga, kaya nakalimutan ko."



"Hala, sa boulevard ko pa 'yan mabibili 'di ba?"



"Nasa Metro lang din naman 'yan. Saan ka nga pala ngayon? Magdidilim na ah pero 'di ka pa rin nakauwi."



"Sa sakayan na ako. Pero sige, nasa kabilang kanto lang din naman yung Metro."



"Sige, sige. Salamaters!" she said and ended the call.



Nasayangan ako nang may tumigil na tricycle sa harap ko. I shook my head as a sign na hindi ako sasakay. Pero sabagay, parang gusto ko ring kumain ng shawarma ngayon sa Metro.



Instead of buying shawarma, cheese-flavored fries na lang ang binili ko. Yung pinakamalaki na cup size, yung tag-200. Honestly, mas gusto ko pa talaga ang fries dito sa Metro kaysa sa Jollibee at Mcdo. Dito kasi ay may pagka-crispy 'di tulad sa fast food na lantay at kapag kinakain ang lambot lamang.



Bumili na rin ako ng siomai at siopao. Himala ang Aizel na 'yon at ngayon ko pa narinig na marunong rin palang mag-crave 'yon. Baka buntis 'yon.



Natawa na lang ako sa naisip ko. Imposible naman. Una, wala siyang boyfriend. Pangalawa, wala ring nanliligaw sa kanya. At pangatlo, ang sexy niya para masabihang buntis.



Bumili ako ng alcohol at um-exit na agad sa Metro at bumalik sa nakasanayang sakayan ko. I felt scared when I noticed that the people in the particular area just can be counted. Kaunti lamang kami ang narito.



Mas tinubuan pa ako ng takot nang makita ang apat na lalaki na nakasagutan ko kanina. Napatingin ang isa sa akin at agad na siniko ang katabi na nilingon rin naman ako. They were staring at me dangerously.



I was frustrated when no tricycle pass through. Gustong-gusto ko nang makauwi. Baka lapitan pa ako ng mga demonyong 'to. At tama nga. Napaatras pa ako nang nilibutan nila ako.



Retrieving One's Loss ✔Where stories live. Discover now