P.U.S 4

532 18 1
                                    

CHAPTER 4

"Ang dami palang nakuhang representative ng Business Management sa bawat section para sa Training Seminar para sa ating mga graduating.Tapos pwede pa tayong maging exchange student sa Greece sa mapipiling ipadala ng University natin.Sa Class natin tayo lang dalawa ang napili, buti nalang kasali ako."

Napapaismid nalang si Taz sa kaingayan ng kanyang katabi dahil walang tigil ito sa kakasalita simula ng dumating sila sa Auditorium ng University nila kung saan pinatawag ang mga napiling studyante ng bawat section ng 4th year Business Managent students para sa training Seminar dahil kailangan nila ito para makagraduate.

Isang linggo ang lumipas simula ng mapasang ayon ni Travis si Taz na maging kaibigan nito kahit na lagi itong walang imik pag mag kasama sila.Hindi alam ni Taz kung paano nya natitiis ang kaingayan ni Travis,kahit na naiinis sya dito ay hindi naman nya magawang ipagtabuyan ito dahil kahit gawin nya iyon ay kukulitin parin sya nito.Ayaw nya ng kaibigan pero biglang pumasok sa isipan nya na hindi naman ganun kahirap na magkaroon ng kaibigan kahit na madalas painitin ni Travis ang ulo nya at hindi nya ito madalas kausapin, inaamin ni Taz sa kanyang sarili na nagiging ok para sa kanya si Travis.

"Taz buti nalang talaga ako ang pinili ni Prof.Arcael na ipartner sayo nuh!" tuwang sambit ni Travis na poker face na nilingon ni Taz.

"Pinili?If im not mistaken Amadeus that Professor didn't chose you, you persuade him." walang ganang sagot ni Taz kay Travis

"Ganun talaga, ang magkaibigan hindi pwede maghiwalay.Masanay ka na kasi na lagi akong nakabuntot sayo."

"F*ck you!"

"Oi Taz makamura ka sa akin parang di mo ko BFFIW ah!" reklamo ni Travis na ikinakunot ng noo ni Taz na nakatingin kay Travis.

"What is that f*cking BFFIW?"

"BFFIW meaning Best Friend Forever In the World." paliwanag ni Travis na nakatanggap na naman ng malutong na mura kay Taz na ikinakamot nya nalang ng ulo ng may maalala si Travis na tanungin kay Taz.

"Oo nga pala kaibigan, gusto kong itaning sayo ito kahapon pa eh nawawala lang talaga sa precious brain ko.Nung nakaraang araw saan galing yung mga pasa mo sa gilid ng labi mo at sugat sa may kanang kilay mo?" tanong ni Travis na walang emosyong sinagot ni Taz.

"Are you my Mother to ask me that f*cking questions?Don't f*cking asked me because it's not your f*cking business." pahayag ni Taz kay Travis na sunod sunod nyang ikinailing.

"No no no my friend, concern at curious lang ako sayo tsaka BFFIW tayo diba?Tsaka sasagutin mo lang naman yung tanong ko bakit naka tatlong mura ako sayo?" angal na sambit ni Taz na ikinaalis ng tingin nito sa kanya.

"I agreed to be your f*cking called friend, you can annoy me as much as you  f*cking want but don't ask or meddle whatever you see in me." seryosong sagot ni Taz na ikinibit balikat nalang ni Travis

Alam nya na may itinatago si Taz na ayaw nyang malaman at dahil ramdam nya na kahit ok na ito sa presensya nya ay hindi parin ito tiwala sa kanya.Para kay Travis mahirap kunin ang tiwala ni Taz pero yun ang susunod nyang gagawin ang pagkatiwalaan sya ni Taz bilang isang kaibigan.

"Friends can tell their secrets to each other, just to inform you kaibigan." pahayag ni Travis na hindi pinansin at binalewala lang ni Taz at balik dedma mode na naman ito sa kanya kaya hinayaan nya na muna ito at mamaya nalang ulit kukulitin.Nilingon ni Travis ang ilang mga studyante ng ibang section na may kanya kanyang pinag uusapan dahil hindi pa naman nagsisimula ang unang araw ng Seminar nila ng matigil ang atensyon nya sa dalawang lalaki na nakaupo at magkausap di kalayuan sa kanila.

Phantom's Untold StoryWhere stories live. Discover now