Smile 31: Gut Feel

Beginne am Anfang
                                    

Cupcake:
Cute Talaga ako noh 💁🏻‍♀️Btw, anong nangyari sa inyo after nang rambulan? Ano pinagawa sayo nang mga panget na teachers at coach's?

Muli akong napanguso nang makita kong nag-react na naman siya sa reply ko nang tumatawang emoji.

Muffin:
Nothing much. Pinatakbo lang naman nila kami nang sampung kilo metro na may sack   Bag sa likod kaya inabot nang gabi.

Nanlalaki mga mata akong nagreply sa kanya.

Cupcake:
WHAT?!

Muffin:
Cupcake it's nothing. Isa pa punishment lang naman yun, we all deserve it dahil sa nangyaring gulo kanina.

"Kahit na!"

Cupcake:
Still! Pinagod ka nila! AYAW KO NAPAPAGOD ANG MAHAL KONG MUFFIN 🥮

Muffin:
Let's not talk about, cupcake, ayos na po ako, don't you worry. Pagod lang talaga ako. Nothing serious happened to me.

Cupcake:
Siguraduhin mo lang talaga mister Cody Brewster dahil ayaw na ayaw kong nasasaktan ka! 😣 Kainis talaga yung Nick na yun! Kung hindi niya sinuntok si Dylan hindi ka rin mapapaaway.

Napakunot noo na ko sa usapan namin.

Muffin:
Chill! Masyado ka namang hot cupcake.

Cupcake:
Hindi mo ma-iaalis sa akin ang mag-alala.

Muffin:
Sorry cupcake hindi na po ako sasali ulit sa gulo. Wag ka na po mag-alala.

Cupcake:
Siguraduhin mo lang muffin.

Muffin:
Opo 🙇🏻‍♂️

Bumuntong hininga ako bago napaupo bago nagreply sa kanya.

Cupcake:
Muffin. Kanina may nangyari sa kaibigan ko

Muffin:
Ano naman yun Cupcake?

Napapikit ako at inalala ang nangyari kanina.

I was heading hallway dahil nababanyo na ko ay kailangan ko ilabas ang tawag nang kalikasan— medyo malapit na ko nang mapansin ko ang kumpol nang mga istudyante, na curious naman ako kung ano yun kay inusisa ko na only left me paled.

I saw Tracy— with her bloody head.

Agad kong itinulak ang ilang istudyante ang agad lumapit sa akin kaibigan— naiyak na lamang ako nang yugyugin ito— inis na inis akong naiyak na tiumingin sa mga kapwa ko istudyante.

"WHAT ARE YOU ALL LOOKING AT?!" I shouted— mukhang nagulat pa sila "TUMAWAG KAYO NANG TULOG! WAG KAYONG TUMINGIN LANG"

Nataranta naman sila ay ang iba naman ay tumakbo na para humingi nang tulong sakto nun ay ang humahangos na istura ni Sophia na kasabay ang ilang clinic personnel.

Pinatabi nila ako at sinuri si Tracy— they say na okay naman siya, at thank god buhay pa pero malakas ang pagkakatama sa kanyang ulo, baka daw magka-internal bleeding kaya agad silang tumawag sa kalakip na hospital para dahil dun si Tracy.

Namumutla lamang akong sinamahan dahil ang kaibigan ko sa clinic para lapatan nang unang lunas— she just can't stay still at the floor!

Namumutla ako sa takot nang makita siya sa ganong kalagayan— I never see lots of blood just like that at totoo nga ang sabi nila na parang mato-trauma ka na lang sa makikita.

"Kaibigan niya ba kayo?"

Napatingin ako kay Doctor Louie— school's doctor.

"Opo"

Napatingin pa ako sa taong halos kasabay kong sumagot and I was shocked that it is Sophia— Bakit pa rin siya nandito?

"Pano niyo siya nakita?"

Sasagot sana ako nang unahan naman ako magsalita ni Sophia.

"Actually ako po ang unang nakakita kay Tracy, papunta po—"

Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin nang kumalabog pabukas ang pintuan nang clinic, dun bumungad ang namumutla ay parang maiiyak na si Anika— lumapit ito sa akin at sinalubong ko naman ito ng iyak at yakap.

"What happened?"

Umiling lamang akong humagulhol sa kanya, ilang minuto ang nalipas at nanatiling tahimik sa clinic and thank god na hindi na nagtanong ang doktor— nakaramdam siguro.

"Sorry I'm late! Ngayon ko lang nabalitaan ang nangyari"

Napatingin ako sa bagong dating nahumahangos at umiiyak na si Kelly— agad itong lumapit sa natutulog na si Trace at hinawakan ang kamay.

Napatungo ako habang si Anika naman ay parang walang buhay na nakatitig lamang kay Tracy— muli bumaling ang tingin ko kay Sophia na nasa gilid at naka-upo sa sofa, she look sad and— paled?

Napailing na lamang ako habang titig na titig sa kanya— I wonder why is she still here?— Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero hindi naman siya need dito! Hindi naman siya kailangan kaya bakit pa siya nandito?!

Muffin:
And?

Bumuntong hininga bago napatingin sa reply sa akin ni Muffin— I tell him all about what happened lately. Pero para kasing may kulang.

Napapikit ako at agad dumilat nang aking mga mata bago siya nireplayan.

Cupcake:
Muffin alam kong mali magbintang pero feeling ko si Sophia ang humampas sa ulo ni Tracy, whatchuthink?

SMILE:The Prince and the Princess Revelation (NEAR ENDING) - (UNDER REVISION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt