CHAPTER 1

15 2 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit sa Abandonadong church ako dinala ni naaz, inaasahan ko pa namang isang magarang school ang makikita ko.

"Bakit dito mo ko dinala?"

Nagtataka talaga ako kung bakit dito ang pagkakaalam ko ay school ang pupuntahan at hindi lumang church ng mga maggles.

sa pagkakataong ito hinayaan ko nalang sya sa mga dadaanan namin at hindi na nagtanong. Malaki ang church na nakikita ko pero sira sira na ang ibang mga simento dito at may nakakalat na kung ano anong mga bagay meron ding nakakalat na sirang mga rebulto. Creepy.

Natunton namin ang nag iisang pinta sa likod ng altar na parang dito nanggagaling ang switch ng ilaw. Dahil nga sa abandunado na ito sigurado akong hindi na yun gagana kaya pinigilan ko na sya.

"tama na!"

Naglakad na ako palabas hindi ko na kayang maghintay pa lalo na hindi ako pamilyar sa lugar. Alam kong witch ako pero hindi ko nanaising tumagal sa nakakatakot na lugar na ito.

Napatigil ako ng paglalakad dahil bumukas ang ilaw ng sira sirang simbahan.

"Ang witch ay may stele pwde mong gamitin para makita mo ang bagay na hindi nakikita ng maggles"

nakatitigil lang ako kay naaz, dahil hindi ko alam kung anong stele ang sinasabi nya.

"wala akong stele at saan ko nakikita yun?"

hindi na sya nagsalita. Kinalkal nyang maigi ang mga gamit kong dala, inilabas nya ang magarang parang Ballpen na regalo sakin ni ina nung 18th birthday ko, tatlong taon na rin ang nakakaraan.

 Magandang itago lang yan dahil sa magandang design nito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung para saan yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Magandang itago lang yan dahil sa magandang design nito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung para saan yan. Stele pala ang tawag jan. Hindi manlang pinaliwanag ni ina noon.

"Dahil sa vampire ako, hindi ko alam kung paano gamitin ang stele na to"

aniya ni naaz.

"Pero ang pagkakakita ko ay may sinusulat sila sa hangin para gumana ito. try mo"

Sabay abot nya sakin. Hindi ko alam kung pinagloloko nya ako o sadyang wala talaga akong alam sa stele nato.

2am na ng madaling araw hindi ko pa rin alam kung pano gamitin ito. nakakaramdam na ako ng gutom samantalang si naaz ay nakakain --- o nakainom na ng dugo.

"Hindi gumagana!" Iritable kong hinagis ang stele sakanya. Walang magic ang ballpen na yan.

Hindi pa rin kami umaalis ni naaz sa abandunadong lugar kahit na wala na kaming magawa kung ano gagawin namin.

"umuwi nalang tayo!" Aya ko sakanya.

Hindi pa rin ako iniimik ni naaz.

"Naaz!" Sigaw ko ng mabilis nya akong iniwan mag isa dito.

dinampot ko ang stele at umupo sa isang sulok ng lugar. Oo nga't may ilaw dito pero hindi mawawala ang nakakatakot na itchura at mga nakakalat na kung ano ano.

"Aahh!"

Mabilis kong nabitawan ang stele dahil sa umiinit ang buong metal nito hindi kinaya ng palad ko.

Pagtingin ko sa palad ko ay parang may bilog na kung ano ay hindi ko ma explain dito na nakaukit.

Agad agad kong dimanpot ang stele at ginuhit sa hangin ang sugat sa palad ko. Agad namang nawala ang sugat kasabay ng unti unti lumilinaw ang lahat sa paningin ko. Ang mga sirang bagay ay bigla nalang naglaho at napalitan ng mga Technologies at may mga taong busy-ing nag ooperate ng mga computer.

"Asan ako?"

kahit na wala akong kasama ay nakuha ko paring nagsalita kung kanina ay nasaloob na ako ng simbahan ngayon ay nasalabas palang ako ng parang computer lab.

"Welcome to Ethiopia Institute, I'm Arche your tour guide for today"

may sumalubong saking lalaki na may ash na buhok, Matangos ang ilong at may matamis na ngiti sakanyang mga labi kung tatantyahin ang height nya ay nasa 5 feet something.

Inikot nya ako sa buong Ethiopia pero hindi ko makita ang school na dapat ay pupuntahan ko.

"Asan ang school na papasukan ko?"

Nagtataka talaga ako at bakit hindi si naaz ang kasama ko, hindi parin sya bumabalik simula ng iwan nya ako kanina. Hindi ko sya mapapatawad.

"It's Institute. Dito nag ti-training ang mga athanatos ng mga physical skills at sa kabilang building ang school of artworks kung saan inaaral ang Mental skills hindi ito mukhang school dahil mas advance ang technologies ng mga athanatos kesa sa maggles. Sa Kanang building naman ang Dorm ng mga witches. Hindi ka pwdeng pumasok sa Dorm ng Vampire at werewolf para maiwasan ang maling action."

Mahabang paliwanag nya, nakatitig lang ako sakanya habang may inilalagay sya sa pulso ng kamay ko. 'Chips'? May mga spell syang binanggit na hindi ako pamilyar agad naman akong nawindang ng pumasok yun sa kamay ko.
Halata sakin ang pagkagulat kaya nagsalita ulit sya.

"To monitor your behavior"

Agad na napawi ang maganda nyang ngiti at napalitan ng nakaka-kabang mga titigil. Sa panandaliang oras naramdaman ko ang kaba sa isang lalaking Witch. Hindi na ako kumontra pa pero hindi nawala sa isip ko.

Naglalakad na kami papuntang dorm kapansin pasing lahat ng nadadaan ko ay may alagang hayop.weird. Hindi ko nalang tinanong pa dahil poker face parin sya.

Nalaman ko din na kaya' sya ang tour guide ko ngayon dahil naparusahan sya. Ang daling punishment naman nito.tsk! napilitan.

"Bukas ng umaga ay ibibigay lahat ng kailangan mo maging ang familiar kaya magpahinga kana"

Familiar---- ano daw? Family? as Pamilya ibibigay?

dahil sa 5am na din agad na rin akong nakatulog.

The Merge | HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon