Chapter 7

28.4K 440 15
                                    

ang bango naman ng yakap ko.

Pagmulat ko ay mukha ni denden ang nakita ko. Bigla akong napaurong kaya nahulog ako sa kama.

"aray!" sigaw ko. Dahan dahan akong tumayo. Humawak ako sa kama para kumuha ng lakas, sakit talaga ng pagkakabagsak ko. Pag angat ko ay sakto naman bumangon si Den at tumingin sakin. 

Biglang nagslow mo ang paligid. Hindi ko alam pero ang ganda nya talaga kahit bagong gising. Nagkatitigan kami. 

"wha--t are yo-u d-oing here?" nauutal na sabi ko dito. Dumiretso na ko ng tayo. Saka ko napansin na parang iba ata ang pagkakaayos ng kwarto ko. Biglang nanlaki ang mata ko at narealize ko kung nasaan ako. Lumingon ulet ako kay den na nakaupo sa kama at naguunat ng katawan.

"nasa kwarto kita" sabi nito at tumayo na mula sa kama. Lumapit sya sakin. Tinapat nya ang mukha nya sa mukha ko. Dahil mas maliit sya sakin ay medyo nakayuko ako. "kung makikitulog ka, sabihin mo ng mas maaga ha!" 

Umalis na ito sa harap ko at nagpunta ng banyo. Lumabas naman ako ng unit nya. Pagkalabas ko ay hinawakan ko agad ang dibdib ko. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko. 

"damn! ano ba tong nararamdaman ko?" Nagpasya na kong umalis. Dumiretso ako sa dorm at kahit late na sa training ay pumunta pa din ako. Nagpunishment na lang ako.

Pagkatapos namin magtraining ay naiwan kami nila ate dzi,ate gretch,marge at sharlene para magligpit ng gamit.

"guys balita ko magkiquit na daw si Dennise sa team" sabi ni ate dzi. Bigla ko naman nabitawan ang tubig na hawak ko.

"are you okay Aly?" tanong sakin ni Sharlene. 

"ah,yeah. nagulat lang ako sa narinig ko" sabi ko dito. Nilapag ko na ang gamit ko. 

"hindi pa ba nya sinasabi sayo?" tanong ni Marge.

Umiling ako dito tapos ngumiti. Pumasok na ko sa shower room. 

bakit ganito ang nararamdaman ko?

"bakit daw dzi?" tanong ni ate gretch.

"ang sabi ni coach may gagawin daw na film si Dennise and i think hindi kakayanin ng schedule nya kaya mas pinarioritize nya ang study at acting." sagot ni Dzi. Naririnig ko pa silang naguusap habang nasa shower ako.

Maghapon akong lutang dahil sa nalaman ko. Pumasok na din pala si Den. Paguwi ko ng dorm ay nandun na silang lahat.

"ah, aly may sasabihin daw si Den" sabi ni ate A. Paakyat na kasi ako ng hagdan nun.

"ah,sige, ano ba yun?" sagot ko. Tumingin ako kay dennise. Nakatingin ito sakin na may lungkot ang mga mata. Parang alam ko na ang sasabihin nya.

If Only They Know (AlyDen)Where stories live. Discover now