Chapter 29

1.3K 42 13
                                    

I'll say the BIG announcement tomorrow, I guess. Kapag naisulat ko ang last chapter bukas. But I'll say my thanks tonight kasi hindi ninyo binibitawan ang kwento ni Sandro kahit kung minsan ay paulit ulit na lang ang nangyayari. You just don't know how much you motivate me to continue writing. Siyempre, hindi naman ako tumitigil magsulat pero mas ginaganahan ako kapag may naririnig ako mula sa inyo. Kaya siguro napapansin ninyo, mas madalas na akong nag-a-update ngayon hahah.

Osige na, may thank you note pa rin naman ako after chapter 30, eh. Babush na muna! Happy reading! Hahahah

ps, song for this part is Distance by Christina Perri.

**

Mahigit isang buwan na matapos mangyari ang lahat ng gabing iyon. Ang gabi kung saan sumabog na ako. Ang gabi kung kailan pinakawalan ko na si Kuya Sandro.

Ang hirap, eh. Suicide na ang nangyayari sa akin. Dati, mas nangingibabaw pa ang kaligayahan ko kapag kasama ko si Kuya Sandro kaysa sa sakit na nararamdaman ko. Pero ngayon, bumaliktad na. Naghihirap na hindi lang ang puso ko, kundi pati ang buong pagkatao ko. Imbes na lumundag ang puso ko sa tuwing masisilayan ko ang mukha niya, para iyong pinipilipit sa sakit ngayon. Loving him is suicide. I don't wanna be like a dead living person. That's why I finally cut the last thread and disentangled him from me. Mas mabuti na iyong masaktan ako ngayon dahil sa paghihiwalay namin kaysa habambuhay kong maramdaman ang sakit dahil lang sa pagsasama namin. Lilipas din kasi iyon, eh. Kukupas din. Mawawala rin ang lahat.

Pero bakit ganoon? Bakit kung kailan handa na akong pakawalan ang lahat, tsaka naman siya babalik sa akin? Ako ba'y pinaglalaruan lang ni Kuya Sandro? Mahal lang niya ako kapag bumitaw na ako. Pero kapag nasa tabi lang niya ako, binabalewala niya ako. Pakiramdam ko talaga ay wala akong kwenta. Bumababa ang worth ko bilang isang babae at bilang isang tao dahil kay Kuya Sandro.

Nalulungkot ako. Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Kaunti na lang talaga at bibigay na ako. Halos mabaliw na ako. Kaunti na lang at mawawala na ako sa katinuan ko.

Nang gabing iyon, ibinuhos ko ang lahat ng galit, poot, at sakit na nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa ni Kuya Sandro. I confronted him with everything. Ang nakakainis at nakadagdag sa galit ko ay iyong hindi man lang siya umimik. Para siyang walang pakialam. Parang hindi siya nakakasakit sa akin. Parang wala lang ang lahat. Masakit na, nakakainsulto pa. Nagbago na talaga siya. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang Kuya Sandrong minahal at minamahal ko. He's a stranger to me.

But then he confessed. He confessed why he does everything to me. He does it on purpose daw. Gusto niya talagang magalit ako sa kanya. Hindi ba niya alam na mahirap magalit sa taong mahal na mahal mo? Iyong tipong kahit gaano ka pa niya niloloko at ginagago, hindi ka basta basta magagalit. Mas mangingibabaw ang sakit. Iyon, iyon ang nangyari sa akin. Kahit na minsan, hiniling kong sana ay nagalit na lang ako sa kanya, hindi ko pa rin nagawa. Hindi ko kaya, eh. Nanghihina ako kapag si Kuya Sandro ang pinag-uusapan.

Ang akala ko, tuluyan ng mapuputol ang relasyon namin ng gabing iyon. I thought wrong. Hindi ko alam na iba ang magiging takbo ng usapan namin. Hindi ko alam na hahantong ang lahat sa love making.

Yep, we made love. Pero naisip ko, ganoon nga ba talaga ang tawag doon? Ako, mahal ko pa rin siya after what he did to me. Pero siya ba? Oo, sinabi niyang mahal niya ako. Na kaya lang niya ginawa ang mga bagay na iyon ay dahil akala niya ay iyon ang nararapat. That I don't deserve him daw. I deserve better. Pero hanggang kailan ko ba dapat ipaalala sa kanyang I don't want someone better. I only want him. I've already committed myself to him. Kailan ba iyon titimo sa isip niya? Kailan ba niya malalamang sapat na siya para sa akin? Kailan ba niya maiintindihang malalim ang pinanggagalingan ng pagmamahal ko sa kanya? Kailan?

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon