03

211 15 0
                                    


Violin

PAGBUKAS ko ng pintuan ay nagulat ako nang bumungad ang nakangiting mukha ni Aizel.



"What?" medyo mataray kong tanong.



"Anong religion ka ba?"



"CBC bakit?" nagtataka kong tanong.



"Okay lang ba sa'yo ang mag-bible preaching? Every Sunday kasi ay nakasanayan na namin itong gawin sa kila Krishnie e. Baka want mo lang naman. Mukhang nakakainip naman kasi diyan sa loob."



Gusto ko sanang tumanggi dahil gumagawa ako ng prologue sa bago kong story'ng sinimulan, pero ayoko namang tumanggi kapag tungkol na sa mga salita ng Diyos. Yung feeling na makokonsensya ka bigla kapag hindi mo Siya pinaprioritize.



"So kina Krishnie tayo?" paninigurado ko.



Namangha ako nang makapasok kami sa loob. No'ng kaarawan kasi ng aso ni Kryx ay hanggang sa front yard lamang kami kasi do'n naman pinagdaos ang event. Hindi ko na mabilang ang dami ng painting na nakasabit sa dingding. Paniguradong mamahalin ang mga ito.



"Guys, another child of God is here!" sigaw ni Aizel at mabilis na tumabi kay Krishnie.



Napansin ko ang hindi pamilyar na dalawang babae. Napansin ko rin agad na bigla silang nagbubulungan. Gross was all written to their faces. And I think I already know the answer.



"Hey! Ano 'yang pinagbubulungan niyo?" tanong ni Krishnie sa dalawa.



"Why she's here? 'Di ba taga-Cebu 'yan?" tanong ng isa.



"Dito na kasi ako magka-college," ako na ang sumagot.



"Depressed ka noh? Kaya siguro tinakasan mo yung problema mo sa Cebu. By the way, how was your boyfriend ba? Hahanap-hanapin ka nun panigurado," the other girl said in a malicious tone.



Natahimik kaming lahat. I got really offended. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan lamang ako nito ng kilay.



"Sorry to say this, pero galit ako sa mga babaeng walang delikadesa."



Sinaway siya ni Krishnie pero nanatili pa rin ang nandidiring tingin ng babae sa akin. Ang isa naman ay nakayuko lamang at parang takot na makipagtitigan sa akin na parang mahahawaan ko ito ng sakit gamit ang paninitig lamang.



"Grabe ka naman, Anz. Bible preaching ang ipinunta natin dito, hindi ang manghusga," ani Aizel.



Nanatiling nakatayo lamang ako at binalewala na lamang ang narinig galing sa Anz na tinutukoy ni Aizel. I can't blame her though. At least, she's being a frank judgemental.



"E, bakit ka pa kasi nagdala ng..." Anz said and scanned me from head to toe.



"Mapanghusga ka talaga e noh? Palasimba ka pa naman at mukhang memorize mo na nga ang mga bible verses pero bakit ang judgemental mo? Nasa bibliya ba 'yan?" ani Aizel.



"Shut up! Nagsasabi lang naman ako ng totoo tungkol sa viral niyang video. Ipinagtanggol mo lang siya dahil katulad ka rin niya, basag na."



Retrieving One's Loss ✔Where stories live. Discover now