Kabanata 9

33 2 0
                                    

"Isang kalapastanganan ang ginawa ninyong panghihimasok sa mansiyon ng mga Cardinal! " sigaw ni Pinunong Alneo. Talagang nakakapangilabot ang boses nito na halos dumagundong sa lakas. Napahawak naman ako sa puno ng mangga at doon na nagtago.

May babae at lalaking nakaluhod sa lupa. Nakatali ang mga kamay nila sa likod at kitang kita ang takot sa mga mata nila, nakatayo sa harap nila si Pinunong Alneo habang may nagpapayong naman sa kaniya sa gilid at napalibutan sila ng mga guwardiya.

"Sabihin ninyo ang inyong pakay! " sigaw pa muli nito. Umiiyak ang babae at hindi pa din nagpatinag ang lalaki sa pagsindak sa kanila. Halata na ang panggigigil sa mukha ng Pinuno.

Nakatago lang ako doon at inaabangan ang maaaring mangyari.

Pinanlisikan ng lalaki ng tingin si Pinunong Alneo na labis niya ikinainis.

Lumuhod siya sa harap ng lalaki at marahas niyang pinisil ang magkabilang pisngi nito gamit ang kanan niyang kamay.

Napapikit na lang ang kasama niyang babae ng makita ang ginawa sa kasama niya.

"Huwag kang magtapang-tapangan sa aking harapan dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin" gigil na sabi niya sa lalaki, dinuraan pa niya ang mukha nito bago siya tumayo at para pagpagan ang sarili niya.

Bakas ang takot sa mukha ng mga trabahador na nakakasaksi ng pangyayari. Hindi ko maiwasang manginig dahil sa tensiyon na nakikita ko.

"Labis na ang inyong panggigipit sa amin sa pamilihan! nang dumating kayo ay naging labis na ang paniningil sa amin ng buwis! " galit na sigaw ng at sinamaan ng tingin ang Pinuno.

Tumawa lang ng malakas si Alneo at ngumisi sa harap ng lalaki. "Nasa ating batas ang bagay na 'yan! obligado kayo riyan, kung ayaw niyo sa patakaran... HUWAG NA LAMANG KAYONG MAGTINDA! " nakakainis ang itsura ni Alneo ni hindi man lang siya tumingin ng may-awa sa dalawa.

"P-pasensya n-na---" magsasalita pa sana ang babaeng kasama niya ng bigla ulit sumigaw yung lalaki.

"NAPAKADALING SABIHIN SA IYO ANG BAGAY NA IYAN DAHIL HINDI MO NATAMASA ANG AMING ESTADO SA BUHAY! HINAHAMAK MO KAMI DAHIL SA NAKATATAAS KA AT MAY KAPANGYARIHAN! " halos pumiyok siya sa sobrang pag-sigaw at pinanlisikan pa ulit ng mata ang pinuno. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Alneo dahil sa inis at galit. Medyo nadala ako sa emosyon ng lalaki kaya nakaramdaman ako ng pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

"Ama! Ano po ang nangyayari dito!? " nagulat naman ako nang makita si Alejandro at Grego na dumating.

Nakita nila ang kalagayan ng dalawa akmang tutulungan sana nila ang mga ito pero pinigilan sila ni Alneo.

"Hindi dapat tinutulungan ang mga taong ganiyan ang tabas ng dila! " sigaw niya sa dalawang niyang anak.

"Pero ama---" hindi na nakapagsalita pa si Grego ng sumigaw ang ama niya. "MANAHIMIK KA! HINDI MO PA NAUUNAWAAN ANG BAGAY NA ITO! " napayuko naman si Grego dahil sa pagkapahiya.

Kasabay ng pag-agos ng luha sa mata ng babae ay ang tagatak naman nilang pawis dahil sa sobrang pagtirik ng araw. "Ako na po ang bahalang umayos dito ama" pagsingit naman ni Alejandro dahilan para samaan siya ng tingin ng kaniyang ama.

"Ang kalapastanganang ito ay may kaakibat na parusa, dahil ito sa iyong kapabayaan! " nanginig naman sa takot si Alejandro at napatingin sa dalawang tao na nakaluhod sa harap niya.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Alejandro dahil wala siyang magawa para tulungan ang dalawa.

"KAILAN MAN AY HINDI KA MAGIGING KARAPAT - DAPAT SA POSISYONG IYONG TINATAMASA! KUNG SA TINGIN MO AY MAHIHIGITAN MO ANG KAPATID MONG SI ALONZO PWES! NAGKAKAMALI KA DAHIL WALA KANG PUSONG MAKABAYAN! MUKHA YATANG NAPUNTA NA SA IYO ANG SUMPA SA KANIYANG ANAK! " walang takot na suhestiyon niya. Ako na ang natatakot sa pagiging matapang niya kasi nakikita kong punong puno na sa kanya si Alneo.

Moonlight:The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon