Death 🔸 21

16.2K 1K 129
                                    

Raven's POV

AGAD kong inireport ang insidente sa HQ, kaya nagpadala na sila ng mga pulis doon para kunin ang mga bangkay.

Alam na ng HQ na ako ang maykagagawan nun. Pero wala naman kasong isasampa, dahil na sa blacklist din ang mga namatay. Mga wanted criminals sila, dahil sa kasong rape at robbery.

Mabilis akong umuwi sa Eriondel. Dumerecho na ako sa condo ni Vander dahil marami pa akong aasikasuhin. Now that it's confirmed that Martin Delacroix is the one behind the threats, paano ko ito sasabihin kay Vander ng hindi siya masasaktan? Harriette is his girlfriend and even she doesn't have anything to do with it, she's already in it.

Mabilis na binuksan ko ang laptop ko at nilagay ko ang isang flash drive at mabilis ko na sinave ang mga laman nun sa laptop at gumawa din ako ng sampung kopya sa iba't-ibang flash drive.

The data inside these flash drives are the actual footage of the incident earlier in Patruna County. Napangiti ako. They were able to kill the only witness, but they are not as smart as me. Napahawak ako sa kuwintas ko, dahil ang kuwintas na suot suot ko ay may isang micro camera na kayang magrecord hanggang five hours footage. Portable ito at ang recording ay derechong nasesave sa flash drive na kapartner ng camera.

I already activated the camera noon paglabas ko ng sasakyan para magtungo ako sa address ni Patrice Samson. Alam ko na pugad ito ng mga kriminal, kaya mas naging maingat ako at naging segurista.

I have now the full footage on how, Patrice admitted that it was Mr. Delacroix who paid her for Vander's threats. How she got killed, and how the men tried to kill me. It's an evidence that will surely end the reign of Martin Delacroix.

"Mr. Delacroix, checkmate." Nakangising saad ko at isinarado ko na ang laptop ko.

Alam ko na kung malalaman man ni Mr. Delacroix ang nangyari sa mga tauhan niya, iisipin lang niya na may yumari sa mga ito dahil nasa Patruna County sila. Crime is inevitable. Maliban na lang, kung may ibang mangyayari.

Bigla naman nag ring ang door bell kaya napatingin ako sa pintuan. Agad na tumayo ako at mabilisan ko na iniligpit ang laptop ko at ipinasok ko iyon sa kuwarto at ang mga flashdrive ay inilagay ko sa magkaibang lugar dito sa loob ng condo unit.

Hindi ko na nagawa pang magbihis, kaya nakaitim pa rin ako. Hindi naman ako pagdududahan siguro nito. Kaya lumapit na ako sa pintuan at tumingin ako sa peep hole. Nakita ko ang naiinip na mukha ni Harriette at napapatingin pa ito sa magkabilang dereksyon na tila natatakot na baka makita siya.

Nagdadalawang isip ako kung bubukasan ko ba ang pintuan. Una, wala si Vander dito at alam ko na ang patutungohan nito.

Please, bumukas ka. Yun ang nasa isip ni Harriette ngayon at maliban doon ay wala na siyang iniisip pa.

Hindi ko alam kung may problema ba siya at kung ano ang kailangan niya dito. Oras na bubuksan ko ang pintuan, baka sumalubong na sa akin ang sampal nito. Kaya ihahanda ko na ang sarili kong salagin ang sampal niya.

Bumuntong hininga muna ako bago ko pinihit ang seradura. Blangko ang ekspresyon ko ng binungad ko si Harriette. Ang naiinip na mukha ni Harriette ay nagbago ang eskpresyon. Nakita ko kung paano siyang nagulat nang makita ako.

Her surprised face turned into a scowl. "What are you doing here?!" Agad na singhal niya sa akin. "Vander?!" Agad na sigaw nito at tumingin ito sa likuran ko. "Sinasabi ko na nga ba! Babae ka niya!" Akusa nito sa akin.

"Wag ka ngang mag-iskandalo dito. You're not in your territory to make a scene, Miss Delacroix." Sita ko sa kanya. Kung makasigaw kasi ito, akala mo may ginagawa akong masama.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon