Chapter 11

357 19 2
                                    

-Rank #5 SHAWN TORRES

Chapter 11

"Anong pumasok sa isipan mo Lancellot at talagang niyaya mo pa kaming mag cutting nina Ford. Alam mo bang malapit na ang exam natin tapos ang lakas ng loob mong mag cutting." punang kumento ni Balance habang nakasunod sa likuran ni Travis na naglalakad at palinga-linga sa paligid na parang imbestigador.

Kasabay ni Balance maglakad si Ford habang si Taz naman ay nakapamulsa at seryoso lang naglalakad sa bandang likuran nina Balance.

Papasok pa lamang sina Balance at Ford sa Unibersidad de Manila ng harangan na sila ni Travis at sabihan na maghahanap na sila ng iba pang member na papasa para maging Phantom DX Gang. Wala namang nagawa amg dalawa dahil talagang nakikita nila kay Travis na desidido ito sa gusto nito. Tatlong araw ang lumipas simula ng maisipan nilang bumuo ng grupo, sa tatlong araw na 'yun ay pagka galing nila sa University ay sama-sama silang pumupunta sa Underground Society, sa tatlong araw na 'yun ay marami din ang naghamon sa kanila kaya naisipan na ni Travis na magsimula ng maghanap ng mga members at ang pag cutting classes ang naisip nya dahil wala silang time after ng mga klase nila dahil deretso na naman sila sa Underground.

Sa case ni Taz, maraming mura ang natanggap ni Travis bago nya ito mahila palabas ng University, nakita nina Balance sa mukha ni Taz ang inis dahil sa pagkaladkad ni Travis sa kaniya para sa gusto nitong gawin, pero lihim silang natutuwa sa dalawa dahil kahit nakakatanggap ng mura si Travis kay Taz in the end of the day hindi matanggihan ni Taz si Travis

"Sa talino natin Balance kahit nakapikit pa tayo makakapasa tayo sa exam tsaka kailangan magawa na natin ang goal natin na makahanap ng iba pa nating members. Wala tayong mahanap sa loob ng University kaya sa labas tayo maghahanap." sagot ni Travis na palinga-linga sa paligid at inoobserbahan ang mga nakakasalubong na mga lalaki.

"At sa tingin mo may mahahanap tayo dito sa park? Kung ako sayo Travis huwag ka munang lalapit kay Taz dahil baka mabigwasan ka pa nya ng isa." pahayag ni Ford na bahagyang ikinalingon ni Travis kay Taz na tahimik lang na naglalakad sa likuran nila.

Sinabayan ni Travis sa paglalakad ang dalawa at pumagitna sa mga ito at sabay inakbayan si Balance at Ford.

"Hanggang batok at mura lang naman si Taz pero hindi naman tayo matitiis nyan." sambit ni Travis na ngiting nilingon si Taz.

"Taz! May nakakakuha na ba ng atensyon mo? May nakita ka na bang papasa sa grupo natin?" agaw pansin nitong tawag kay Taz na masamang tingin ang pinukol sa kanya.

"Don't f"cking talk to me Amadeus or i will do what i'm thinking right now." inis na sita sa kanya ni Taz na ikinasalubong ng kilay ni Travis.

"Ano naman 'yun?"

"Roasting you alive you mother f*cker!"

Agad inalis ni Travis ang tingin kay Taz na bahagyang ikinatawa nina Ford. " Mainit pa ang ulo sayo ni Taz kaya huwag mo munang kausapin, gawin nalang natin ang dapat nating gagawin. Maraming tao dito sa park pero saan tayo makakita na pwedeng maging member natin?" pahayag ni Ford na nililingon ang ilang kalalakihan na nakatambay sa park.

"Mahirap maghanap ng taong pwede nating makasama at magugustuhan ni Taz." pahayag naman ni Balance na ikinaalis nito sa pagkakaakbay sa dalawa at ngumisi.

"Walang mahirap sa paghahanap kung mag stick tayo sa requirements na kailangan natin. Ang papasang member ng Phantom DX Gang ay dapat presensya palang agaw atensyon na, 'yung tipong malakas ang dating. Dapat magaling makipag-laban, 'yung matatawag na isang Phantom talaga at syempre dapat kasing gwapo natin." ani ni Travis na parehas ikinangiti nina Balance.

"Good luck sa paghahanap natin." pahayag ni Balance na nagmasid narin sa paligid para makahanap na ng papasa sa standard ni Travis.

Natigil lang sa pagmamasid sina Balance ng makarinig sila ng malakas na sigawan kaya napahinto sila sa paglalakad at nakita nila di kalayuan sa park ang maraming taong nag uumpukan na parang may palabas silang pinapanuod.

Phantom's Untold StoryWhere stories live. Discover now