His forehead knotted.

"You may leave," he declared.

I cleared my throat. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para magtanong. The thought of asking him was making my knees jelly. Shit.

"D-dapat ba binigay ko?" I recalled.

My question stopped him from typing. Behind his specs, from the screen of his laptop, he shifted his eyes to meet my gaze. I suddenly forgot my purpose in life once again because of his fucking eyes. Pakiramdam ko ay nalunod muli ako sa isang panibagong dimensyon sa pamamagitan ng kaniyang mga mata.

He pursed his lips. His brows were furrowed a bit, and his forehead was slightly creased.

Tumagilid ang kaniyang ulo.

"Ikaw bahala."

Sapu-sapo ang sariling dibdib nang mapasandal ako sa pintuan ng study room. I had felt suffocated the moment I stepped inside. Ngayong nasa labas na ako ay nakakahinga na ako nang maluwag.

I could feel my heart racing against the odds of horses.

Bumaba ako na parang wala sa sarili ko. Muli kong nakasalubong si Angelita. She was smiling dreamily. Tumatalon talon pa na parang may nangyaring maganda sa kaniya.

"Okay ka lang?" I asked her.

She stopped walking. Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. "Ang saya mabuhay, bakla. Shalala~"

Hindi ko mapigilang matawa. "Anong meron, Ange?"

Tinuro niya ang pisngi niya. Napansin kong parang may pulang pantal doon. Agad nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto.

"Nilagyan ako ng love mark ni ser Aiden, hehe."

Laglag ang panga ko. That guy was really out of this world. Iyon ang uri ng lalaki na dapat iniiwasan.

"At alam mo ba! May nasagap ako!"

"Ano?"

She crossed her arms against her chest. Sumimangot pa siya. "Nagalit daw si ser Nazareth sa kanila kaya pinaalis na."

That caught my attention.

"W-what? Bakit daw?"

"Ewan ko, eh. Nainis daw kay ser Aiden," aniya. "Galit na galit daw, eh."

I didn't speak. Well, I couldn't.

"Ligo lang ako 'te, init!"

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Naisipin kong mag-jogging para naman may magawa ako. After that, naglinis muli ako ng katawan. Gising na si Kye pagbalik ko.

"Ate, I'm hungry..."

Mabuti na lang talaga at hindi na dumedede pa si Kye. He was already five years old kaya naman mabuti iyon. Mahihirapan lang ako kung sakali. Kaya naman ay pumuslit ako sa kitchen para lutuan siya ng pancake. Mabuti na lang at wala pa si Manang Lolita.

Bitbit ang pancake, naglakad na ako papunta sa kwarto namin ni Kye. I stopped walking when I saw Nazareth going downstairs. He was wearing a simple white shirt and a gray sweat pants. Naka-itim din siyang rubber shoes na may tatak ng signature brand.

Nagtama ang mga mata naming dalawa. His cold eyes went down to my pancakes.

Naging aligaga ako dahil do'n. Hindi ko alam ang sasabihin. Dahan-dahan kong binaba ang bitbit na plato at tinago sa likuran ko. Yumuko ako.

"G-good morning," bati ko. "F-for my cat..."

Sorry, Kye! Sorry cat!

Hindi niya naman ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papuntang doubled door. Sa tingin ko ay magjo-jogging din siya. Pinuntahan ko na lamang si Kye sa kwarto bitbit ang kahihiyan. He might think that I was abusing my job as his maid by sneaking foods!

Under His HoodieDär berättelser lever. Upptäck nu