Chapter 14

27.3K 414 31
                                    

Denden's POV

Mabilis lumipas ang 3 weeks, 2 weeks akong nagstay sa Cebu habang sila ella ay 1 week lang. Nun bumalik ako ng manila ay inasikaso ko naman ang iba ko pang project kasabay ng movie.

Nakausap ko naman si AL bago ito pumunta sa U.S para asikasuhin ang negosyo nya dun.

Papunta naman kami ng subic ngayon dun kasi gagawin yun unang scene.

"ate cris, gisingin mo na lang ako pagdating natin dun" sabi ko dito. Binaba ko na ang book na hawak ko.

"sige, nasa Pampanga pa lang naman tayo e" sagot nito.

Pumikit na ko para ipahinga ang mata ko. Kahit nagsasalamin na ko kapag wala akong contact lens, sumasakit pa din ang ulo ko.

Maya maya ay nakaramdam na ko ng pagtapik sa braso ko. Ginigising na pala ako. Sinuot ko agad ang salamin ko at bumababa ng van. Napatingin ako sa palibot ng resort. Resort nila Alyssa ito. Natatandaan ko pa ito kasi dito nagtapat sakin si Alyssa at nagpropose si AL.

"bilib talaga ako sa dennise, walang tatalo sa pagiging early bird mo" nakangiting sabi sakin ng direktor namin. Nauna ang production team dito para ayusin na ang dapat ayusin. Mamayang hapon pa kami magiistart.

"bola ka na naman direk" nagbeso ako dito. "what's for breakfast?"

Naabutan ko kasi itong kumakaen ng breakfast kasama ang mga staff.

"the usual breakfast" sagot nito. Umupo ako sa tabi nito. Madaling araw pa kas kami umalis sa manila kaya hindi pa ko nagaalmusal.

"kumpleto na ba tayo direk?" tanong ko dito.

"hindi pa, malalate daw si Ms. Valdez kasi sa airport sya maggagaling papunta dito." sagot nito. Tumango tango naman ako.

Pagkatapos kong kumaen ay dumiretso na ko sa room na nakaassign sakin. Isang cottage yun na malapit sa dagat. Yun ang pinili ko para makalayo ako sa ingay at may privacy din.

Humiga muna ako sa kama. Sumasakit na naman kasi ang ulo dahil sa init. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa pinto kaya agad kong binuksan iyon.

"den, magbihis kana, magsstart na tayo" bungad agad sakin ng Manager ko. Pinasok nya lahat ng gamit na dala nya sa cottage ko at kasama na dun ang makeup artist ko.

 Pagtapos akong ayusan ay nagbihis na ko. Two piece swimsuit na pinatungan ng longsleeves na puti. 

"ang ganda mo talaga Dennise" sabi ng stylist ko. "kahit anong ipasuot ko sayo bagay!"

Napangiti naman ako dito. 

Lumabas na din ako ng kwarto. Magiistart na daw kami. Nagpunta na ko sa set. Pagdating ko dun ay naabutan ko silang nagkukwentuhan.

If Only They Know (AlyDen)Där berättelser lever. Upptäck nu