Chapter 9

1.2K 48 17
                                    

Chapter 9


After a long screeching noise Kuya Sandro made, he suddenly went still, as if nothing happened.

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at inalis ang pagkakahawak sa ulo niya. Tumingin siya sa paligid as if naninibago siya sa lugar. Wari ay siya'y naliligaw at hindi nabibilang sa lugar na ito.

Nagtatakang tinitigan ko siya. Hindi ako makalapit sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi pa siya handang kumausap ng kahit na sino.

Nakatayo lang ako sa di kalayuan sa kanyang pwesto, handa na siyang saklolohan, nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. I tried to smile at him but all I got was a blank stare. Walang laman. Tagusan. Lampasang titig. Kumunot ang noo niya at ipinilig ang ulo. Matapos 'yon ay nginitian na niya ako at lumapit sa pwesto ko.

Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Napapikit ako sa lamig ng nararamdaman ko. Tumatagos kasi ang lamig dito sa gitna ng hallway ng hotel. Kailangan na talaga naming pumasok sa loob ng kwarto namin upang mainitan naman ako kahit papaano.

"Anong nangyari Bubs?" walang kaide-ideyang tanong sa akin ni Kuya Sandro.

Napalayo ako sa kanya at buong pagtatakang tinanong siya.

"Seryoso?"

I got another blank stare from him. Is he really serious? Matapos ang kagimbal gimbal na pagsigaw niya kani-kanina lang, itatanong niya sa akin ngayon kung anong nangyari? Nang-p-powertrip ba ang isang 'to?

Alalang alala ako sa kalagayan niya at baka kung ano na ang nangyari sa kanya tapos tatanungin niya ako ng ganito? Is he crazy or what?

Umiling ako sa kanya at naglakad na patungo sa kwarto. Nang nasa tapat na ako niyon ay bumulong pa ako sa sarili ko.

"Unbelievable," I muttered to myself.

Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko ngunit hindi ko siya pinansin. Pinihit ko na ang seradura at dire-diretsong pumasok sa loob. Agad akong humiga sa kama, arms wide spread. Nakita kong tumayo sa gilid niyon si Kuya Sandro. Sinalubong ko lang ang titig niya nang nakataas ang mga kilay. Hinihintay ko kung anong sasabihin niya.

"Leslie Ann Nathalie, tinatanong kita kung anong nangyari, hindi ko sinabing irapan mo ako," seryosong sambit niya sa matigas na tinig. Oh shit! Seryoso talaga siya! I thought he was really fooling around.

Umupo ako sa kama nang hindi tinatanggal ang titig sa kanya. Sinusuri ko kung talagang seryoso siyang wala siyang maalala o talagang gumagaling lang siya sa pag-arte niya. Wala akong makitang senyales na niloloko niya lang ako kaya bumuntong hininga na lang ako at sinagot siya.

"Nothing," matabang na sagot ko. "You just screamed the hell out. I thought your lungs were going to eat you alive." Pagtatapos ko sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Ayokong makita niyang sobrang nag-aalala ako sa nangyari sa kanya kasi baka niloloko niya lang ako.

Bumaling ako sa kanya pagkatapos. "You scared the shit out of me, Kuya Sandro," dagdag ko pa. Napatigil ako sa pagsasalita ko nang makita ko ang hitsura niya.

He suddenly turned pale while looking at me wide-eyed. Bigla rin siyang pinagpawisan. Kita ko na 'yong isang butil ng pawis na nagbabadyang tumulo sa gilid ng mukha niya. When our gaze locked, he darted his gaze away and muttered something to himself. Hindi ko nga lang 'yon nakuha dahil sobrang hina.

"Not again."

"Pardon, Kuya Sandro?"

Imbes na sagutin niya ako ay naging aligaga siya at tumungo sa backpack niya. May hinahanap siya roon at sinilip ko siya. Bigla siyang napasabunot sa buhok niya nang hindi makita ang hinahanap.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon