SIMULA

22 2 0
                                    

Ako si priya lingid sa aking kaalaman ang nababalot na misteryo sa buong pagkatao ko. Mga werewolf, witches even ang mga vampires at isa ako sakanila.

Nakadungaw ako sa bintana habang tinititigan ang mga maggles na nagkukwentuhan sakanilang kanya kanyang mga bakuran. tsk! mga mahihinang nilalang. Namumuhay silang kasama ang iilang mga athanatos samantalang wala silang kaalam-alam na ano mang oras ay puwede silang paslangin.

"Hindi mo nanaising paslangin ang mga mortal na yan!"

Nataranta ako ng mga ilang sandali ng marinig ko ang boses nya.

"De facto!" kasabay ng pagbigkas ko ng aking magic spell ang pagkilos ng aking kamay sa tapat ng mapangahas na athanatos. Hindi ako nabigo, tumalsik papuntang sulok ng kwarto ang paniking gumulat sakin. Deserved.

Tulad ko isa rin sya sa mga immortal.

"Hinding hindi ko na uuliting dumaan sa bintana ng isang bayolenteng babae katulad mo"

tinitigan ko lang sya sa kanyang pagtayo.

"Dapat ngang napuruhan ka dahil isang pagkakamaling buhayin ka pa!"

Sa panahon ngayon kailangan ko maging alisto lalo't may mga tanong pa sakin na hindi nasasagot.

Siya si Naaz katulad ko isa rin syang athanatos mas higit lang ang kaalaman nya dahil bata palang sya ay nasa Ethiopia
na sya samantalang ako namuhay ako na akala ko ay isang maggles.

"Anong ginagawa mo dito?"

bata palang ako minulat na ako ni ina sa mga magic spell noon ay akala ko mortal ako na may kakayahang magbigkas ng mga spell pero habang tumatagal ay nakikita ko na ang pagkakaiba ng maggles sa athanatos. Tanging mga salitang lang yan ang alam ko sa ngayon.

"Sinusundo ka! ngayon ang una pagpasok mo ng Ethiopia" 

Hindi na ako sumagot pa.

"Sino siya ina?" tanong ko sa aking ina ng makita ko ang isang batang lalaki na kasama nya sa sala.

"siya si naaz, katulad mo rin sya kaya't tuwing wala syang pasok ay dito sya mamamalagi satin"

nakangiting paliwanag ni ina.

Nung mga panahong yun ang dami kong mga tanong na sumagi.

"Ako ang makakasama mo sa loob ng Ethiopia kaya't maghanda kana" 

pagbasag nya ng aking pagiisip.

"Bakit ngayon lang ako pinasok ni ina sa Ethiopia?"

"Baka may dahilan siya kaya't mas maiging maghanda kana lang"

Napatakip ako ng bibig ng marinig ko syang sumagot. damn. Sa isip ko lang dapat yun.


Bukas pa naman talaga ang alis namin dahil nga sa mas kailangan 'daw' mag ingat kaya mamayang madaling araw ang alis ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Athanatos | Immortal
Maggles | Mortal
Ethiopia | School

The Merge | HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon