Chapter 21:

2.7K 104 0
                                    

Alex POV;

Tumalikod nako sa mga nakahandusay na bangkay ng nga hayop nato at nag lakat papunta sa direksyon nina marky.

Pero naramdaman kung may nakatingin sa taas kaya hinanda ko na ang invisible fire ball ko para Hindi nila makita baka mag-aalala naman si marky saakin at pagalitan ako tss sya lng ang may lakas na pagalitan ako kasi dahil lng sa lumaki kami ng sabay.

"ALEEXXXX--- " sigaw nilang lahat at paglingun ko nirelease ko agad ang invisible fire ball sa tiyan nung hayop nayun pero naabot parin nya ang balikat ko at nakagat ako.

"Shitt" singhal ko dahil ang daming dugo ang umaagos.

"OMGeee Alex ok ka lang?" sabay na sigaw nila zania saakin.

Hindi pa nila nakikita ang sugat ko dahil medyo nasa madilim na parti pa kami ng gubay.

"Alex?" tawag nila ulit.

Tumingin lang ako ng blangko sa kanila at tumango bilang sagot.

"hayysstt alex talaga" buntong hininga ni marky saka napapatong nya ang kamay nya sa balikat ko.

"Shitt alex! Bat hindi mo sinabi?" singhal nya saakin nang maramdaman nyang parang mabasa ang balikat ko at tiningnan kung ano ang nakadikit sa kamay nya.

"Ano iyun marky?" tanung ni thaniel sakanya.

"Dumudugo ang balikat ni alex " sagot nya.

"Tsk Bat hindi mo sinabi Alex?" masamang nakatingin sakin si marky dahil sya ang nagbabantay saakin dito at hindi nya nagawa ang trabaho nya yan ang nabasa ko sa isip nya.

"ALEX" banta nya pa.

"Hindi ko alam! wala kasi akong may narandaman at ikaw lang itong OA" cold na sagot ko para tumahimik silang lahat.

"halika gamutin kita alex " aya ni thaniel saakin at nauna nang umupo sa harap ng apoy.

"Hindi na maliligo nalang ako" sagot ko at tumingin sa kanila ng blangko.

"Alex wag nang matigas ang ulo" saway ni xander saakin.

Tumingin lng ako kay marky para malaman nyang hindi na ako natutuwa.

"Ok lang yan xander hayaan mona kaya nyang mag heal mag-isa at alex wag kang lalayo sa pagkakarinig ko malapit lang ang ilog dito dahil sa naririnig ko ang agos ng tubig" pangaral ni marky kay xander atsaka tumingin saakin kaya tumango lang ako bilang sagot.

Tumalikod nku sakanila para sundan ang tinig ng agos ng ilog para makapag paligo na. Nang hindi pa ako nakakalayo ay tinawag ako ulit ni xander.

"Sandali lang alex!" Tawag nya at humarap kina zania.

"Zania, thania samahan nyu na si alex baka ma----" pinutol ko na ang dapat nyang sasabihin kina zania at thania saka sinagot ko sya.

"Kaya ko ang sarili ko! Diyan nlng kayo" cold kung sabi at nagpatuloy sa paglalakad.

"ALEX" sigaw pa ni xander pero narinig kung pinigilan na sya ni marky.

Ang ayoko sa lahat eh yung walang tiwala saakin, sinisigawan lang ako at inuutusan pa. Pero naiintindihan kong nag-aalala sila saakin kahit papano pinaparamdam nila kaysa sa wala na diba.

Pagdating ko sa ilog ay naglagay muna ako ng barrier na hindi makita sa labas kung ano ang ginagawa o nangyayari sa loob.

Hinubad ko ang suot kong jacket at hinugasan ito sa ilog habang ang katawan ko naman ay nakababad sa tubig. Bali nakablack sando nlng ako at nakablack jeans habang nakababad sa tubig na dumadaloy para ang dumikit na dugo ay maalis at habang kinukusot ko ang jacket ko ay heniheal ko na ang sarili ko.

"So ikaw ang nakatakda!" Sabi ng isang tinig na nasa likuran ko.

Hinanda ko lng ang sarili ko dahil ang katana ko ay nasa taas ng malaking bato.

"Wag kang matakot nandito ako para tulungan kang mailabas ang isa mo pang kapangyarihan na nagtatago pa Alexah" mahinhin na sabi nya at naglakad papunta sa harap ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko miss?" Cold kong tanung habang nakataas ang kilay ko sakanya.

Maganda naman sya mukhang mabait at parang walang balak na masama.

*chuckles* mahinhin na bungisngis nya habang nakatingin saakin.

"Ako nga pala si Tensie the holdier of past and future at nandito ako para tulungan ka" mahinhin na pakilala nya saakin.

"Paano mo naman ako matutulongan?" Tanung ko sakanya at tinuloy na ang ginagawa ko.

"Nalaman ko kasing ngayun na lalabas ang isa mo pang kapangyarihan kaya nandito ako para tulungan kang kontrolin ito" mahinhin na sagot nya.

Third person pov;

"PANONG NANGYARI TO HA?" sigaw ng Dark Lord sa mga alagad nya na sumugod kina alex.

"K-kas-si mahal na hari malakas po ang dream manipulator at tinutulungan nya ang royalties" nanginginig na sagot ni kevin, ang black wizard na nabuhay pa at mero pang mailan-ilan na natira sa kasama nito.

"MGA WALANG SILB----" naputol ang pagsasalita ng Dark Lord dahil biglang yumanig ang lupa.

"MGA WALANG SILBI! AYAN MUKHANG NANDITO NA SILA" pagpatuloy na sabi ng Dark Lord at pinatay ang lahat na nasa harapan nya sa sobrang galit nito pero maliban lang kay kevin na tumutulo pa ang dugo mula sa mata nya.

"IKAW---" tawag nya kay kevin na nanginginig na sa takot.

"Sakupin nyo lahat ng mahihinang bayan dito at patayin silang LAHAT, mahina sila pag ang mga tao sa paligid nila ang namamatay" malademonyong tawa ng hari.

Umalis na sa pagkakaluhod si kevin at nag bow sya sa harap ng Dark Lord bago tumalikod.

"Mamamatay kayong lahat sa kamay ko! Lalong-lalo kna prinsesa Wahaha" tawa pa nito at habang pinaglalaruan nya ang isang kakaibang dark ball sa kamay nya na pag tinapon nya ito sa isang bayan siguradong ubos lahat ng tao na nakatira doon at magiging abo ang lahat.

Magicxie Academy: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now