Kabanata 3

54 2 0
                                    

Kanina pa ako hawi ng hawi sa suot kong damit na abot talampakan ang haba, nakapaa lang ako kaya hindi maiwasang makagat ang paa ko ng mga langgam.

Geez... dahil sa pagiging ochosera ko heto ang inabot ko ngayon.

I never thought that this would be amazing not until I saw the tree at the middle of this mini forest.

Nagkukulay ginto ang dahon nito dahil sa liwanag ng buwan. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa lusog at mayabong nitong dahon.

Ilang saglit pa ay nakita kong muli ang gasera. Pinatay ko ang hawak ko para hindi mapansin na nagtatago ako dito sa isang gilid ng puno.

Medyo maliwanag ang buwan at kasabay ng hawak niyang gasera. Ay nakita ko ang pag-upo at pagsandal ng lalaki sa puno. Nakasuot siya ng balabal sa mukha at nang tuluyan niyang tanggalan yun ay mas naging maaliwalas ang paligid.

Matikas at matipuno ang lalaking nakikita ko ngayon at hindi maikakaila ang gwapo ng mukha niya.

Ilang saglit pa ay sumigaw siya "Tama na! Nais ko nang itigil ninyo ang sumpang ito, ang hangad ko lamang ay umibig at maramdaman ang saya na matagal ko nang hindi natatamasa. Ako sana'y pagbigyan ninyo Bathala!"

Humagulgol siya ng malakas at hinalukipkip niya ang kaniyang tuhod upang doon umiyak at ang takpan ang mukha niya.

S-sumpaa? H-hindi kaya siya si...Lucio?

Hahakbang na sana ako para tumakbo ng bigla akong nakaapak ng matandang sanga ng puno.

Mapapatrouble ako neto! kasi ang sabi ni Crisanta sa akin kanina dapat ko munang buuin ang pagkatao ko sa lugar nila bago ko niya ako dapat makilala.

But I think I already made a very big mistake.

Oh nooo!

"May tao ba diyan?" napatigil siya sa pag-iyak at napansin ko ang anino niyang hindi na mapakali sa paglingon sa paligid.

Napasandal ako sa puno at tinakpan ko ang bibig ko ng aking dalawang palad.

What should I do? Kung hindi ba naman kasi ako intrigera edi sana mapayapa pa din siyang nage-emote doon sa may puno.

Napapikit na lang ako sa kaba.

"Esperanza ikaw ba yan?" tanong niya sa paligid.

Napabuntong hininga naman ako ng huminto na siya at muling umupo.

Napasilip ulit ako. Pheww! muntik na ako dun ah...

Pumitas siya ng rosas na nasa tapat lang halos ng puno. Nakita ko ang pagdugo ng kamay niya sa tusok ng rosas pero parang wala lang 'yon sa kanya.

Ilang saglit lang ay biglang kumupas ang kulay ng pinitas niyang rosas, nalanta ito at nang binitawan niya sa lupa ay parang nagkaroon ito ng apoy hanggang sa unti-unting maging abo.

Waooo! magic ba 'yon?

Biglang kumuyom ang kamao niya ng maging abo ang bulaklak. At nakita ko ang panginginig ng buo niyang katawan.

"Tulad ng mga rosas na ito ang aking buhay" panimula niya. Mas lalo naman akong napakapit sa puno para mas makita ng maayos ang ginagawa niya.

"Ang makulay na rosas na ito ang sumisimbolo sa aking nakaraang buhay ang ganda at mapayapa nitong taglay, ang tinik na siyang sumisimbolo sa katapangang kayang protektahan ang sarili sa anumang panganib na magdaraan ngunit ng matanggal ito sa sanga at mapasakamay ng hindi tagapangalaga ay nalanta ito at tuluyan ng kumupas ang ganda... kung gusto mong magpakilala sa akin ay maaari kang lumabas sa iyong pagkakatago" sambit niya.

Moonlight:The ProphecyWhere stories live. Discover now