♠️5

7K 85 3
                                    

That One Night

(Warning: Not suitable for very young readers out there.)

♠️

"You're givin' me the finest ecstacy."

-
🌹Niniana Velaroza

"Ano ba naman 'yan Pierre!" 

Dali-dali akong tumayo mula sa ibabaw niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga guest. Inirapan ko lang si Pierre na hindi pa rin tumatayo.

"Nini!" Napalingon ako. Si Rheanna ang tumatawag.

"Oo, heto na." Muli lang akong napalingon kay Pierre. Mukha siyang tanga na nag-dekwatro pa habang nakahiga.

Lakas ng saltik.

Pumasok na ako sa naka-assign na yate para sa 'kin. Nagtungo ako sa may terrace non at hinawakan ang wood banner kung saan nakalagay ang pangalan ng yate.

Galing naman nito. Parang yate lang sine-celebrate pa. Iba talaga nga sumobra sa yaman. Royal family kasi.

Papagabi na at mga disco lights na ang nakabukas. Nagpapatuloy lamang ang selebrasyon habang ako ay nandito lang sa yate na 'to. Mamaya ko nalang siguro i-tour ito. May mga ilang reporters ang lumalapit sa yate na mini-model ko para picturan 'yon. Parang napakalaking auction ang nagaganap.

Nang tumingin ako sa paligid ay hindi ko na makita si Pierre.

Mabuti naman.

"And now, let's tie this successful event with fires." Dinig kong sabi ng announcer. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang sabay-sabay na bumukas na apoy sa nga nakapaligid na torch.

Bigla ay parang may sakit na gumuhit si isipan ko kaya nabitawan ko ang hawak ko.

May mga nakikita ako sa ala-ala ko na mga apoy at mga boses na hindi ko mawari. Napahawak ako sa ulo ko. Kaya ayokong nakakakita ng apoy sa malapitan kasi nangkakaganito ako.

"Ayos ka lang? Miss Velaroza?" Alalay sa 'kin ng mga kasama kong assistant dito sa yate. Pilit akong tumango. Naalarma sila.

"Ang mabuti pa ipasok ka po namin sa loob ng yate." Sabi nong isa. Tumango lang ako habang nakapikit pa rin. Bigla kasi talaga akong nanghina.

Inalalayan nila ako habang papasok sa loob. Pinaupo nila ako sa couch at binigyan ng tubig. Ininom ko 'yon.

Hindi ko alam kung bakit ganito...may mga ala-alang pumapasok sa isipan ko pero hindi ko naman maalala kung saan nangyari o kailan 'yon naganap. Lalo na 'yong pyrophobia ko.

"Magpahinga ka lang po d'yan Miss Velaroza. Pinatatawag na po kami sa labas." Sabi nila. Tiningnan ko sila at tumango ako.

"Salamat sa inyo." sagot ko. Lumabas sila. Tumayo ako at dahan-dahang pumunta sa kwarto ng yate na 'to.

Pagkapasok ko roon ay may wine sa side table. Pinuntahan ko 'yon at may naka note:

'For Niniana Velaroza,
Drink this, and enjoy this event.'

Napakunot noo ako uli. Kinuha ko ang wine at ininom. Mukhang mas kailangan ko kasi 'to upang kumalma. Inisang tungga ko ang wine at naupo sa kama.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto ng yate na 'to. It's elegant and touch of silver and red.

Pierre....

Napapikit ako at rumehistro sa isipan ko ang mukha ng nakakabwisit na lalaking 'yon. Pati ang pabango niya parang naaamoy ko pa rin. Mahilig ako sa mga perfumes. Nakipag-appoint na ako kay Miss Kenzy Jane Garcia. She's a perfume chemist from France at kadarating niya lang ng Pilipinas dahil marami siyang client dito at isa na ako roon.

That One NightWhere stories live. Discover now