Death 🔸 17

16.6K 949 116
                                    

Raven's POV

HALOS ibalibag ko na si Vander dahil sa naging tanong niya pero hindi ko magawa. Maraming tao sa elevator at kung gagawin ko iyon ay sigurado akong marami ang madadamay.

"What the hell are you talking about?" Pagmamaang-maangan ko. I gritted my teeth while saying that. Bakit ba niya inuungkat ang mga ito? Hindi ko alam kung ano ang layunin niya para gawin ito.

Ngumisi naman si Vander sa akin. "You know what I am talking about. You still choose your pride?"

"It's not about pride, Sir. It's choice and fate leads people to where they are right now. If you choose to be miserable, then no one can—"

"Then do you choose your pride?" He cut me off.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Maybe, I did chose pride because I was a coward. But right now, do I still have to choose being a coward again?

"I—I choose...what makes me...happy." Naging sagot ko sa kanya ng mahina pero sapat na iyon para marinig niya. That was cryptic and I don't know how will he gonna take it.

"Good answer." Saad ni Vander sa akin at nagulat na lang ako ng biglang hinalikan ako ni Vander!

Nanlaki ang aking mga mata. This time, he is no longer drunk. He's wide awake and knows what he's doing, but still he is kissing me! Ano ang ibig sabihin nito?!

Hindi ko na napansin ang paligid ko. Tutok na tutok ang atensyon ko sa labi niyang hindi naman gumagalaw, pero ramdam na ramdam ko iyon sa mga labi ko.

Mga ilang segundo itong nakalapat hanggang sa dahan dahan siyang lumayo sa akin at tiningnan ako sa mga mata.

"Answer me honestly, Raven. Do you...still...love...me?" His words are deafening and my soul wanted to run and escape my body right now. Why am I in this situation, where I was cornered and nowhere to run?

"W-why are you asking?" Nautal na tanong ko sa kanya. Ayoko sa mga ganitong confrontation, it's losing my cool!

"Because I want to. Now...answer me...be a good honest girl this time, Raven. Do you still have feelings for me?" Pamimilit nito sa akin.

Halos panawan na ako ng ulirat dahil kinakabahan ako sa mga sasabihin ko! Madali lang ang sagot, pero bakit ganito ka hirap sabihin? Oo lang, pero bakit inuunahan ako ng hiya? If feels like this world weights equally to the world.

Bubuka na sana ang bibig ko ng tumunog naman ngayon ang pintuan ng elevator na senyales na nasa basement na kami.

Mabilis na naglabasan ang mga tao kaya naitulak ko si Vander ng mabilis. I almost forgot that we are in the elevator!

Tumunog naman ngayon ang cellphone ni Vander kaya nawala sa akin ang kanyang tingin at hinugot nito ang cellphone sa bulsa kaya nauna na akong lumabas.

Pakiramdam ko ay kagagaling ko lang isalang at ang dami kong paso dahil doon. Ano ba ang nakain niya at naging ganito siya? It feels like, he's the old Vander that I knew or maybe, I am just imagining things.

"Zurich, were coming. Tell them to wait." Rinig kong sagot ni Vander kay Zurich sa kabilang linya. "Prepare all the files from the accounting. I need all finance officer immediately." Utos nito.

Napakunot noo ako dahil hindi tunog kalmado si Vander. Base sa tono niya ay may hindi magandang nangyayari sa kompanya niya.

"Let's go. We need to get to the company immediately. Someone stole one hundred million dollars, from the company's asset." Saad ni Vander sa akin.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon