Dahil dito ay kaagad na napatingin si Sachi sa akin. "Kuya Piero" gulat na tawag niya sa akin.

Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita ng malinaw ang aking mukha. Kita ko ang kanyang pagkabato, pero ng makabawi ay kaagad siyang tumakbo papalapit sa akin.

"Ano pong nangyari diyan?" Nagaalalang tanong niya sa akin habang titig na titig sa aking mukha.

Hindi ko na siya nasagot pa ng kaagad na lumapit si Dad sa amin. "Sumakay ka na, pupunta tayo sa hospital" maawtoridad na utos ni Dad sa akin.

"No need dad..." pagtanggi ko pa sana.

"Now Piero" matigas na sabi pa niya sa akin at hindi na hinintay pang makapagsalita ako.

Bayolente na lamang akong napabuntong hininga. Bahagyang gumaan ang dibdib ko ng maramdaman ko ang paghawak ni Sachi sa aking braso para hilahin ako.

"Tara na po kuya, umuwi ka muna sa atin please..." pakiusap pa niya sa akin. Titig na titig siya sa akin gamit ang kanyang malamlam na mga mata.

Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya pasakay sa aming sasakyan. Tinabihan ako ni Sachi sa may backseat. Pagkaupo na pagkaupo ay kaagad akong napasandal at napapikit.

"Anong nangyari sa kuya mo Sachi?" Rinig kong tanong ni Dad.

"Ayos naman po siya kanina Dad, hindi ko po napansin yung mga sugat niya kasi naka suot siya ng mask at medyo madilim sa loob kanina. Hindi naman po sinabi ni Kuya na may sugat siya" medyo paos na sagot niya kay Dad.

Ang malalim na paghugot ng hininga ni Dad na lamang ang narinig ko pagkatapos nuon. Dumiretso kami sa hospital para ipagamot ang mga sugat ko. Nagawa ko ding makatulog sa emergency room habang ginagamot ako. Madaling araw ba kami nakauwi sa bahay dahil duon.

Bukas pa ang ilaw sa loob ng aming bahay. Naunang bumaba si Dad at si Sachi, nagawa pa ako nitong alalayan na tila mo ay pilay ako at hindi makalakad.

"Kaya kong maglakad" nakangising sabi ko sa kanya pero napakanguso lamang siya. Hindi siya nagpapigil dahil siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kanyang balikat para akayin ako.

Hinayaan ko na lamang siyang gawin iyon. Napangisi na lamang ako habang nakatingin kay Sachi na hirap din sa ginagawa. Eh mas kaya ko pa nga siyang buhatin ngayon kahit ganito ang kalagayan ko.

Natigil kami pareho ni Sachi ng humahangos na lumapit si Mommy sa amin. Kaagad itong yumakap sa akin.

"Piero anak, ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na tanong niya sa akin.

Madaling araw na, dapat sana ay tulog na ito. Pero heto at umiiyak pa siya ngayon sa aking harapan dahil sa aking itsura. Ingat na ingat niyang hinawakan ang aking mukha.

"Sinong gumawa sayo niyan?" Tanong pa niya sa akin.

Niyakap ko si Mommy at hinalikan ito sa kanyang ulo. "Ayos lang po ako mommy" paninigurado ko sa kanya. Napailing iling ito.

"Hindi yan ayos Piero, saan ka ba nagsususuot na na bata ka" umiiyak pa ding tanong niya sa akin. Kahit gustuhin man niya akong pagalitan na parang bata ay hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang kanyang pagaalala sa akin.

"Napaaway lang po ma" pagsisinungaling ko sa kanya sabay tingin kay Sachi na tutok ba tutok din sa amin.

Imbes na tanungin pa ako ni mommy ng kung ano ano ay kaagad na niya akong inakay papasok sa bahay. Sinubukan pa niya akong alukin ng pagkain pero sinabi ko sa kanya na mas gusto ko na lamang magpahinga.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now