P.U.S 01

1.3K 30 1
                                    

CHAPTER 01

-THIRD PERSON P.O.V-

"Kuya!!!Pakibilisan naman ang kilos baka malate tayo sa bago nating University!!" malakas na sigaw ni Tanya habang bumaba ng hagdan at nagderestso sa dining area nila kung saan nadatnan nya ang kanyang mga magulang na kumakain ng umagahan.

"Goodmorning Papa and Goodmorning to you too Mama!" malawak ang ngiting bati ni Tanya sa kanilang mga magulang na humalik sa parehas nitong pisngi bagi umupo sa upuang katabi ng kanyang Papa.

"Nasaan ang Kuya Ezra mo?"

"Naku Papa ang bagal kumilos ni Kuya parang di excited na new Univeristy namin." angal ni Tanya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan.

"Hindi ka na nasanay sa Kuya mo, kahit naman sa dati nyong eskwelahan ay ganyan yan." ngiting kumento ng kanyang ina na ikinangusong ikinatingin ni Tanya sa kanyang ina.

"Kanino ba nagmana yang si Kuya Ezra ha Mama?Laging naka poker face ang mukha, masungit at introvert.Paano magkaka girlfriend si Kuya kung ganun sya?"

"You don't have ti meddle on that part of my life Erza so shut your mouth up!"

Napalingon silang tatlo kay Taz na kararating lang at deretsong umupo sa tabi ng ina nito.

"Agang aga Kuya ang sungit mo!Pag dating natin sa UDM makipagkaibigan ka kaagad ha?" bilin ni Tanya na poker face lang na nilingon ng Kuya nya.

"I go to school to study not to do that friends stuff." sabi nito bago binalik ang tingin sa pinggan nyang nilagyan nya lang ng kaunting pagkain.


Magsasalita pa sana si Tanya ng tapikin sya ng kanyang ama na ikinalingon nya dito at umiling sa kanya.

Alam kasi ng kanilang mga magulang na may pagkaseryoso ang kanilang panganay na anak.Wala silang nabalitaan na kahit sinong naging kaibigan nito o nagustuhang babae.Tahimik lang ito minsan at tanging sa kanila ito nakikipagusap at sa Lolo nitong si Lolo Sid na malapit sa loob ni Taz.

Sila ang pamilya Westaria na kilala sa business world, marami silang business na hawak pero kahit mayaman sila ay simpleng pamumuhay lang ang gusto nila.

Tahimik nalang silang kumain at matapos kumain ni Taz ay tumayo na ito pero bago pa ito makaalis sa dining area ay tinawag ito ng kanyang ama.

"Ezra. . ."

Seryoso lang na lumingon si Taz sa kanyang ama ng mabilis nyang sinalo ang kung anong inihagis nito sa kanya na agad nyang tiningnan.


"Wahhhh Papa bakit si Kuya binigyan mo ng kotse?" angal ni Tanya na agad tumayo sa kinauupuan nya at lumapit sa Kuya Taz nya at akmang kukunin nya ang susi na hawak nito ay mabilis nilayo ni Taz at inakbayan si Tanya para matigil sa kinatatayuan nito na ikinanguso ng dalaga


"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo." bilin ng kanyang ama na ikinatango ni Taz.

"Thanks Pa!Were going." sambit nito bago umalis sa kusina akbay akbay si Tanya na pilit kumakawala sa pagkakaakbay ng Kuya nya pero hindi nya magawa.

"Kuya!!!hindi pa ako tapos kumain!!!!"

"What you ate is enough Erza tumataba ka na." kumento ni Taz na mahinang ikinahampas nito sa dibdib ng Kuya nya.

"Kapal mo Kuya!"


Hindi nalang umangal si Tanya sa kanyang Kuya ng pagbuksan sya nito ng pintuan ng bagong kotse nito na bigay ng kanilang ama at ng makasakay ang Kuya nya ay agad syang nagkumento sa bago nitong sasakyan.

Phantom's Untold StoryWhere stories live. Discover now