Death 🔸 5

15K 888 118
                                    

Raven's POV

HINDI ako makagalaw at naramdaman ko na lang na tila may kumikiliti sa leeg ko. It was soft and caressing. They feel like butterfly wings stroking my skin. I don't know why am I having this kind of dream, it feels too real.

Mas lalo akong naalarma ng maramdaman ko ang kiliting iyon ay bumaba sa dibdib ko. It feels like it was tracing my skin and if feels warm covered my mounds. Gusto kong gumalaw, pero tila naparalisa ako. Is this what they call sleeping paralysis? How can I even think straight in my own dream?

A/N: Ganito ako lagi. Almost all of my dreams, sasabihin ko sa panaginip ko. Panaginip lang ito at hindi totoo. I am very conscious even I am in my dream state to the point kaya ko ng kontrolin kung ano ang gusto kong mangyari sa panaginip ko. No bluff.

Nakaramdam ako ng haplos sa katawan ko down to my stomach and below...like the butterflies are crawling in every inch of my skin and giving me ticklish feeling. Parang sinasamba nito ang katawan ko sa nakakaliting paraan.

Pero nagulat na lang ako ng maramdaman ko na may dumampi sa labi ko. It feels like someone is kissing me! I want to wake up already! This dream is no longer funny!

Napabalikwas na lamang ako ng bangon. I saw no one in the room. My blanket was on the floor and I am completely naked, sprawled on the bed. Napatingin ako sa oras at alas dos na ng umaga. Ganoon ba ako kalikot matulog? Kaya siguro ganoon ang panaginip ko dahil wala na pala akong kumot.

Nakaramdam ako ng lamig kaya kinuha ko ang kumot na nahulog sa sahig at nagkumot ulit ako. Tumagilid na ako para makatulog ulit. Every night is freaking weird since that incident. Ano ba ang nangyayari? Should I visit a psychiatrist? Baka kasi nababaliw na ako kaya kung anu-ano na ang napapanaginipan ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.

•••

LATE na akong nagising sa unang pagkakataon ay nalate ako ng gising. Sanay na ang katawan ko na nagigising ng mga alas singko ng umaga, pero ngayon ay hindi. Himbing na himbing ako.

Ipinagwalang bahala ko na lang iyon dahil wala naman akong trabaho. Hindi na lang ako magmamatyag kay Papa ngayon. Bibili na lang ako ng damit dahil uuwi na rin ako bukas sa Eriondel. Hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik dito.

Naligo na ako at nagbihis na lang ako ng isang pantalon na hapit at isang manipis na puting long sleeve polo shirt. The fabric is too soft at may ribbon iyon sa harap.

Nagsuklay na lamang ako at hindi naman ako maputlang tingnan. My eyes are still golden topaz na ang akala ng iba ay nakacontact lense ako.

Nagsuot na rin ako ng two inches cat heels at lumabas na ako ng kuwarto. Babalik na lang ako sa Pavillion dahil yun lang ang alam ko na lugar para bilihan ng mga damit.

Pero bago ko pa ginawa iyon ay pumunta muna ako sa isang restaurant na pagmamay-ari naman ng hotel. Meron silang breakfast buffet kaya doon na ako kumain dahil free breakfast naman ang accomodation ko.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na rin ako sa hotel at naglakad ako patungong Pavillion. Hindi gaanong mainit araw, tama lang sa balat kahit alas nuwebe na ng umaga.

Narating ko naman ang Pavillion at maraming tao doon. Ang iba ay dala nila ang mga baby nila na namamasyal. Maraming mga bata, they are about one to two years old. Naghanap na lang ako ng mga shop na pwede kong pagbilhan ng mga damit at pasalubong na rin para kay Kiera at Lux.

Pumasok ako sa Beauty Belle's Boutique dahil maraming magagandang damit doon. Pumili na ako ng mga damit na maaari kong suotin. They are all nice for my taste. Kadalasan ay classic colors such as beige, old rose, cream, nudes. Ganoon ang gusto kong kulay. I don't like wearing red or shocking blue.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon