Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Bahagyang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Matapos ang ilan pang pagaasikaso ay inilipat na si Lance sa ICU. Kahit pa stable na ang lagay niya ay kinakailangan pa din niya ng mas double pagaalaga.

Sinigurado ko sa Doctor na wala silang proproblemahin sa gatos, susuportahan ko ang lahat ng pangangailangan nito hangga't sa abot ng aking makakaya, mabuhay lamang siya.

Wala ako sa sariling umuwi sa aming bahay. I'm still in shock dahil sa nangyari. Tahimik ang buong bahay pagkadating ko kaya naman dumiretso na ako sa aking kwarto. Masyadong mabigat ang aking katawan. Wala pang ilang minuto ay nakarinig na ako ng katok mula sa labas. Hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad ng bumukas ang pintuan at tsaka iniluwa nuon si Sachi.

"Kuya Piero nandito ka na" nakangiting salubong pa niya sa akin.

Pagod ko siyang tiningnan. Ang maamo niyang mukha at mga ngiti ay nagpapagaan sa aking dibdib. Walang sabi sabi ko siyang hinila papalapit sa akin at tsaka siya niyakap ng mahigpit. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ng maramdaman kong ginantihan niya ang yakap ko.

"I feel so bad" pagod na sumbong ko sa kanya.

Nanatili akong nakapikit habang nakayakap sa kanya. Hindi naman siya nagsalita, pero dahan dahang tumaas ang balahibo sa aking mga braso papunta sa batok ng maramdaman mo ang malambing na paghaplos nito sa aking likuran.

"May ginawa ka bang hindi maganda kuya?" Tanong niya sa akin.

Bahagya akong humiwalay sa kanya para makita ang mukha niya. Tiningala ako nito dahil duon. Sumalubong sa akin ang malamlam niyang mga mata.  "May sinaktan ka ba?" Tanong niya ulit sa akin.

Sa lambing ng kanyang boses ay para kang mapapapikit at mapipilitang umamin sa mga ginawa mong kasalanan. Tumango tango ako bago ko siya sinagot.

"May sinaktan ako" pagamin ko sa kanya.

Akala ko ay hihiwalay na siya ng yakap sa akin. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi nawala ang tingin niya sa akin.

"Lahat naman tayo nakakasakit, ang mahalaga marumong kang humingi ng tawad pagkatapos nuon. Ang mahalaga marunong kang magsisi" pangaral pa niya sa akin kaya naman bahagya akong napangiti.

Kung makapagsalita ang isang ito akala mo ay mas matanda pa kesa sa akin. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. "Basta para sa akin, mabait na tao ka pa din" laban pa niya.

Natango tango ako. "I just need one person na maniniwalang mabuti pa din akong tao..." sabi ko pa sa kanya.

Naging abala ako ng mga sumunod pang mga araw. Inasikaso ko ang hospital bills ni Lance at mga pangangailangan nito. Halos hindi na din ako makapasok sa school dahil sa pagbabantay dito.

"Lance torreda..." rinig kong tanong ng isang umiiyak na babae sa may nurse station malapit sa may ICU.

Nakaupo ako sa labas nito habang kumakain ng sandwich na binili ko sa may convinient store sa labas ng hospital. Kaagad na itinuro ng nurse ang ICU. Mula sa salamin ay muling bumuhos ang kanyang luha habang nakatingin kay lance.

"Excuse me..." pagsingit ko sa kanya.

Mabilis niyang pinahiran ang luha sa kanyang mga mata. "Sino po sila?" Magalang na tanong niya sa akin.

"Ako si Piero, kaibigan ako ni Lance" pagpapakilala ko pa sa kanya.

"Sarah ang pangalan ko. Nobya ako ni Lance" sagot niya sa akin. Muli akong nakaramdam ng guilt ngayong kaharap ko na si Sarah. Pakiramdam ko ay kailangan kong aminin sa kanyang ako ang gumawa nito kay Lance.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now