CHAPTER 2

13 3 0
                                    

Ang pagkakatanda ko ay si naaz ang dapat na kasama ko sa Ethiopia pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya nakikita. Sumikat na ang araw ay hindi ko pa din sya natatanaw. Eto ang unang araw ko dito at hindi ako natutuwa sa dorm-mate ko dahil masungit. Tatlo kami sa isang dorm may isang hindi dumating kagabi pag dating ko dito tulog na ang isa, wala namang tao sa isang bed. Hindi ko pa sila kilala wala din akong balak magpakilala kung sisimangutan lang ako ng isang to. Lalaki sya. Bakit pala lalaki ang kasama ko sa dorm? mamaya ay itatanong ko kay arche at kay naaz kung makikita ko sya.

Hindi ako sigurado kung makikita ko si naaz sa umaga hindi ko pa sya nakasama ng sikat ang araw kadalasan kasi ay dumadalaw sya noon sakin pag lubog na ang araw pero ang pagkakaalam ko ay may paraan ang mga athanatos lalo na ang vampire na maging Daylighter.

Daylighter ang tawag sa mga vampires na nasisikatan ng araw sa madaling salita hindi lang sila sa gabi nakikita maging sa umaga. Paano? Science. Hindi ako sigurado kung paano kung pa ang kaalaman ko at isa lang yun sa mga kinasasakit ng ulo ko.

Kasama ko si Ache pupunta kami sa Stele room kung saan nakukuha ang Stele meron na ako nito kaya hindi ko alam kung ano ang kukunin namin doon hindi ko magawang magtanong dahil sa kanina pa ay hindi sya nagsasalita.

"kailangan i-update ang Stele mo into wand dahil sa bloodwitch ka kailangan mo ng wand to practice your ability at the same time ang stele ang mag a-activated ng runes mo, makikita mo kung paano"

hindi nalang ako sumagot kahit na hindi ko sya naiintindihan ganoon ba talaga pag witch madaming dala may wand at stele? bahala na nga lang.

nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang tumigil kami sa silver na pinto na may magandang salamin nito tinitigan ko ang salamin dahil sa gandang nakikita ko.

Hindi sarili ko ang tinutukoy ko dahil ang salamin ay may magic parang galaxy ang nasa loob nun buhay na buhay. duon ko lang napansin na hindi sya ordinaryong salamin dahil nasa frame sya. Picture frame.

Pumasok na kami ni Ache sa loob ng silver na pinto namangha ako na lahat ng frame ay gumagalaw ang pictures. Iniikot ko ang buong Shop. Shop sya ng Stele.

Kinakausap ni ache ang owner at duon ko lang naintindihan ang lahat ng sinabi nya kanina bago kami makasarating dito.

Ang wand at stele ay iisa. Ang wand ay sa pinaka matulis na bahagi at ang holder naman ang stele para ma-activate ang runes. Runes na hindi ko alam kung ano.

Marami kaming dinaanan at mga binili na kakailanganin ko isa na dun ang Red necklace na may diamond or something na kulay red sa gitna to detect something wierd.

Ang last na pupuntahan namin ay ang dahilan ng aking pagiisip. Familiar. Bibigyan nya ba ako ng bagong pamilya or baka kasama sa pag ti-training. Nakarating naman kami sa kwarto na hindi ko alam kung paano kami nakapasok.

"bibigyan kita ng 10mins para pag isipan ang isang bagay na nag sisimbolo na sa tingin mo ay kalakasan mo saan nakikita mo ang sarili mo sa mga bagay na nasaharapan mo. Tandaan mo ang bagay na tinutukoy ko ay syang palagi mong makakasama lahat ng oras maging strength man or weakness. Be careful."

Lumabas na sya pagtapos nya magpaliwanag hindi nya na ako inantay pang sumagot. Iaang bagay na satingin ko ay ikalalakas ko?

Napaisip ako kung ano nga ba ang bagay na simbolo ng kalakasan ko ni-hindi ko nga maisip kung saan ako makalakas.

"lahat tayo ay may kahinaan maging ang mga athanatos na sa tingin mo ay pinakamalakas ay may kahinaan din"

Alo sakin ni ina ng makipag away ako sa isang bata sa labas ng aming bahay dahil sinipa nya ang laruan ko kaya sinugod ko sya at muntik ko na maitulak sa kalsada.

Napatigil ako sa pag aalala sa sinabi ni ina ng makita ko ang pulupot ng yarn parang tinatawag ako nito na hindi ko maintindihan. Whisper lang ang naririnig habang palapit ako ng palapit ay lumalakas sya sa pandinig ko. Dadamputin ko na sana ang yarn ng biglang bumukas ang pinto inilabas nito si arche.

"Nakapili kana?" tanong nya sakin.

"gusto ko ang yarn na yan, hindi ko mapaliwanag pero parang tinatawag nya ako sa hindi ko alam na dahilan"

"Ang familiar ay may kakayahang pumili kung sino ang magiging amo nito, Sinabi ko sayong pagnilayan mo ang kalakasan mo pero ang totoo ay binigyan kita ng 10minuto para makilala ka ng familiar at hindi nga ako nabigo. Tinawag ka ng yarn dahil nais nyang sumama sayo"

Tinawag ako ng yarn? hindi ko maintindihan.

Kinuha nya ang Stele ko at ginamit sa yarn.
Nawindang ako ng maging isang hayop ang yarn laking gulat ko na makitang itim na pusa ang yarn na yun na may hugis halfmoon sa noo nito.

"katulad ng sinabi ko ang stele ang nakakapag activate, maari mo itong gamitin sa familiar na meron ka at ang wand ay para lang sa spell"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"katulad ng sinabi ko ang stele ang nakakapag activate, maari mo itong gamitin sa familiar na meron ka at ang wand ay para lang sa spell"

"AAAHHHH!"

Napasigaw ako ng may mainit akong naramdaman sa kaliwang braso ko na hindi ko maintindihan.

Napaluha ako sa sobrang hapdi sa balat noon. Wala manlang ginawa si arche para tulungan ako napaluhod nalang ako sa sakit.

"Ang runes na yan ang nagsisimbolo ng familiar mo, tuwing gagamitin mo yan ay lalabas ang pusa na nakikita mo"

pagtapos nyang magpaliwanag doon ko lang tiningnan ang mainit na bumalot sa buong pagkatao ko. Tattoo. katulad ito ng nasa noo ng pusa. Halfmoon. Kulay pula pa ito onti-onti ay nawawala ang hapdi kasabay ng paglaho ng pusa sa harap ko.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayare sakin. kinuha ko ang Stele at pinasadahan ng hagod ang tattoo na nasa kaliwang braso ko. nakahiga na ako sa higaan ko. Pagtapos kasi noon ay pinabalik na ako ni arche para magpahinga akala ko nga'y training na talaga ako ngayong araw.

Lumitaw ang pusa sa harap ko. iniisip ko kung ano ang ipapangalan ko sakanya.
Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit lahat ng nakikita ko ay may hayop na agala. Palagi ba nila itong inilalabas? may pagkakataon silang itago ang familiar dahil konting gamit lang ng stele ay maari ng mawala ang familiar.

Satingin ko naman magkakasundo kami ng pusang to.

The Merge | HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon