Samu't-sari ang pumapasok sa isipan ko. Bakit hindi ko maiwasan na isipin si Niniana ng ganito gayong ang dapat kong pinoproblema ay ang mga alters ko na lumalabas at ang Integrating theraphy ko kay Dr. Vallejos.

Alam kong hindi magiging madali ang isasagawang theraphy na iyon lalo pa't inaamin ko na napakalakas ni Ezekiel Rios.

Ayokong isipin na napakahina ko. Sana sa muling pagsalang ko sa theraphy na iyon ay walang gawin si Ezekiel.

Six years ago nang mag attempt kami na gawin ang theraphy na iyon. Naging isang bangungot ang lahat. Marami ang nadamay. Hindi ko pa nga alam kung may nagawan ng masama si Ezekiel.

Sobra siyang malupit kaya hindi konsiya kinakaya. Pero hindi ako papayag na siya ang tuluyang lumukob sa buong pagkatao ko. Hindi ako siya. At mas lalong hindi sa kanya ako.

Kaya sisiguraduhin namin ni Dr. Flynn na magiging maayos ang muling pagsasagawa namin ng theraphy na iyon dahil maging siya ay ayaw kong mapahamak dahil kay Ezekiel.

Kaagad na nag park si Irish pagkarating namin sa HC Medical City. Sumunod lamang ako sa kanya nang bumaba siya. Alam ko naman siya kapag labis na nag-alala. Nakakalimutan ang lahat maging ang kasama. Basta mapuntahan lamang ang kaibigan.

Naiwan pa niya ang car key niya kaya ako na ang kumuha non at nag-lock ng sasakyan niya. Sinundan ko siya paloob ng hospital. Naabutan ko siya sa may corridor na may kausap sa phone.

"What? Kaaalis lang niya?!" Sabi niya sa kausap sa phone. Nangunot naman ang noo ko.

"Sige, I'll be go there nalang. Thank you." Pagkasabi niya non ay ibinaba na

niya ang phone niya.

Napatingin siya sa akin.

"Nag discharge siya even if sabi ng Doktor ay need niya pa mag rest." Sabi niya sa akin.

Palabas na kami ng hospital.

"I see, pasaway pala talaga 'yang kaibigan mo." Wika ko.

Kumakabog na naman ang dibdib ko. Napaka weird talaga. Bakit ganito. Bakit hindi ako makalma hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan niya.

"Mayroon siyang big event mamayang gabi. Launching ng perfume collaboration niya. And I must be there too. Doon na tayo pupunta." Sabi niya.

Iniabot ko sa kanya ang car key niya. Kaagad niyang kinuha iyon at binuksan ang sasakyan.

Pagkasakay namin muli sa sasakyan ay napahawak na ako sa dibdib ko. Tuloy pa rin sa pagkabog. Pabilis siya ng pabilis. Hindi ko lang ipinapahalata kay Irish na tila inaatake na ako ng anxiety.

Baka epekto ito ng gamot na ininom ko kanina. Isa sa side effect non ay palpitation pero sanay na ako sa gamot na iyon kaya bakut ganito.

"May bottled water ka ba d'yan?" Tanong ko kay Irish.

"Yes, buksan mo lang 'yang nasa harapan mo." Sabi niya sa'kin.

Sinunod ko siya. Binuksan ko ang nasa harapan ko at may mga bottled water at chocolates doon. Kumuha ako ng isa at binuksan iyon. Inisang lagukan ko. Sana ay makalma na ako.

"Ano raw ba ang nangyari sa kanya?" Hindi ko na maiwasang itanong.

"Sabi sa'kin. Nagka misunderstanding sila ng Kuya niya na si Doctor Velaroza. Then, nahiwa siya nung nabasag na vase tapos bigla nalang daw nawalan ng malay. Ang alam ko ay takot siya sa dugo and may pyrophobia rin siya. Hindi na ako magtataka if nag collapsed siya. Knowing Nini, sobrang hina non when it comes sa mga dugo or fire thingy."

That One NightWhere stories live. Discover now