CHAPTER 5

1.5K 41 0
                                    

CHAPTER 5

And that’s how Luccerus Ciandler Yutengco and I met, isang napaka aroganteng lalaki na ipinaglihi ata sa sama ng loob. Kagaya nalang ngayon na nasa Gym ako dahil pinapunta niya ako rito sa hindi ko alam na dahilan.

My phone was also replaced by a new phone last last week, ibinalik ko sa kaniya ang cellphone na ibinagay niya at umutang nalamang ako kay Aling Rosa, ang ipinagtataka ko lamang ay one thing about aling Rosa ay hindi naman nagpapautang kaya laking ginhawa at gulat ko na pinautang ako nito ng pera kahit papano at nakabili ng atleast maayos ayos na cellphone.

“Ano nanaman?” naiinis kong sabi kay Lucian, that’s what his team is calling him, one time na tinawag ko siyang Lucian ay bigla ba namang nagsungit at ang gusting itawag ko sa kaniya ay ang totoo niyang pangalan, aba napaka demanding ng ulupong na to.

“Where’s my water?” anito na nakakunot ang noo saakin, he was sweaty and wet, basa ang jersey uniform nito dahil sa pawis pati rin ang buhok nito, mukhang babad ang ulupong na to sa kakalaro ah

“Here” nakabusangot kong inabot sa kaniya ang isang bote ng tubig, bahagya siyang ngumisi saakin bago inabot ang tubig atsaka iyon ininom, napabuntong hininga na lamang ako at tangkang aalis na ng mabilis ako nitong hinila sa braso papunta sa kanilang pinagpepwestuhan ng mga kagrupo nito, agad niya akong pinaupo doon kaya mas lalo lamang akong napabusangot. Ewan ko ba, simula nung ibinalik ko sa kaniya ang cellphone niya panay na ang pagdikit dikit nito saakin.

“Hi jules” bati ng ilan sa kanila na tinanguan ko na lamang, I checked the time on my wrist at naiinis na bumusangot muli, 3 fucking hours for a fucking break, arrgghh!! Nakakabagot! Naramdaman ko ang presensiya ng ulupong sa gilid ko bago ito umupo sa tabing upuan ko,

“We’ll go to mall” anito na mabilis kong ikinalingon sa kaniya

“No, sa library ako” tumingin siya saakin na seryoso ang mga mata bago nito muling ininuman ang tubig na ibinigay ko

“May utang ako sayo, babayaran ko lang” anito na ang tinutukoy ay ang cellphone niya ata, mabilis akong umiling sa kaniya at kinuha ang bagong phone sa bag ko at itinaas iyon sa ere

“Nakabili na ako, atsaka pwede ba. San mo ba nakukuha ang number ko? Stalker ka ba?” napalakas ata ang pagkakasabi ko non dahil literal na nanahimik at napatingin saamin ang mga ka team mates nito, napaiwas na lamang ako ng tingin at napapikit ng mariin, jusko naman yang bunganga mo talaga Julia walang preno-

“Eh ano kung oo” anito kalaunan dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kaniya, halos mapanganga ako sa sinabi nito, naramdaman ko ang pagiging mainit ng leeg ko hanggang buong mukha. Ang lakas talaga ng trip ng isang ito, bwiset!

“Fuck bro” rinig kong ani ng isa sa mga naroon sa likod ko, I heard some pangaasar from them also kaya halos mapailing na lamang akong kinuha muli ang bag ko at nagtangkang tumayo ngunit hinila lamang nito ang braso ko at pinaupo ulit ako

“Tss, ngayon ka lang nakakita ng gwapong stalker?  Sabagay baka nga ako lang ang nagt-tiyaga sayo eh-“ mabilis pa sa mabilis na hinampas ko sa kaniya ang walang lamang bote ng tubig at halos sakalin na ito sa pinagsasabi, jusko naman! Ang lakas ng loob, potek!

“Apaka mo, punyeta ka” naiinis paring sambit ko at hinampas muli ito ng bote, he just laughed on what I am doing bago nito hinuli ang dalawang braso ko at panatilihin iyon, he looked at me with a teasing smirk on his face

“Dali na tara sa mall” pagpipilit parin nito na ikinailing ko lamang, agad kong tinapik ang nakahawak niyang kamay sa braso ko at itinulak siya bahagya

“Tangina ang corny pala ni Lucian” rinig kong bulong salikod ko na ikinangisi ko, I looked at him at kita ko ang pagbabago sa mukha nito, mabilis iyong naging seryoso at masama ang tingin na ibinato sa mga ito ang boteng hawak ko kanina

“Fuck off” anito, nailing na lamamng ako at muling sinipat ang relo, fuck, labin limang minuto palang ang lumipas? Bakit parang ang kupad ng oras ngayon?!

“Alis na ako” nagmamadali muli akong tumayo and this time ay buti naman hindi na niya ako pinigilan, I sighed at diniretso palabas ng gym, pupunta na lang akong Café para kumain, tapos mag la-library para don matulog, malamig din kasi dun atsaka pupunta na lang din ako sa—

I felt someone held my arms kaya napatingin ako sa taong iyon, ginulo nito ang buhok atsaka masama ang tingin na hinila ako papuntang parking, nanlaki ang mata ko at hinampas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko,

“Ano ka ba ulupong ka talaga, pinagtitinginan tayo” naiinis na sambit ko dahil bawat salubong naming sa mga estudyante ay pinagbubulungan kami, o kung hindi man ay napapatingin sa kamay nitong nasa braso ko, fuck! Theres no big deal in it! Chismosa lang talaga sila!

“Sa mall tayo” anito at talagang desididong isama ako, muli kong piniglas ang braso sa kaniya at nang magtagumpay na makalayo sa pagkakahawak nito ay lumayo ako rito at naglaan ng distansiya saaming dalawa

“Sige, tumakas ka, alam mong mahahabol at mahahabol kita, atsaka gagawa ka lang lalo ng eksena,  machichismis lalo tayo” ipinagbukas ako nito ng pintuan at walang kabaitang itinulak ako papasok, muntik pa nga akong masubsob kaya halos pinagsusuntok ko ito ng makapasok na siya sa drivers seat.

Hindi na lamang ako umimik pa pero muli akong tumingin sa kaniya nang hindi niya pa iniistart ang makina,

“Ano na?” naiinis na tanong ko, kunot ang noo nitong kinalas ang seatbelt nito at halos mapaatras ako nang lumapit ito saakin at gitgitin ako sa upuan ko, mabilis akong lumingon sa may bintana para hindi dumikit ang mukha niya saakin kasabay ng pag cross ko ng braso sa aking dibdib, sumulyap ako sa ulupong at nakita ko ang pagbaba ng tingin nito sa ginawa ko sa dibdib ko bago siya muling tumitig saakin

“feeling ka, yung seatbelt mo” anito bago hinila ang seatbelt sa gilid ko at siya na ang nagkabit, agad siyang lumayo saakin kaya doon ko na inilabas ang hininga na pinipigilan ko kanina.

Damn! Damn!

Bakit ba ambilis ng tibok ng puso ko? Shit!

HER POSSESSIVE LOVER (COMPLETED)Where stories live. Discover now