Chapter 31

24.1K 364 15
                                    

Aly's POV

Nakasetup na ang projector at ang laptop na gagamitin namin, naghihintay na lang kami ng oras saka ng tapos ng rounds ng mga nurses para walang istorbo. Nakausap na din namin ang management at okay lang daw yun. Nagtanong din kami ng pedeng kainin ng mga bata at pede naman daw kahit ano, kaya naman nagpadeliver na lang kami. Nagmistulang children's party ang hapon na yun.

"everything's settled na" sabi sakin ni Mela. Tumango naman ako dito. Inaaliw naman nila Kim ang mga bata habang naghihintay ng oras. "mahal na mahal mo talaga"

Napatingin ako dito pero nakangiti lang sya.

"kapag ikaw binasted pa nya, ewan ko na lang" dagdag pa nito. 

"na sayo na ang lahat, maganda, matalino, mayaman, mabait, mapagmahal, martir,masokista.." madami pa tong dinagdag kaya naman natatawa na ko.

'tama na, baka isipin ko pa nyan, may gusto ka sakin" biro ko dito.

"siguro, kung hindi ko lang unang nakilala si Kimmy, baka nga ikaw" nakangiting sabi nito. Nawala ang ngiti ko sa labi. Seryoso ba sya? " buti na lang nauna sya, kundi walang magmamahal ng ganito kay Dennise"

Tinapik nya ang balikat ko bago lumapit sa mga barkada namin. Kahit kelan talaga hindi ko maintindihan ang mood ng tigre na to. She's always there kapag kailangan namin sya at nagpapasalamat kami dun. Hindi lang si Kimmy ang mahal nya kundi lahat kami, mas matimbang lang yun kay Kim.

"konting tingin pa, iisipin ko na may gusto ka kay mela dati pa" sabi ng nasa tabi ko. Bigla bigla na lang talaga tong sumusulpot.

"nah!, ang swerte lang natin sa kanya" nakangiting sabi ko dito.

"oo nga e, baliw lang si Kim," segunda nito. "ewan ko ba kung bakit hindi pa nagpopropose ang babae na yun"

Napatingin ako dito. Oo nga no, mas nauna pa sila ni Bang na naengaged.

"siguro may reason pa" sabi ko dito.

"kung ano man yun reason na yun, sobra na, sobra ng naghihintay si Fo" seryosong sabi ni Vic. "kapag yun nagsawa, makikita nya ang hinahanap nya."

"okay, may hindi pa ko alam?" takang tanong ko dito.

"for 7 years na wala ka dito, madaming nangyari" sagot nito. 

"care to share?" 

"sa kanila mo ipakwento" sagot nito at umalis na din. Magsisimula na kasi.

Sa likod ako pumuwesto, kahit isa ko sa nagproduce ng movie na to ay hindi ko pa napapanuod ng buo. Yun mga barkada ko nasa harap at may mga katabi na kanya kanyang bata.

"bakit hindi ka tumabi sa kanila?" napatingin ako sa nagsalita, yun mama pala ni Dennise.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon