Kabanata 5

44 2 0
                                    


"Celestina? Ayos ka lang ba? " nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Crisanta sa tabi ko. Nakasakay kami ngayon sa karwahe na pagmamay-ari nila Alejandro.

"Ahh-ehh... o-oo naman" sabi ko at ngumiti sa harap niya para makumbinsi siya.

Papunta kami ngayon sa bayan para mamili ng sangkap sa ilulutong pagkain para mamaya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit nasa mansyon ng pamilya nila Alejandro si Esperanza kasi ang pagkakarinig ko lang ay dalawa ang kapatid ni Alejandro.

Napatanaw ako sa labas ng bintana ng karwahe. Fresh ang hangin dito, maraming puno at medyo malago ang tubo ng mga talahib. Sa tingin ko ay malapit na kami sa palengke nila. Second time kong pupunta ng palengke.

I admit na medyo may pagkamaarte nga ako, hindi kasi ako sanay sa ganoong klaseng lugar.

I hate the smell of everything in the market. Pero mas naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito ako kaarte.

Tumigil ang karwahe at bumaba na kami ni Crisanta. Hawak ko ang isang bayong at ganun din siya. Namangha ako sa simpleng ganda ng palengke.

Nakahelera ang mga nagbebenta ng maayos. Magkakasama yung mga stall at establishment na nagbebenta ng gulay, karne, mga damit, alahas, sangkap sa pagluluto at marami pang iba. Halata rin ang kalinisan sa paligid.

Mapapansin sa mga establishments at stall na nakatayo kung paano ito detalyadong ginawa gamit ang kawayan.

"Mukhang ngayon ka lang nakapunta ng pamilihan ah" sabi ni Crisanta dahilan para mapatayo ako ng maayos. Well in fact, mall naman talaga ang lagi kong gustong puntahan kesa sumama sa kasambahay namin o kay Mom sa tuwing may free time siya na magpunta sa palengke.

Tumango ako sa harap niya "halata naman sa kislap pa lang ng iyong mata at pagnganga ng iyong bibig" natatawa niyang sabi at nag-umpisa ng maglakad.

Napakurap ako at napatakip sa bibig ko. Ganon ba ang mukha ko kanina? Shocks mukha akong timang kung ganon.

"Crisanta sandali laaang! " sigaw ko ng mapansing medyo napalayo na ang lakad niya. Mapapatakbo pa ako ng wala sa oras hayss.



"Bibilhin ko na ang sampung piraso nitong repolyo" sabi ni Crisanta dun sa tindera. Nakatayo lang ako sa gilid niya habang tinitignan kung paano siya mangilatis ng gulay. Wala pang laman ang bayong na hawak ko kasi para daw pala yun sa telang ipapalit sa mga lamesa.

Lumilingon lingon ako sa paligid, sobrang dami ng tao pero halos lahat ng tao dito puro mahihirap na katulad namin ni Crisanta. Gusto ko na sana magreklamo kay Crisanta kung bakit hanggang ngayon nakapaa pa din kami kaso parang ang maldita naman ng gagawin ko kasi sila nakapaa lang din naman so shut up na lang ako kahit medyo kinakalyo na ang mga cute na paa ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at natanaw ko ang isang matandang lalaki na naglalakad habang buhat ang bayong na punong-puno ng patatas agad akong tumakbo ng makitang may nalaglag na patatas sa bayong niya. Hindi na ako napansin ni Crisanta kasi masyado siyang busy.

"Manooooong! " sigaw ko pagkadampot ng patatas at mabilis na hinabol yung matanda kaso masyadong madaming tao kaya medyo nahirapan akong hagilapin siya.

"Ay pasensya na" nagpeace-sign ako dun sa lalaking nabangga ko.

Teka si Lucio ba 'to?

Nagtama ang tingin naming dalawa. Lumapit siya sa akin at tinignan ang braso ko.

"Masakit ba?" tanong niya, habang hawak pa rin ang braso ko.

Nakasuot siya ngayon ng balabal. Masasabi ko na kung gaano siya kagwapo sa gabi mas lalo pa sa umaga. Kyaaah!

Moonlight:The ProphecyWhere stories live. Discover now