KABANATA XXIII: Bagabag

Start from the beginning
                                    

Ilang saglit pa ay narating na ang paroroonan. Narito sa isang simbahan na kitang-kita mo na ang dekorasyong nag-aabang. Inaasahang maging matagumpay ang gagawing mga eksena.

Agad nang ipinarada ang sasakyan at sinalubong naman ni Yaz. Bumaba na rito at iniabot ang gamit na dala-dala.

"Yaz, sino nang nandyan? Ang mga artista nandyan na ba?" pagtanong ko sa kanya.

"Mga extras palang 'yung nandya'n, Direk. Kakatawag lang din ni Direk V, pabalik na sila rito, bago lang raw natapos 'yung shooting nila roon. By the way, Ms. Castro and Mr. Larrienza po nandiyan na with the location scouts pati na rin po ang technicals and the designs," sambit niya pa.

Napatango na lamang sa kanya at pareho ng naglakad papasok ng simbahan sabay pagbungad ng mga dekorasyon. Lumapit naman si Ms. Castro sa aming kinatatayuan namin ngayon.

"Ilalagay ko lang po 'tong gamit niyo sa tent, Direk," wika pa ni Yaz.

Sa pag-alis ni Yaz ay nagsimulang magsalita si Ms. Castro ukol sa gagawin sa araw na ito.

"Direk, you're here. Nandya'n na ba ang mga artista, natin? pagtatanong ni Ms. Castro.

"Actually Ms. Castro, hindi na ako nakapunta sa taping ng before scenes ng kasal, nagka-emergency kasi sa bahay eh. Pinaubaya ko na lang kay Direk Venus, alam niya naman din 'yung gagawin kaya dumiretso na lang ako rito. Don't worry, ang pagkakaalam ko pabalik na sila rito, kakatapos lang din nilang mag-shoot."

Naggawi ko ang ngumiti sa kanya at ganoon din ang isinukli niya.

"Mabuti naman. I'll just leave it on you, Direk. Ikaw na'ng bahala sa kanila. Pupunta muna ako ng techinicals, I'll just check them," sambit niya pa.

Iginala na lamang ang mga mata sa loob ng simbahan kung saan makikitang abala ang lahat. Napagpasiyang tumungo sa tent upang pag-aralan ang mga eksena ngunit sa paglabas sa pintuan ng simbahan ay bumungad sa akin si Jim.

Hinarangan nito ang aking daan at ito ay nagsalita. "Uy bro, mukhang iba ang rehistro ng mukha natin diyan ah."

"A-Ano bang sinasabi mo? O siya nga pala, kamusta 'yung lakad niyo kagabi?" pagbaling ko na lamang at tumungo sa tent sabay pagsunod nito.

"Hindi natuloy eh, saka na raw kapag andyan ka," wika niya.

"Sus, nagpapaawa pa kayo eh," sambit ko pa.

Siya ay napatawa at nagsalita. "Naks, sa'n galing 'yun bro? Sige na nga, babalik na ako ro'n. Mukhang sila na ata 'yan oh."

Tinuro nito ang papasok na mga sasakyan sa simbahan kung kaya ay napalingon ako. Siya na ay bumalik sa tent nila at ako naman ay tumungo sa papasok na mga sasakyan.

"Assistants, pakikuha ng mga gamit at pakialalayan ang mga artista," sugo ni Ms. Castro.

Dali-dali namang tumungo ang mga ito at ganoon din ang paglapit ni Direk V sa akin.

"Direk, kamusta?" tanong ko sa kanya.

"Okay naman Direk, nakasunod naman ang lahat and we already filmed everything. Dito na lang sa simbahan," ani Direk V.

"Thank you. Tara, let's prepare. We will shoot in a while," wika ko.

Pareho namang nakangiti sabay pagtungo na namin sa mga tent. Binigyan na rin ng mga direktiba ang mga staff at maging mga artista upang magsimula na ng taping.

"Prepare na tayong lahat dahil we will start in a short while. Make-ups and wardrobes, please assist the actors," direktiba ni Direk V.

"Please familiarize your scripts. May konting revisions tayo, especially sa inyo Jason and Sam," direktiba ko rin.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now