Chapter 17

128 5 0
                                    

"Isang linggo na ang lumipas simula ng magka-sagutan si Taz at 'yung Ignacio ba 'yun? Pabalik-balik ako sa firing range pero hindi na yata siya napunta don."

"Huwag ka ng umasa na maisasali mo sa grupo ang lalaking 'yun, kita mo naman kung paanong disgusto ang ipinapakita niya kay Taz."sambit na kumento ni Ford.

Vacant time at magkakasama na naman sina Travis, Ford at Balance sa isang sulok ng garden na ginawa na nilang tambayan, hindi nila kasama si Taz dahil pinatawag ito ng Dean ng Bussiness Management. Mag-iisang oras na rin si Taz sa Dean's office kaya naiinip narin sina Travis sa paghihintay sa kaibigan nila.

"Kung ako sayo Lancellot hindi na ako aasa sa taong ayaw naman sumali, mahirap din pilitin ang isang tao lalo na kung hindi niya makakasundo si Taz."sambit ni Balance na ikinabuntong hininga ni Travis sa kina-uupuan niya.

Iba talaga ang pakiramdam ni Travis kay Paxton kaya may part sa kaniya na gusto niya itong maisali sa grupo nila pero naisip niya na tama sina Balance, hindi ito sasali sa kanila lalo na at kaaway at katunggali ang tingin nito kay Taz na lider nila.

"Oh? Tanya?"

Sabay-sabay na napalingon sina Balance at Ford ng makita ni Travis si Tanya na naglalakad sa may ground na hindi kalayuan sa pinagtatambayan nila na napalingon naman sa kanila si Tanya na ngiting kumaway at lumapit sa pwesto nila.

"Hi! Wala kayong klase?"magiliw na tanong ni Tanya na ikinangiti ni Travis sa kaniya.

"Vacant time namin, teka bakit narito ka? Diba pag ganitong oras P.E class niyo?"sambit na tanong ni Travis

"Oo pero may hinahanap kasi ako, sabi ko sa kaniya sabay kaming magpunta sa gym for P.E class eh kaya lang hindi ko siya makita.""sambit ni Tanya na bahagyang nakasimangot na bahagyang ikinatawa nina Balance.

"Classmate mo ba ang hinahanap mo Erza?"tanong ni Ford na ikinatango nito.

"Oo, parehas kaming school representative. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita, sabi niya kasi sabay kaming pumunta ng gym."pahayag ni Tanya na ikinasalubong ng kilay ni Travis ng makita niyang bahagyang namula ang pisngi ni Tanya.

"At sino ang classmate mo na 'yan? Aba, bakit ikaw ang naghahanap sa kaklase mo na 'yun? Pag nalaman ng kuya mo na may lalaki kang hinahanap baka mabalian ng buto ang kaklase mo na 'yun."

"Mabait naman si Francis eh, tsaka ipakikilala ko naman siya kay Kuya. Anyway, iwan ko na kayo at hahanapin ko pa siya."pahayag ni Tanya bago ngiting kumaway kina Balance bago iniwan na ang mga ito.

"Iba nararamdaman ko sa classmate na sinasabi ni Tanya ah!"hinala ni Travis na ikinatapik ni Balance sa balikat niya.

"Huwag mong idaldal kay Taz ang tungkol sa classmate ni Erza, lahi ka pa naman ng madaldal."bilin ni Balance na ikinasang-ayon ni Ford.

"Lance was right, hayaan mong si Erza ang magsabi kay Taz tungkol sa bagay na 'yan."

"Ganun ba ako kadaldal? Masyado naman kayong dalawa na judgemental."naasar na sambit ni Travis na ikinatawa nalang nina Balance ng tumunog ang cellphone ni Ford na agad naman nitong kinuha sa bulsa at ng makitang si Shawn ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Napatawag ka Torres?"

(I'm here outside your University, ayaw akong papasukin ng guard dito.)

"Alam mo naman siguro kung bakit ayaw kang papasukin ng guard diyan, hindi ka taga UDM Torres."ngiting sagot ni Ford kay Shawn na rinig niyang ikina-ungos lang nito.

(Just come here Rosales, pinagtitinginan na ako ng mga estudyante dito.)

"Fine, pupuntahan ka diyan ni Amadeus, malakas kapit nito sa guard na naka toka diyan. Hintayin mo nalang siya Mr. Soccer boy."pahayag ni Ford bago binaba ang cellphone niya at nilingon si Travis na nakasimangot na ang mukha.

Phantom's Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon