Chapter 23:

2.7K 103 0
                                    

Alex pov;

"Ahmm Alex, Marky ok lng ba sa inyo na kayong dalawa muna sa iisang kwarto?" Tanung ni zania.

"Hmm" sagot ko at tumango ganun din si marky.

"Ok! Magpahinga na kayo tatawagin nalng namin kayo pag hapunan na atsaka meron na kayong pamalit diyan" nakangiting sabi niya at umalis.

Pagpasok namin sa loob ay tamang-tama lng ang lapad ng kwarto merong dalawang kama sa magkabilang bahagi, merong malaking wardrobe at washroom.

Nilagay ko muna ang dalawang katana ko sa may isang kama na nandito at pumasok na sa wardrobe para kumuha ng pamalit at nauna ng maligo.

Paglatapos kong maligo nadatnan ko si marky na natutulog na sa kabilang kama.

Isang simpleng itim na t-shirt at 2inch above the knee na shorts lng ang suot ko.

Humiga na ako sa kama katabi ang katana ko at mga ilang sandali pa lng ay naaalala ko ang pinagsasabi ni tensie saakin kagabe.

FLASHBACK

"Paano mo naman ako matutulongan?" Tanong ko sakanya.

"Nalaman ko kasi na ngayon na lalabas ang isa mo pang kapangyarihan kaya nandito ako para tulungan kang kontrolin ito" nakangiting sagot nya.

"Ano naman iyon?"

"Isang elemento na kung saan ka nakaupo ngayun"

"Tubig?"

"Tama! Alexah ngayun sa loob ng 5 segundo ay lalabas na ito haha" masayang sabi nya at hinintay ang mangyayari.

"Ah!" Daing ko dahil naramdaman ko naman ulit ang naramdaman ko noong lumabas ang dalawang kapangyarihan ko.

"Wag mong pilitin na lumaban sa sakit Alexah, hayaan mo ang sakit na yan na bumalot sa loob ng katawan mo" sabi nya kaya pinabayaan ko lng ang sakit tulad ng sabi nya at pumikit.

"Yan nga Alexah mag relax ka isipin mo na ikaw ang Superior sa inyong dalawa, isipin mo na ikaw ang holder ng elementong yan at lalong-lalo na wag kang mag pa control sa kanya IKAW ang comontrol" sabi nya pa at hinawakan ang ulo ko.

"Ah!" Huling daing ko hanggang sa gumaan na ang pakiramdam ko pagmulat ko nakita ko siyang ngumiti saakin at nag paalam na pero hindi ko narinig ang huling sinabi nya bago sya naglaho.

"Paalam Alexah hanggang sa muling pagkikita...Mahal na Prinsesa"

END OF FLASHBACK

*BOGSHH*

*BOGSHH*

Nagising ako bigla sa ingay na naririnig ko mula sa labas.

Bumangon ako para tingnan kong ano ang nangyayari sa labas. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang madilim na pala pero umuusok ang bawat bahagi ng malawak na paaralan.

"Anong nangyayari?" Nagtatakang bulong ko.

"Alex sinusugod ang paaralan" sagot ng kung sino na nasa likod ko kaya agad kong binunot ang hawak kong katana at tinutok sa leeg nito.

"Oh! Oh! Easy Alex ako lng to" nag-aalangan na sagot ni thaniel sa akin.

"Halina kayo tutulong pa tayo na lumaban sa labas sabi ni HM" tawag ni zefix saamin sa may pinto at pagtingin ko sa pinto ay andoon nga silang mga Royalties at meron din ibang hindi pamilyar ang mga mukha.

Lumabas na kmi ng Dorm ng mga Royalties at dun ko lng nakita ng malinaw na ang daming nasusunog sa paligid at ang lakas ng mga kalaban nila dahil halata naman na maraming estudyante na dinadala sa clinic, ang iba sa gilid nalng ng hallway ginagamot at ang kakapal din ng usok sa paligid.

Magicxie Academy: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now