Sinalubong sila ng bagong head ng security department ng condominium at pagkatapos ipakita ang proof na pwede silang mag-imbestiga ay may ibinigay ito sa kanilang flash drive. Iyon ang mga footages na na-retrieved ng mga ito sa dating computer na ginagamit nila. It's better than nothing. Pinagamit din sa kanila ang malaking screen para hindi na sila mahihirapan pa.

"Malabo pa ang mga footages dahil hindi pa upgraded ang mga CCTV noon." Paliwanag sa kanila ng head security. Inisa-isa nila ang mga hindi corrupted na mga files, gusto niyang matawa dahil may mga footages na nakikita niya ang sarili niya.

"Stop." Agad na na-i-pause ng kasama ang iilang mga videos na sabay-sabay na nag-flash sa screen. "Iba-ibang araw ito hindi ba?"

"Yes, attorney." May itinuro siyang isang lalaki na naka-cap at padaan-daan sa harap ng unit na dating tinutuluyan ng kanyang kliyente. Napapansin niyang hindi lang iisang beses na nakita niya ang pigurang iyon habang pinapalabas ang mga videos.

"This person, kahawig niya iyong asawa ng nag-adopt ng bata." Ini-highlight ng pulis ang itinurong tao niya sa screen. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit na tumanda ang lalaki ay kapansin-pansin pa rin ang similarities ng dalawa. "At hindi lang iisang beses siyang dumaan sa harap ng unit ng mag-asawang kliyente ko."

"Mukhang may malakas na ebidensya na tayo, attorney." Tumango siya kahit na circumstancial evidence pa lang ang kanyang nakukuha ay pwede niya iyong gamitin sa korte. "May listahan po ba kayo ng mga tumira dito sa condo unit o kaya naman ay log book? Possible nating makuha ang mga pangalan na mag-ma-matach sa mga suspect."

"Pwede po tayong mag-request sa admin pero hindi ko po alam kung papayag sila, nakasalalay din po doon ang privacy ng mga tenants dito." naiintindihan niya iyon.

"How about this, can you ask if may nag-match ba sa system nila na ganitong pangalan." Ibinigay niya ang maliit na papel na sinulatan niya ng pangalan ng mag-asawang suspect.

"Sige po attorney." Pagkalabas ng head security ay ipinagpatuloy nila ang pagba-browse sa mga videos. Sayang lang at marami ang hindi accessible na videos dahil na-corrupt na sa tagal ng panahon. Habang inisa-isa ang mga ito ay may bigla kumuha ng kanyang pansin na isang panel doon. Kumunot ang kanyang noo dahil kilala niya ang tao sa video. It was him!

Sa video ay may umaalalay sa kanyang babae at biglang kumabog ang puso niya dahil kahit hindi visible sa screen ang mukha ng babae ay kilala niya ito. Kilalang kilala! Ipinagpatuloy niya ang panonood ng video, lasing siya doon, naalala niyang nagkainuman sila ng mga classmates niya at hindi nga niya maalala kung paano siya nakauwi. May ibinigay siyang susi sa babaeng kasama at iyon ang ginamit nito para buksan ang kanyang silid. Parang may humalukay na asido sa kanyang sikmura habang nakikitang pumasok silang dalawa sa kanyang unit at sumara iyon. Pinindot niya ang fast forward, may ilang part na pixelated na pero marami pa rin ang medyo malinaw.

"Damn!" mahinang mura niya ng makitang lumabas sa unit niya ang babaeng naghatid sa kanya. Gusto niyang magmura ng malakas dahil unti-unting nagtagpi-tagpi ang mga sagot sa kanyang mga tanong. It's Xelena! Hindi siya pwedeng magkamali.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na inaalala ang mga ala-ala. He was drunk at the bar, inihatid siya ng mga kasama sa labas ng condo at may babaeng lumapit sa kanya. Hindi niya maalala ang mukha ng babae dahil na rin sa kalasingan. She offered him some help which he really needs at the moment and something happened. Akala niya ay random hook up lang iyon at agad din na umalis ang babae. Pagising niya ay wala na siyang kasama at ang meron lang ay ang ebidensya na may babae nga siyang kasama ng nakaraang gabi.

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin