Chapter 47

14.4K 314 10
                                    

Aly's POV

"AACCHHOOO!! " napatingin kaming lahat sa nasa likuran namin.

"yuck, kimmy, may tumutulo o" biro ni Vic kay kim na kanina pa bahing ng bahing. Natawa naman kami ng punasan naman yun ni Kim kahit wala naman talaga.

"shit! ang lamig!" sabi nito tapos hinimas himas ang braso. Nandito na kami sa baguio. Wala akong nagawa ng sumakay sila sa private jet ng kuya ko para sumama. Nauna na din pala ang mga bagahe ng mga ito.

"that's your fault, alam mong dito tayo pupunta pero nakashorts at shirt ka lang." sisi dito ni Mela. Lahat kasi kami ay nakapants at sweater. Ito lang ang tanging nakatshirt at short.

"malay ko bang ganitong kalamig dito. Hello December pa lang o, January madalas malamig dito" sagot nito pero bumahing ulet. Naawa na siguro si Mela at hinubad nito ang scarf na nasa leeg nya at pinulupot sa leeg ng fiance. Kilig naman yun isa.

"tara na, naghihintay na yun sundo natin." sabi ko sa kanila. Sa villa namin dito sa baguio kami tutuloy.

Nagprisinta din sina Vic na dun na lang sila sa kanila pero sabi ni Mika na dapat magkakasama nalang kami. Bukod samin ay susunod daw ang ALE. Gusto din nilang magbakasyon. Dun sila sa kabilang villa para kasya kami. Nauna lang kami ng dalawang araw sa kanila.

"so what's your plan?" tanong sakin ni Vic ng makarating kami sa villa.

"wala"

"ano, pupunta ka lang dun na hindi handa?" singit ni Marge. Si jirah sasabay nalang daw sa ALE.

"yup" sabi ko dito. Naayos na ni Lolo ang lahat. Nabawi na din yun balitang ikakasal kami ni Jovee.

"pano kung meron na syang iba Ly?" tanong naman ni Kimmy. Pinapasok na nila ang mga gamit nila. Napaisip din ako sa sinabi nito.

"malabo" confident na sabi ko dito.

"anong malabo. What if Baldo, meron na talagang syang iba? at nalate ka na naman"

"wala kaming formal na break up, pano mangyayari yun?"

"anong wala, ikaw na mismo ang nagkwento samin" giit ni Mika. Naalala ko yun time na nagbreak na lang kami basta.

"hey" tawag ko dito. Nagaalangan pa ko kung tatawagin ko sya.

 "hey" nakangiting sagot nito sakin. Pero alam kong pilit lang yun.

 "are you okay?" tanong ko dito. This past few days lagi na lang syang tulala at wala akong idea kung bakit.

 "yeah, a little bit tired lang" sagot nito. Umupo kami sa upuan na nandun. "what are you doing here?"

If Only They Know (AlyDen)Where stories live. Discover now