Obsession 15

4.8K 100 0
                                    

Yvienne

"You sure hindi mo gustong sumama?,"inayos ko ang necktie nya at ang kwelyo ng suot nya.

Jacob was going to a business trip in Davao at ilang araw din syang mamamalagi doon,"yeah,I will stay here and wait for you to come home."

"Okay,what are you planning to do now kapag wala ako?."

Nag-isip ako,oo nga ano?ano kayang pwedeng gawin rito sa bahay nya.

"I don't know yet pero susubukan kong maghanap ng pwedeng gawin para hindi mabored dito sa bahay mo,"tumingkayad ako at niyakap ang leeg nya.

Hinawakan nya naman ang baywang ko,at nagsimulang magsayaw kahit walang musika,"mas mabuti nalang yun kaysa lumabas ka ng bahay."

"May tanong ako sayo Mr. Falcon,"patuloy parin kami sa pag-ikot,"bakit ako?anong nakita mo sa akin?."

"Because you're pretty,"gamit ang isang kamay nya ay hinaplos nya ang pisnge ko,"because you caught my attention,and it's my first time na maobsess sa isang babae."

"Possessive and obsession,"pagtatama ko sa sinabi nya.

He chuckles and kiss my forehead,tumagal ito ng ilang segundo,"promise not to leave me okay?."

"Bakit naman kita iiwan?kung tulayan mo ng pinasok ang sistema ko,"ngumiti sya ng malapad.

"I love you Yvienne,I love you so much,"niyakap nya ako na tipong ayaw na nya akong pakawalan pa.

"Baby baka maiwan ka ng airport,"tinapik ko ang balikat nya dahil parang wala na syang balak umalis.Ihiniwalay niya bahagya ang mga katawan namin at sumeryoso ang mukha nya.

"Don't leave me baby okay?,"muli nyang tanong sa akin.

"Pangako Jacob,hinding hindi kita iiwan,"masuyo kong hinaplos ang pisnge nya at idinampi ko ang labi ko sa kanya.

Tumagal pa ang halikan namin pero agad din akong humiwalay baka tuluyan na nga syang maiwan ng eroplano.

Magkahawak ang aming kamay na lumabas ng bahay nya,muli nya akong hinalikan sa labi tyaka tuluyang nagpaalam.

Nang sa wakas ay hindi ko na makita ang sasakyan nya ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

Naghanap ako ng pwedeng gawin para maalis ang namumuong pagkabagut sa akin.

Binuksan ko nalang ang laptop ko at nanood ng ilang episode ng kdrama.

Ilang minuto rin nang makaramdam ako ng pagkagutom kaya agad akong pumunta sa kusina para tumingin tingin ng pwedeng makain.

Nakarinig ako ng sunod sunod na ring ng bell kaya dali dali ko itong binuksan.

Bumungad sa akin ang mother ni Jacob,masama ang ipinukol nyang tingin sa akin,"wala po ngayon si Jacob Ma'am,"magalang na saad ko.

Hindi na ako nagtanong kung ano ang kailangan nya dahil alam ko naman na si Jacob ang hanap nya,"I know."

Halata ko sa boses ng matanda na pagdigusto at napipilitan lang syang makipag-usap sa akin,"pumasok po kayo."

Niluwagan ko ang pintuan para makapasok ang matanda pero tinignan nya lang ako ng nakakinsultong tanong.

Ipinagpaliban ko muna ang mga napapansin ko at sinusubukan paring pakisamahan ang matanda,"no need,ikaw ang sadya ko rito sumama ka sa akin at mag-uusap tayo."

Kahit nag-aalinlangan ako ay sumama nalang ako sa matanda.

Nasa isang malapit na restaurant lang kami,magharap sa lamisa pero walang kumibo ni isa sa amin,"let me be honest to you,"pagbabasag ng ginang sa katahimikang namuo sa amin,"I don't like you for my son,hindi ko pinangarap na magkaroon ng manugang na taga probinsya,and besides we already have the right girl for my son,she was a famous model and more prettier than you."

Nag-simula na akong makaramdam ng pagkainsulto sa mga sinabi ng ginang,minamaliit nya ba ang mga taga probinsya?.

"At isa pa lalong lalo na ayaw kong magkaroon ng manugang na galing sa pamilya ng mahirap,"parang tinutusok ang puso ko ng karayom dahil sa mga salitang sinasabi ng ginang,"I don't know kung anong ginawa mong pang-aakit sa anak ko kaya ka nya napansin,ang isang tulad mong low class girl."

"Ma'am huwag nyo naman pong insultuhin ang pagkatao ko,"nagtitimping saad ko.

