34

187 11 0
                                    


Reason

PAGLABAS ko pa lang sa airport dito sa Surigao ay impit akong napatili. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagpunta dito.



"Hoy Zychr! Hintayin mo naman kami!" sigaw ni Krishnie.



"Excited lang kasi ako!" hyper kong sabi.



Napatingin ako kay Kryx na hindi maipinta ang mukha. Ayaw niya kasi talagang sumama dahil sa pangalawang trauma niya. Knowing that Tito Krizon has been killed by my biological father is very heartbreaking for his part.



Let's just say, he already accept that incident but the memories will keep haunting him.



Lumaki siyang dala-dala ang alaala sa pagkamatay ng mga magulang niya. And then he will witnessed another horrible happenings again. That's so cruel.



"Magho-hotel lang ako, Krish. I won't pay a visit there. Please understand me," wika ni Kryx.



"So hindi ka sasama sa amin pauwi sa bahay? Bibisita na nga lang tayo ng ilang araw dito, mag-e-emo ka na naman. Besides, hindi naman sa bahay natin namatay si–"



"Mauna na kayo. Basta hindi ako sasama. Just message me if where we should meet."



Mananatili kami dito ng apat na araw. Nasa kwarto na kami ngayon ni Krishnie. Well-organized and very neat pa rin ang mansyon nila since may bantay at tagalinis sila dito.



"Bakit hindi mo na lang sinama si Elgie?" saad ni Krishnie.



"E, hindi ko naman alam na pwede palang mag-aya ng ibang tao. Inimbita mo lang naman ako kaya nakakahiya kung magsasama pa ako ng iba."



Kinagabihan ay naisipan kong maglalakad-lakad. Hindi naman kasi ako pagod. Tapos si Krishnie, ayon tulog na tulog. Nagsuka pa nga 'yon kanina kasi bigla daw nahilo. Dulot siguro ng jetlag.



Kahit matagal nang hindi ako nakapunta dito pabalik ay memoryado ko pa rin ang daanan padiretso sa boulevard. Liliko lang naman kasi tapos diretso na agad ang lakad mo. I was greeted by the smell of street foods. Napapansin kong medyo dumami ang mga street vendor dito.



Napapadyak ako ng paa at impit na napasigaw sa inis nang hindi ko makapa ang wallet ko sa bulsa ko. Shit! Nakalimutan kong magdala ng pera! Nakakapagod pa naman ang pabalik-balik. Anong gagawin ko na lang dito? Ang manahimik at panoorin ang mga kumakain?



Bigo akong napaupo sa bench at napasandal na lamang. I was disturbed by the noise of the people. Their sharp voice made me frowned. Ang saya-saya nila. At ang lalakas pa nga mga tawa.



Palihim na napangisi ako nang mabitawan ng babae ang plastic cup na naglalaman ng kwek-kwek dahil sa kakatawa. 'Yan tawa pa.



Mabilis akong napalingon nang maramdamang may kumalabit sa akin. A group of girls who's still wearing a uniform. Gabi na tapos nandito agad sila dumiretso? Sana umuwi muna sila para makapagbihis bago gumala.



"Yes?"



"Queen!" sabay nilang sigaw. "Pa-picture Ate! Hala, hindi kami makapaniwala na nandito ka! Last time I stalked your instagram, nasa filming ka para sa movie adaptation ng story mo. We're actually a ZTGs!" wika ng babaeng naka-braces.



I don't know but when I saw a girl who's wearing a braces, si Veron agad ang pumapasok sa isipan ko. Kumusta na kaya sa kulungan ang babaeng 'yon? Sana naman ay may natutunan na 'yon sa buhay.



Retrieving One's Loss ✔Where stories live. Discover now