"Bahala ka." Maikling sabi niya at saka umalis na sa tabi ko.

Nag kibit balikat nalang ako at dumiretso sa shop ng mga sapatos.

Sapatos para kay kuya Josh. Narinig ko kasi minsan na gusto niyang bumili ng bagong sapatos, kaya why not iyon nalang ang iregalo ko. AirPods naman para kay kuya Ken. Syempre, mahilig matulog yan sa byahe, mas mare-relax siya kapag nakikinig sa music habang natutulog. Ganun kasi ako. Pabango naman kay kuya Stell, kasi wala na akong ibang maisip. Tapos wrist watch kay kuya Sejun, kasi wala na rin akong maisip na iregalo sakanila.

Kay Justin naman... bracelet. Stainless steel ito at naka engrave doon ang pangalan niya 'Justin'. Sabi nila ay two to three days pa daw bago ko makuha kaya binigay ko nalang ang contact number ko para matawagan nila ako kung kailan ko pwedeng makuha.

Bumalik na rin ako sa sasakyan after kong mamili. Pero dahil wala pa si Justin ay bumaba ulit ako para mag libot muna. Pumunta ako sa isang arcade. Nag laro ako sa isang claw machine pero wala rin naman akong nakuha kaya sumuko nalang ako.

Then pumunta ako sa isang basketball game. Nag hulog ako ng dalawang tokens at nag simulang gumulong papunta saakin ang mga bola. I tried shooting, pero walang masyadong naisho-shoot.

"Ganito kasi," kahit pa nakatalikod ako ay kilala ko ang boses na iyon. "Justin, andito ka?"

"Obvious ba?"

Umirap ako dahil sa sagot niya. Siya na ang nag laro doon sa basketball game na nilalaro ko kanina kasi hindi rin naman ako maka shoot. Samantalang siya naka set pa ng high score.

Nang mag sawa na siya ay akala ko mag aaya na siyang umalis pero hinila niya ako papunta sa isang car racing game. Naupo ako sa tabing upuan at nag hulog din ng token.

Syempre panalo ako, favorite ko yatang mag laro ng racing, duh.

"Bleh, panalo ako!" Pang aasar ko kaya naman umirap ito saakin na lalo kong ikinatawa.

Nag laro pa kami ulit ng ilang beses hanggang sa nag aya na siyang umuwi dahil hindi niya ako matalo.

Dumating ang first debut anniversary namin.

Masaya naming inantay na mag alas dose saka kami tumalon talon at binati ng 'happy anniversary' ang isa't isa.

Nandito kami ngayon sa practice room namin at may mga design sa paligid. May malaki pang sign naka dikit sa wall 'Happy First Anniversary SB19 from ShowBT'

Naka live kami ngayon para makasamang mag celebrate ang A'tins.

"Eto, Stell, regalo ko." Sabi ni kuya Josh at iniabot ang regalo niya kay kuya Stell. Nag bigayan na rin kami ng mga regalo.

Binigyan ako ni kuya Josh ng Harry Potter and The Chamber of Secrets na libro. Tapos Draco Malfoy figurine naman galing kay kuya Ken. Then wand ni Draco Malfoy galing kay kuya Sejun. lsang Slytherin robe ang binigay saakin ni kuya Stell.

Pinasalamatan ko silang lahat at isa isang niyakap. Hindi naman halatang mahilig ako sa Harry Potter series ano? Haha!

Nang si Justin na ang nag bigay ng regalo ay nakalagay ito sa square na box na katamtaman ang laki. "Salamat." Saad ko saka binuksan ang regalo niya.

"Happy First Anniversary." Bulong nito. Binati ko rin siya ng may malawak na ngiti.

Halos nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano iyon. Halos katulad din ng regalo ko sakaniya. Stainless steel na may 'Malfoy' sa harap at 'South' sa likod.

Dahil doon ay kinuha ko rin ang regalo ko sakaniya.

Halata namang nagulat ito sa nakita.

"Ayiiee! Matchy matchy silaaa!" Tukso saamin ni kuya Josh pero umiling nalang ako para hindi nila mahalatang namumula ang pisngi ko.

Tinulungan niya akong isuot ang bracelet na bigay niya kaya tinulungan ko din siyang isuot ang kaniya. Tinukso nanaman kami dahil doon.

Feeling ko nga ilang na ilang na si Justin.

Samantalang ako hindi ko alam kung paano mag re-react.

Nang matapos ang live ay kumain na kami ng biniling handa. Nag unahan pa kami ni kuya Ken sa chicken. Solo naman ni kuya Sejun ang hotdog na nandoon.

Hindi na kami nag imikan ni Justin pag katapos noon. Nakailang paliwanag na rin kaming coincidence lang na pareho ang nabili naming regalo pero hindi sila naniwala since sabay kaming bumili ng regalo. Hindi ko rin naman masabi sakanila hindi kami mag kasama dahil baka mapagalitan pa si Justin.

Mag wu-one thirty na ng madaling araw nang matapos kaming kumain at mag celebrate. Pagkatapos mag linis ay pumunta ako sa rooftop ng building namin para mag pahangin.

Pag kabukas ko ng pintuan ay ginusto ko nalang isara ulit pero mukhang napansin niyang andoon na ako. Tahimik akong pumunta kung nasaan siya, nakasandal sa railings habang nakatingin sa kawalan. Madalim pa kasi one thirty palang naman kaya kitang kita pa ang mga bituwin. Medyo malamig rin ang simoy ng hangin, wala pa naman akong dalawang jacket.

Tahimik lang kaming pareho.

Maya't mayang umiihip ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Napatalon naman ako sa gulat nang may mag patong ng jacket sa balikat ko.

"Justin, baka ikaw naman ang lamigin, okay lang ako—"

"Suotin mo nalang."

Wala akong nagawa kundi suotin ang bigay niyang jacket. Tapos natahimik kaming muli.

Napatingin ako sakaniya nang may maalala ako.

"Justin," tawag ko, "nung nag swimming at sleepover tayo sa resort nung isang Justine. Ahm, kinagabihan kasi—"

"Ah. Were you awake? Sorry, wag mo nalang sabihin kina kuya Josh na wala ako sa kwarto nung gabing yun. Pero bumalik rin naman ako! Nag pahangin lang." Agad niyang pag papaliwanag.

Ibig sabihin... hindi siya iyong yumakap saakin. But I was sure it was his voice. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon, maybe my minds playing with me.

Maybe it was kuya Ken, hindi niya lang siguro ino-open dahil alam niyang sensitive yung topic. Itatanong ko nalang siguro kapag naalala ko bukas—mamayang umaga.

"Ah. Ganoon ba." Maikling sagot ko.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin kami sa loob dahil hinahanap na kami, uuwi na raw sa dorm para makapag pahinga.

"Uy! Mag kasama sila!" Tukso nanaman nila saamin kaya umiling nalang ako at kinuha ang gamit ko. "Naks! Suot pa ni South yung FAVORITE jacket ni Jah!" Dagdag naman ni kuya Josh.

"Ang daya! Pag ako nanghihiram ayaw ibigay. Halatang may favoritism ah." Sabat pa ni kuya Ken.

Hindi nalang sila pinansin si Justin at kinuha ang mga dala niya saka kami sabay sabay na umuwi.

Pag kahiga ko ay nag open pa ako ng cellphone para makapag post sa IG. Pag katapos ay saka ako natulog, habang suot ang jacket ni Justin.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now