"So?I'm just saying the truth,"gusto ko syang isumpa pero may respeto parin ako sa matanda,kung hindi lang kasalanan ang paghihiganti baka kanina ko pa tinahi ang bibig nya,"siguro pera lang ang habul mo sa anak ko,saan ka ba nagmana?sa magulang mo?."

Nahampas ko ng wala sa oras ang lamesa,"kahit kailan huwag nyong susubukang insultuhin ang magulang ko,saan nyo ba nakuha ang bibig na mayroon kayo ngayon?huwag nyong sagadin ang pasensya ko ma'am,"pagbabanta ko sa kanya,pinanlakihan nya lang ako ng mga mata.

"See,asal mo palang hindi kana bagay sa anak ko,"may kinuha syang bagay sa bag na dala dala nya,isang white envelope,"here take it,kabayaran sa paglayo mo sa anak ko."

Kabayaran?ganun na ba kababa ang tingin nya sa akin para bayaran ako?.

Pinakalma ko muna ang sarili ko,at nagpigil narin dahil kunting kunti nalang ang pasensya ko,"lalayuan ko po ang anak nyo Mrs.Falcon pero hindi ko kayang tanggapin ang perang ibinibigay nyo,"tumayo ako dahil ayoko ng pahabain pa ang usapan namin,"pero huwag nyo akong sisihin kapag isang araw muling magtagpo ang landas namin dahil maliit lang ang pilipinas,kung gusto nyo ipadala nyo si Jacob sa ibang bansa."

Lumabas na ako ng restaurant dahil baka masampal ko pa ang ginang.

Tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan,sinuntok suntok ko pa ang dibdib ko dahil nagsimula itong manikip.

Ganun nalang ba ang pagkasuklam at pandidiri sa akin ng ina ni Jacob kaya pati kaligayan ng anak nya ay pinagkakait nya?.

Bumalik ako sa bahay ni Jacob at doon tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko.

I'm sorry Jacob,hindi na kita hihintayin pang makabalik,I'm sorry dahil hindi ko na matutupad ang pangakong binitiwan ko sayo,I'm sorry I'm really sorry.

Kahit hindi parin tumutigil ang pag-ayos ng luha sa mga mata ko I tried to fixed my things,hinang hina ang katawan ko.

Bago ako tuluyang umalis ng bahay ni Jacob,I get a notepad and started to write a lies.

A lies na alam kong maaari kong pagsisihan sa huli.

Bumalik ako sa LaLake hotel para doon magpalipas ng gabi bago ako umuwi bukas at para tignan kong andun pa ang sasakyan ko.

Nakahiga lang ako sa kama,at damang dama ko ang sunod sunod na pagbagsak ng mainit na likido sa mata ko.

Tulala ako at hindi kumurap,sinusubukang isipin ang mga pang-iinsultong narinig ko mula sa ina ni Jacob.

Hindi ba sya dumanas ng hirap kaya nasasabi nya ang mga bagay na iyon?.

Tumunog ang telepono ko kaya kinuha ko ito at tinignan ang pangalan ng tumatawag,napasinghot ako bago sagutin ang tawag ni mama,"hello ma."

Kaluskos lang ang narinig ko sa kabilang linya,"anak umiyak kaba?."

Pinigilan kong maiyak pero hindi ko mapigil ang bibig ko sa panginginig and I can't stopped my tears from falling,"ma,namimiss ko na kayo,"sagot ko.

"Nahohome sick ka nanaman ba?," tinakpan ko ang speaker ng cellphone ko at mahinang napahagulhol.

"Oo ma,"ani ko nang maibalik ko ang telepono sa taynga ko.

"Ipapasundo na kita sa mga kuya mo?," my mother was a lovely and caring woman,hindi nya magagawa ang bagay na sinasabi ni Mrs. Falcon kaya malaking pagkakamali ang sinabi nya,"malaki ang problema mo ngayon anak at ramdam kong nahihirapan ka,hindi mo yan maitatago sa akin dahil ako ang mama mo."

"Huwag nyo na po akong ipasundo ma,uuwi na po ako bukas,"saad ko at sinubukang gawing normal ang pananalita ko.

"Sige anak para naman masabi mo na ang problema mo."

"Ma,pwede mo ba akong kantahan?,"lagi kaming kinakantahan ni mama ng lullaby kapag pinapatulog nya kami ng mga kapatid ko.

Nagsimulang umawit si mama sa kabilang linya,at unti unti naring bumibigay ang talukap ng mata ko dahil narin sa pagod.

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now