CHAPTER 3

15 1 0
                                    

"Luna ang ipapangalan ko sayo"

Luna ang ipapangalan ko sakanya dahil sa halfmoon na nasa noo niya at nasa braso ko. Bigla kong naalala ang Cellphone ko hindi pa rin nila binabalik sigurado ako nag aantay ng tawag si ina at hindi ko magawang ma-contact si naaz dahil nga bago ako pumasok dito sa Ethiopia ay nakuha na nila.

"Hi!"

"AHHHH!"

Napasigaw ako sa lalaking hindi ko manlang naramdaman ang pag dating. Nakangiti lang ito sakin at may asul na mata sya ang roommate ko na kaninang umaga lang ay hindi ako pinapansin at sinisimangutan lang ako.Nagbago ang ihip ng hangin.

"Cygnus"

Sabay abot nya ng kamay nya para sa maayos na pakikipagkilala.

"Priya" pakilala ko naman.

"Hi luna" Bati nya kay luna na kinailangan nya pang yumuko naglaho naman bigla ang agala ko. Attitude.

Tinitigan ko lang sya habang papunta sa higaan nya. kulay ash ang buhok nya at  hindi maiiwasang hindi titigan ang asul niyang mata.

"tama na ang pagtitig mo sa mata ko. Hahahaha"

napaiwas ako ng mapansin nyang nakatitig ako sa mata niya. Hindi ko maiwasan dahil nakakaakit yung mata niya.

Ginawa ko nalang busy ang sarili ko dahil sa hindi rin naman ako kinakausap ni cygnus dahil narin sa nakakailang ang pagtitigil niya samahan mo pa ng nakakatakot na ngiti niya. Creepy.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito napanganga ako sa babaeng pumasok.

Ang ganda nya nakasuot ito ng  Maong skirt at naka off shoulder sa loob ng denim jacket samahan mo pa ng nakakatakot na boots. Hindi ko sinasabi hindi ako marunong mag ayos pero nung nakita ko sya ay parang napag isip isip ko na panget ang style ko. Sobrang ganda nya sa suot nya, hindi rin maiiwasan ang kulay purple nyang buhok at ... wait! green ang mata nya, ngayon ko lang napansin ang White na daga sa ibabaw ng balikan nya.

Hindi na ako nagtaka baka ang dagang yun Familiar nya.

Nakangiti rin nya akong binati dire-diretcho sya sa bakanteng higaan sa room, ngumiti nalang din ako sya ang hindi umuwi kagabi.

"I'm Daphne, Witch!"

Salita nya habang Winawagay-way ang wand sa harap nya.

"Priya, witch din"

"Satingin ko ay magkakasundo tayo"

nakangiti nyang sambit. Nginitian ko nalang sya wala na akong maisip na isasagot sa sinabi nya.

Satingin ko nga din tayo ang magkakasunod pero hindi ang mga alaga natin, Pusa.Daga. I don't think so.

Sabi ng isip ko.

nagpatuloy na ako sa ginagawa ko may sinasabi parin sakin si daphne pero hindi ko maintindihan lumilipad ang isip ko dahil narin sa naiilang ako sa mga kasama ko. Simula din ng dumating si daphne ay hindi narin nag salita si cygnus, hindi ba sila close? hindi manlang sila naguusap samantalang mas nauna sila sakin.

Kumalampag ang mga gamit ni cygnus at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Tinawanan nalang ito ni daphne na parang alam nya ang nangyayare kay cygnus. Nawiwierduhan talaga ako sa lalaking yun.Bipolar.

Tinitigan ko ang Red necklace na binili or kinuha namin ni arche, hindi ko alam kung binili ba to kasi wala naman akong pera.

"Ang necklace na yan nakakadetect ng mga evil spirit at malalaman din nito kung malapit kana sa panganib"

Napatingin ako kay daphne na nagpapaliwanag.

"Ipapakita ko sayo"

Nabasa nya siguro ang facial expression ko .

.
.
.
.
.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko namalayan ang biglaang paglapit nya sabay tutok ng kutsilyo sa leeg ko. Sobrang bilis nya hindi ko manlang naramdaman

"Sa tuwing malapit ang kamatayan mo ay kusang umiilaw to"

sabay angat nya ng necklace na kanina lang ako ang may hawak. totoo nga. umiilaw ang gitnang diamond ng necklace.

Tinanggal na nya ang kutsilyo sa leeg ko pero hindi parin nawawala ang kaba ng dibdib ko, akala ko'y mamamatay na ko.

Bumukas muli ang pinto. Si Cygnus ulit.

"Hi cygnus"

Bati ni daphne sakanya.

"tsk!"

eto ang cygnus na kaninang umaga ay nakasimangot ibang iba eto sa cygnus na kanina ay nakangiti akong binati.

"Hindi si cygnus ang kasama mo kanina"

may ma pang asar na ngiting bulong sakin ni daphne bumalik na sya sa higaan nya.

Nanlamig ang buong kalamnan ko at lalong bumilis ang tibok ng puso double ang kaba nito dahil sa mga ginawa at sinabi sakin ni daphne, kaya ba hindi nya pinansin si cygnus kanina dahil hindi totoong cygnus ang nakasama ko.

lalo akong nahihiwagaan sa mga roommate ko.

Sino sya? sila?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Merge | HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon