Obsession 17

4.5K 104 7
                                    

Yvienne

Nagising ako na parang may kakaiba sa tiyan ko,nagmamadali akong pumunta sa banyo at dumuwal sa lababo nito.

Nasapo ko ang tiyan ko ng maramdaman kong magduduwal nanaman ako,ang isa kong kamay ay nahawak sa gilid ng lababo.

Nang medyo kumalma na ang kalamnan ko ay nagmugmug ako at napatingin sa salamin,"ilang araw naring nangyayari to sa akin."

Bumalik ako sa kama at umupo sa gilid nito,tuwing umaga nakakaramdam ako ng pagkahilo na sinasabayan pa ng sakit ng ulo at pagsusuka.

"Yvienne gising kana ba?,"rinig ko ang boses ni mama mula sa labas ng kwarto ko,tinatamad akong tumayo pero wala akong nagawa kundi ang pagbuksan si mama,"bakit ganyan ang itsura mo?."

Hindi ko pa pala nasusuklay ang buhok ko,"kagigising ko lang ma,"tinatamad na ani ko.

"Ayusin mo na yang sarili mo at bumaba kana para kumain,ikaw nalang ang hindi pa kumain."

Pagkaayos ko ng sarili ko,agad akong pumunta sa kusina para kumain,nakasalubong ko si Shawn na may hawak hawak na bote ng tubig,napatakip ako sa ilong ko dahil sa mabahong pabanggo nya,"Shawn."

"Bakit te?,"bumaling sya sa akin nang tawagin ko ang pangalan nya.

"Magpalit ka nga ng pabango mo ang baho ng amoy,"sita ko sa kanya.

"Biglaan naman yata na gusto mong palitan ko ang pabango ko diba ikaw pa nga ang bumili nito para sa akin?,"oo nga no,pinalayas ko nalang sya ng wala akong masabi,bakit napakasensitive ng pang-amoy ko ngayon.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa lamesa at kumuha ng plato,"anak gising kana pala anong gusto mong kainin?."

Tanong ni nay Pasing nang lapitan nya ako,naghanap naman ako ng pwedeng kainin,biglang kuminang yung mata ko nang makakita ako ng hunog na mangga,"nay pwede bang pagbuksan mo ako ng mangga."

Kahit nagtataka ay sinunod nalang ni Nay Pasing ang sinabi ko,"Anak okay kalang ba?."

"Oo naman po bakit?."

"Halos wala ng natirang hinug na mangga,"tinignan ko yung basket,dalawa nalang yung natira.

"Matagal na po akong hindi nakakain ng mangga nay kaya siguro madami akong nakain."

Iniwan ako ni Nay Pasing kaya muli kong binalatan yung isa pang mangga.

"Ang aga aga ganyan ang kinakain mo,"muntik an akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Ate Mae sa kusina.

Sumundo naman na pumasok si Ate Lyn,tinignan nya din ako,"oo nga ang aga aga,yang mangga ang kinakain mo.Kumain ka naman ng gulay."

Tumabi sya kay Ate Mae na kasalukuyang nagtitimpla ng gatas,"heto inumin mo,"iniabot nya yung gatas kaya kinuha ko naman.

"Nasaan pala yung mga boys?,"tanong ko,si Shawn lang yung napansin ko kanina.

"Nasa isang bahay,tulad ng dati,"kapag kumpleto kami sa isang bahay ang tambayan ng boys kasama narin yung mga asawa ni ate Mae at fiancee ni ate Lyn.

"By the way sis,kailan ka ba aalis sa pagiging secretary mo,bakit hindi mo ihandle yung pinatayo mong kompanya?,"maya maya ay tanong ni Ate Mae,sya kasi ang namamahala sa Valliente Corporation,ako yung nagmamay-ari but I let her to handle our company.She was the acting CEO of Valliente Corporation.

"Hindi ko pa alam sis,"saad ko,babalik na pala ako sa paninilbihan sa baklang boss ko bukas,"and I know naman na without me you can handle the company dahil nag-aral ka ng business management at hindi tulad kong IS."

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now