Chapter 50

26.3K 348 66
                                    

Den's POV

Pagbalik ko ng manila ay nagpasya akong dalawin muna yun kambal sa ampunan. Nagdala ako ng pasalubong galing ng sagada tulad ng pinangako ko sa kanila.

"good morning po" bati sakin ng guard dun. Nginitian ko yun at bumati.

Dumiretso ako sa admin para humingi muna ng diretso. Habang papunta ako dun ay sobrang kaba ang nararamdaman ko kasi ang tagal bago ko ulet sila na makikita.

"good morning Ms. Lazaro" bati sakin ng head ng ampunan. 

"Good morning Mam, gusto ko sanang dalawin yun kambal" sabi ko dito. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito ganun na din ang lungkot.

"i'm sorry Ms. Lazaro, kinuha na sila dito last tuesday"

"nino po?" umaaasa ako na si Alyssa ang kumaha sa kanila.

"their foster parents" malungkot na sagot nito.

"pede ko bang malaman kung sino sila?"

"sorry Ms. Lazaro, confidential po kasi yun."

"kahit surname lang po"

Umiling ito. Laglag ang balikat ko sa nalaman ko.

"but i can assure you na nasa mabuti silang pangangalaga and beside may sinabi din sa lipunan ang nagampon sa kanila."

"nagaaply po pa si Ms. Valdez dito for their adoption?" 

"yes, pero hindi sya pinanigan ng court dahil single sya."

dahil lang dun? pero kayang buhayin ni Alyssa ang dalawa na yun kahit hindi sya magasawa o magtrabaho.

"i'm so sorry Ms. Lazaro" tumango lang ako dito at nagpaalam na. Pagdating ko ng kotse ko ay agad akong sumobsob sa manibela.

Napatingin ako sa folder na nasa passenger seat ko. Adoption papers yun ng kambal. Hindi ko lang sya naasikaso dahil umalis ako.

May tumulong luha sa mga mata ko.  Nagdrive ako papunta ng Dennise. Baka dun gumaan ang loob ko.

Pagpasok ko dun ay agad akong nakakuha ng atensyon. Kahit papano may nakakakilala pa din sakin.

"Den?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, paakyat kasi ako ng 2ndfloor.

"Rachel" mabilis ako bumaba ulet tapos niyakap sya. Namiss ko ang maganda na to.

"Den, ikaw nga, kelan ka pa bumalik?" sabi ni habang yakap namin ang isat isa. Nakarinig na kami ng bulong bulungan kaya hinila nya ko paakyat ng 2ndfloor. Hindi pa bukas yun kasi konti pa lang naman ang tao. "kelan ka pa bumalik? nagkausap ba kayo ni Alyssa? alam nya bang nandito kana?"

If Only They Know (AlyDen)Where stories live. Discover now