Nguya-nguya.

"Ako na nag-open ng usapin. Ayun, she finally had the courage to tell the truth."

Humigop ulit ako ng milktea habang nakatingin sa kaniya. Napapalingon pa siya sakin habang nginunguya ko ang pearl ng mabagal.

"Tinanggap ko nalang. Ganun din naman ako sa kaniya." Sabi niya at unti-unting tumitig sakin.

Matagal bago ko napansin. Matagal bago pumasok sa isip ko. Matagal bago naging malinaw.

Natahimik ako sa sinabi niya. Muntik ko pang malunok ng diretso yung pearl. Tuluyan ng hindi naalis ang mga mata ko sa kaniya. Halos manlaki pa ang mga mata ko ng maisip ng maayos ang mga sinabi niya.

Ganun din naman ako sa kaniya?

"P-pati ikaw?"

Hindi na rin niya naalis ang tingin niya sakin. Kitang-kita ko ang pagbukas ng bibig niya at pagsara ulit non. Pati ang pagtaas at baba ng adams apple niya napansin ko.

"J-jay..."

"Pati ikaw nagka-gusto na din..." Napabuntong hininga ako ng malalim. "Nagka-gusto ka din sa iba?! Tanginang feelings yan! Bakit ganyan?!"

Kita ko ang pag-ginhawa ng reaksyon niya. Para siyang biglang nabunutan ng tinik. Mahina pa siyang napabuga ng hangin.

Bakit ganon ang reaksyon niya?

"Pati nga ikaw?" Tanong ko pa ulit.

Tumango siya. "At least pareho kami di ba?"

Napatango ako. May punto siya don. Walang nagkasakitan at walang sisihan. Pareho nilang mapapalaya ang isa't-isa. May panghihinayang pero at least maayos nilang natapos ang lahat.

"At pareho din kaming hindi magugustuhan ng mga gusto namin."

Taka ko siyang tinignan. "Bakit naman? Eh si David ka, tinalo mo si Gulayat."

Natawa naman siya habang napapailing. "Wala eh. May tama na sa iba yung nagustuhan ko."

Seket nemen.

"Nakakalungkot. Gusto mo tugtugan kita gamit ang pinakamaliit na violin sa mundo." Sabi ko at tinaas ang dalawang daliri ko bago pagkiskisin yon at gumawa naman ako ng pekeng tunog.

Salamat kay Mr. Crabs.

Malakas siyang natawa. "Salamat sa libreng music."

Napangiti naman ako. At least, napagaan ko ang pakiramdam niya. Hindi nga siya nasaktan sa break up nila, nasaktan naman siya sa taong nagustuhan niya.

"Paano yung nagustuhan ng girlfriend— ex mo pala? Kilala mo?" Tanong ko bago humigop ng milktea.

Tumango siya. "May tama sa sarili. Si Percy."

Anak nang...

Bigla ko nalunok ng buo yung pearl. Kanda ubo ako dahil don at agad naman siyang umalalay.

"Shit." Sabi niya at binuksan ang boteng hawak para ipainom sakin ang tubig.

Tinanggap ko naman ang bote at mabilis na uminom. Wala na kong paki kahit ininuman na niya ang bote.

Habol ko ang hininga ko matapos makainom. Tinignan niya ko ng may pag-aalala. Nakakabigla naman kasi. Magj-joke nalang yung alanganin pa.

At si Percy pa talaga.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now