Chapter 30

24.8K 356 7
                                    

Aly's POV

Sinundo namin ni Den sa airport sila Vic. Kasama na din nila ang mama at kapatid ng dalaga.

"Ma!" tumakbo agad si Den papunta sa mama nito at niyakap. May niyakap din ito isa pang babae, siguro ay kapatid nya.

"hey" bati ko sa mga kaibigan ko. Sina bang,Mela, shar at Jirah, humalik sakin habang yun apat naman, bro fist. "how's the flight?"

"it sucks!" sagot ni Kim. 

"pano kasi madaling araw na kami natulog kaya wala kami halos tulog" sabi naman ni Mela.

"yan kasi! movie marathon pa kaya?" biro ko sa kanila. "tara, sa resort muna kayo dumiretso para maiwan natin yun gamit nyo"

Van ng resort ang dala namin at ako ang driver. Ang katabi ko ngayon sa harapan ay si Kim.

"hindi ka man lang bumati sa mama ni Dennise" napatingin ako sa rear view mirror ko. Saktong nakatingin pala yun mama nya kaya agad akong nagbawi ng tingin.

"sa resort na lang" sagot ko dito. Napailing naman ito. Alam nitong kinakabahan ako kaya ganun.

May naayos na cottages sa resort para sa kanila. Lumipat naman ako ng kwarto para naman makasama ni Den ang pamilya nya. 

"dun na lang kaya tayo sa family villa para sama sama tayo" suhesyon ni Kim. Pede din malaki din naman yun.

Pinaayos ko yun para magamit namin. Malapit lang naman yun sa cottage nila Den kaya okay lang. Yun mga barkada ko ngayon ang kasama ko.

May nilabas akong papel sa bulsa ko at nilagay ko sa drawer ng mesa sa tabi ng kama ko.

"may nakita na din akong ganyan" sabi ni marge sakin. Nakatingin pala ito dun sa papel. "oo, dun sa condo ni Den dati"

Ngumiti lang ako dito.

"ikaw din gumawa nun?"

"yup, nun natutulog din sya" sagot ko dito. "kaso nakalimutan ko kung saan ko nailagay yun, pano mo nakita?"

" nun dumalaw ulet kami nun may sakit sya, nakita ko dun sa bulletin board nya kasama nun mga sticky notes nya"

Hindi ko napansin yun bulletin board na yun a

"wala naman syang bulletin board sa kwarto nya e" sabi ko dito.

"Meron, kaso wala ka na nun dito" singit ni Shar. "at nakita ko yun ganyan din sa bahay nya, nakaframe naman"

"baka parehas din tayo ng nakita, pinaframe nya lang"

If Only They Know (AlyDen)Where stories live. Discover now